Gwen's POV"Mommy! Mommy!" Humahangos habang umiiyak na bulalas ni Chan nang makita ang mommy niya na nakahiga sa hospital bed na walang malay.
"She's fine Chan. She is just sleeping." Sambit ni Jaxx.
"Uncle Jaxx? Thank you po!" Tugon ni Chan.
"Who is he?" Tanong na agad ni mama.
"Kaibigan namin ni Elyse noong highschool," saad ko. "Siya din nag dala dito kay Elyse." Dagdag ko pa.
"Oh is that so? Thank you!" Usal ni mom. "What is your name again?" Tanong pa niya.
"Jaxx po." Tugon ni Jaxx.
"Nice to meet you Jaxx. We are Gwen's parents." Pakilala ni mom
"Nice to meet you din po." Tugon ni Jaxx.
"Thank you Jaxx." Pasasalamat ni papa.
At tumango naman si Jaxx."Bakit nag kaganito bigla si Elyse?" Tanong ni mama. "At bakit nandito din si Jake kanina?"
"Nag kagulo eh." Tugon ko at napa buntong hininga. "Pag kaalis niyo, s'ya namang dating nitong dalawa." Turo ko kay Jaxx at pinatungkol ko si Jake dun sa isa. "Eto, may ibinigay kay Elyse. Padala nung boss niya sa resto." Kwento ko at itinuro si Jaxx.
"Oh? Kilala mo yung boss niya sa resto?" Tanong ni papa kay Jaxx.
"Ah, opo. Kaibigan ko po at ka business partner. Ipinadala po nila sakin yung para kay Elyse na pang noche buena na bigay nila sa lahat ng employees." Paliwanag ni Jaxx.
"Eh si Jake? Bakit pumunta?" Tanong ni mama.
"Si Jake, pag uusapan nila ni Elyse yung tungkol sa birthday ni Chan." Kwento ko.
"Pumayag si Elyse pumunta si Jake sa bahay niyo?" Tanong ni mama. May inis na sa tono ng pananalita niya.
"Hindi." Mabilis na tugon ko. "Nag text siya kahapon pero hindi pinansin ni Elyse. Bigla na lang siyang dumating sa bahay. Nagka sagutan sila ni Jake, hindi rin maganda mga nakikita niya sa harap niya kaya siguro sumama pakiramdam." Pasiring na sabi ko na pinapatamaan din si Jaxx. "Nakadagdag din siguro na pagod siya. Sa sobrang dami ng ginagampanan, nasuko na katawan." Dagdag ko.
"Naitanong mo na ba kung pwede siyang mag work dun sa pinag ta-trabahuhan mo?" Tanong ni papa.
"Sa monday, titingnan ko kung magagawan ko ng paraan sa boss ko. Mas okay nga kung dun na lang siya mag work, atleast mag kasama kami at hindi niya na kailangang mag work mula gabi hanggang umaga." pag sang ayon ko.
"Payag ba si Elyse sa plano ni Jake na celebration para kay Chan?" Tanong ni papa.
"Opo, napag usapan na po namin yan. Magugustuhan ni Chan yon. At ayaw niya ipag kait yung karapatan ni Jake bilang siya pa din naman yung daddy ni Chan." Paliwanag ko.
"Hay.. masyadong mabait talaga itong si Elyse." Si mama. "Kung papayag nga lang itong si Elyse, isasama ko na kayong tatlo sa Australia at doon na tayo lahat maging ang mama niya." Panlulumo ni mama.
"Naku ma, hindi kayo mananalo sa prinsipyo ng isang yan." Panlulumo ko rin. "Pupunta lang yan don kung siya na mismo ang nakagawa ng paraan na makapunta ron at doon tumira. Pero kung kayo ang sasagot ng lahat, malabo yang pumayag." Dagdag ko.
Natahimik kami at napatingin na lang kay Elyse na mahimbing pa ring natutulog. Nakatabi sa kanya si Chan na nakatulog na rin dahil sa kakaiyak.
"Uuwi na po muna ako. Babalik na lang po ako para bumisita. May mga trabaho pa po kasi akong kailangang asikasuhin." Paalam ni Jaxx.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart ( ON GOING )
RomanceHave you ever experience love? Love that has been left you broken everytime? Love that brokes your trust a lot of times? That the only thing that love gave you was pain and suffering. Can someone with big trust issues can be open to love once again...