Elyse Castro's POV
Abala ako sa pag kuha ng picture sa mga binili kong damit sa divisoria para ipang benta online.
Mayroon na akong sariling business page sa Facebook na meron lamang 400 na likes.
Dalawang buwan na akong nag gaganito pero mabibilang pa lang ang beses na may umorder sa akin.
Bukod dito ay may sideline din ako sa gabi sa isang restobar bilang taga linis at minsan ay taga serve. Gabi lang kasi ako may pagkakataong makapag trabaho sa labas dahil walang mag babantay sa anak ko.
"Bessy!!! I'm home!!!" Bulalas ng matalik kong kaibigan na si Gwenyth Antonette Alcaraz or mas prefer niyang tawagin siyang Gwen.
Pagpasok pa lamang ng pinto ng apartment na tinitirahan namin ay nag echo na sa buong bahay ang boses niya. Nakabukas ang pinto ng kwarto ko kaya naman umalingawngaw agad ang malakas niyang boses.
Best friend ko na si Gwen simula pa lang elementary. Para ko na siyang kapatid. Malimit siya sa bahay namin at ganoon din ako sa kanila.
Nasa elementary din ako nang mawala samin si papa at ang pamilya nila ang naging una naming karamay. Malala na si papa nang malaman naming may cancer siya kaya hindi rin nag tagal ay kinuha si papa samin kaya naman si mama na ang kumayod para sa mga pangangailangan namin.
At nang mag Grade 6 ako ay napag desisyunan ni mama na mag abroad. Kulang ang kinikita niya sa pag titinda at paglalako ng kakanin. Lalo na at may ilan kaming nautangan na hanep kung maningil. Buti na lamang at tinulungan kami ng parents ni Gwen. Sila ang nag bayad sa lahat ng utang namin sa iba para sa kanila na lang mag babayad si mama.
Hanggang sa mag karoon ng magandang opportunity si mama. Inilakad siya ng kaibigan niya sa kanyang employer para mag work sa Japan bilang fruit picker.
Doon kumuha ng pag asa si mama na maka-ahon sa pag kakautang sa mga magulang ni Gwen kaya naman ibinenta niya ang bahay namin, ang iba ay pinuhunan niya sa mga kailangan niya pa abroad, nag save para sa pag aaral ko at ang iba pang natira ay ibinayad sa utang namin.
Simula nang umalis si mama ay buong puso akong kinupkop ng mga magulang ni Gwen. Kinausap ni mama ang ilan sa mga kamag-anak niya pero walang sinoman ang gustong tumulong at kumupkop sakin.
Kaya naman, malaki ang utang na loob namin sa parents ni Gwen.
Sa mahabang panahon, naramdaman ko ang pag mamahal sa akin ng pamilya niya at ganoon din naman siya sa pamilya ko. Pareho kaming solong anak kaya naman nakuha namin sa isa't isa yung longing namin sa pagkakaroon ng kapatid.
Then during our highschool, siguro ay 2nd year kami noon ni Gwen nang mag abroad na din ang dad niya. Nandoon naman ang grand parents niya kaya madali lang para sa kanilang mag migrate.
At dumating nga ang inaalala ko nang mag 1st year college kami ay sinabihan sila ng dad niya na pwede na silang mag ayos ng papeles para doon na rin manirahan sa Australia.
Nakaramdam na ako noon ng matinding lungkot. Hindi ako showy at kasing sweet niyang kaibigan pero sobrang importante ni Gwen sakin. Siya lang ang meron ako.
Inexpect ko nang sasama siya at maiiwan ako pero nagulat ako nang tumanggi siyang sumama at piniling mas makasama ako. Halos nabigla naman ako nang sabihin nang magulang niyang naiintindihan nila. Pinayagan kami sa kung anong mga plano namin, basta iuupdate sila palagi, makakaasa daw kami sa suporta nila at wag mahihiyang mag sabi pag may kailangan.
Ibinenta ng parents ni Gwen ang bahay nila bago sila umalis. Ako naman ay kumuha ng house for rent para doon kami manirahan ni Gwen habang nag aaral.
Habang nag aaral kami, si mama o kaya naman ang parents ni Gwen ang nagbabayad ng renta namin kada buwan.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart ( ON GOING )
RomanceHave you ever experience love? Love that has been left you broken everytime? Love that brokes your trust a lot of times? That the only thing that love gave you was pain and suffering. Can someone with big trust issues can be open to love once again...