Chapter 3

15 4 4
                                    


Gwenyth Antonette Alcaraz's POV

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko sa loob ng bahay namin ang ex ni Elyse!

Ang first great love ng best friend ko, ang lalaking kinabaliwan niya at isa sa mga iniyakan niya ng sobra. Ang unang heart break ng buhay niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na nandito itong si Jaxx na isa rin namang tarantado't kalahati pero ayoko munang mag talk dahil hindi ko ugali yon hanggang hindi ko alam ang buong pangyayari kung paano siyang nakarating dito?

"Gwen?" gulat na usal ni Jaxx.

"Yes, in the flesh!" tugon ko naman.

"Nang-Nang???" tawag ni Chan na sakto namang lumabas sa kwarto at kahit kakagising lang ay agad nanlaki ang mga mata niya at abot tenga ang ngiti ng makita ang mommy niya. "Mommy!!!" masayang tawag nito at yumakap agad.

"Hi baby!" nakangiting usal naman ni Elyse. "Maagang umuwi si mommy kasi namimiss na kita agad eh! hmmm!!" Dagdag pa nito at pinupog ng halik ang anak. "Pasensya ka na sa ninang mo, maingay talaga bibig niyan hayaan mo sa susunod, lalagyan natin ng tape." Saad pa nito at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Tumingin si Chan kay Jaxx na ngumiti naman agad sa kanya, "Mommy, who is he? Is he your jowa?" cute na cute na boses na tanong ni Chan.

"Ugh! Ugh!" Naubo si Elyse sa gulat. "Gwen?!" Bulyaw na baling sakin ni Elyse. Mabilis akong nag peace sign pero sinuklian niya iyon ng nanlilisik na tingin. Napatingin pa ako kay Jaxx at ano't may pag simpleng ngiti pa?! "Don't use that word anymore. You cannot just copy anything your nang-nang says, okay?" Paliwanag ni Elyse habang nakatingin pa rin ng masama sakin at tumango naman si Chan. "This is Jaxx, mommy's friend." Pakilala ni Elyse kay Jaxx.

"Hi uncle Jaxx!" Bati ni Chan.

'wow! Kung maka uncle, kala mo close. Hehehe! Cute!

Iyan naman ang isang nakaka proud kay Chan. Mabait, sweet, smart at napaka mabati sa tao. Mana sa mommy niya. Ang laking plus kaya pag maganda ka na marunong ka pang bumati at makipag usap sa mga tao.

"Hi! What's your name?" Tanong ni Jaxx.

"I'm Chantrea Elmeira Agustin. I'm 5 years old." Bibong bibo namang pakilala ni Chan.

"Nice to meet you Chan and you're so pretty just like your mom," saad ni Jaxx at sumulyap pa kay Elyse. Nailang naman si Elyse at napalayo ng tingin.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatae pero hindi ko magawang matuwa ng buo sa inaasta nitong lalaking 'to dahil sa history ng panloloko nito sa kaibigan ko.

"Ah sige na, Chan. Balik ka na sa room at mag sleep ka na. Hahatid ko lang 'tong kaibigan ko." Paalam ni Elyse at ibinaba si Chan na karga niya.

"I'll wait for you mommy," tugon ni Chan at tumango naman si Elyse. Nag diretso si Chan sa kwarto at ako naman ay naiwan saglit sa labas.

"Sandali, mag papalit lang ako ng damit. Dyan ka muna kay Gwen." Sambit niya kay Jaxx.

Nang makapasok si Elyse sa kwarto ay kinausap ko si Jaxx.

"Maupo ka muna dyan, matagal mag bihis yon." Alok ko.

Naupo naman siya, "Hanggang ngayon pala mag kasama pa rin kayo ni Elyse?" Tanong niya.

"Oo, naka glue na kami sa isa't isa. Hindi na kami mapaghihiwalay niyan. Gusto mong tubig? Juice?" Tugon ko at alok. Kahit hindi maganda timpla ko sa taong 'to ay may hospitality naman akong taglay kahit hindi halata.

Tales Of The Heart ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon