Jaxx's POVDumating ako ng maaga sa resto para tumulong sa gawain.
Sa totoo lang ay nag aalala ako kay Elyse.
Simula kasi nang isundo at hatid niya si Gwen ay malimit ko siyang makitang makatulog sa pag kakaupo.
Halatang mas pagod na pagod siya ngayon.
"Elyse, ayos ka lang ba?" Tanong ko nang mapansin na nakahawak siya sa ulo niya habang sandaling nakaupo.
"Hmm ayos lang medyo pagod lang," tugon niya.
"Maybe yung pag sundo at pag hatid mo kay Gwen yung nag drain sa energy mo. Malayo rin yon mula sa bahay niyo. Nakakapahinga ka pa ba?" Nag aalalang tanong ko.
"It's fine. I can manage naman. Tsaka inaantay ko na lang din talagang ma interview ako dun sa work ni Gwen para mag kasama na kami." Saad niya. Nakaramdam ako ng inis.
"Paano yung work mo dito?" Inis na tanong ko.
"Nag usap na kami ni Madam at ni Sir. Naiintindihan naman nila ako. If I really want to give wants best for my daughter, may mga kailangan akong i-sacrifice to move forward." Sabi niya.
"So itatapon mo lang yung work mo dito na sumuporta sayo for more than a year? You made up your mind more dahil may nangyari kay Gwen?" Sarkastikong sabi ko. "You're being unreasonable Elyse! I hope you won't get that job so you'll have no choice but to stay here." Mariing dagdag ko.
Pero halos mabingi ako nang sampalin niya ako ng malakas.
Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya na nanlilisik ang mga mata.
'what have I done?!
"I've been given a new opportunity with a chance to enhance some skills that I am good at. And that is also one of my dream jobs." Usal niya na hindi iniaalis ang masamang tingin sakin. "Tawagin niyo na akong oportunista pero gagawin ko ang lahat para mabigyan ng magandang future ang anak ko. At walang kahit na sino o kahit pa ikaw ang makakapag pabagsak sa mga pangarap ko. Wag mong papakealaman ang buhay ko lalo na ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Nag papasalamat ako na sa lahat ng mga naitulong mo sakin pero hindi yon basehan para pag salitaan mo ako ng ganyan dahil ang parte mo sa buhay ko ay kaibigan lang." Mariing saad niya. Nanginig ang kamay ko. Galit talaga siya. Tagusan din sa sakit ang mga huli niyang salitang binitawan.
"Elyse," usal ko na hihingi sana ng tawad sa nasabi ko pero tinalikuran na niya ako at doon ko nakitang nasa likuran lang si Ms. Tina.
"Mag out po muna ako nang maaga." Paalam ni Elyse kay Ms. Tina.
"Sige Elyse, pahinga ka muna." Tugon naman nito.
Hindi ako nakagalaw. Tinanaw ko lang siyang walang lingunang umalis.
"Why did you say that to her?" Tanong ni Ms. Tina.
"Why did you just let her stop working here when she got hired on the other job?" Tanong ko.
"Simple Jaxx. Because I do not own her." Tugon niya. "Hindi ko tinitingnan si Elyse as an employee but more of like a friend. I can see it in her eyes that she wanted to work there. It's her dream. She also said that she will focus on designing and photography there, did you know how much she loves doing that?" Dagdag niya. "I know how you feel, kasi nararamdaman ko din naman yan. Gusto kong mag work si Elyse dito dahil napamahal na rin siya sakin. I am also frustrated dahil pag nag work siya don malalayo na siya sakin but my husband made me realize that I am still her friend and I don't think kakalimutan na lang niya ako because that's not who she is. When I need her she will come, she will be here for me." Sabi ko. "Pero alam mo kung anong problema pag dating sayo, it was you Jaxx." Saad niya. Hindi ako nakaimik. "Because you are trying so hard to hide your true intentions to her. Ginagawa mong taguan ang pag tatrabaho niya dito para meron ka laging dahilan na makita siya at makasama without any questions. I told you before, the more na ipipilit mo ang sarili mo the more na kakawala siya at mas lalayo sayo. And now, look at what just happened! Ang mabuti pa, umuwi ka muna at para ma clear mo ang isip mo. And remember Jaxx, don't do anything na pwede mong pag sisihan." Saad niya at iniwan na ako.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart ( ON GOING )
RomanceHave you ever experience love? Love that has been left you broken everytime? Love that brokes your trust a lot of times? That the only thing that love gave you was pain and suffering. Can someone with big trust issues can be open to love once again...