Elyse's POV"Sorry baby, nagising ba kita?" Tanong ko kay Chan. Marahan ko siyang tinabihan pero ang lakas ng pakiramdam niya dahil naramdaman niya pa din yon kahit tulog na siya.
"Okay lang po mommy," usal niya at ngumiti ng sobrang ganda. Napangiti naman din at niyakap siya. "Alam mo ba anak, makita ko lang ang smile mo, nawawala ang lahat ng pagod at stress ni mommy." Saad ko.
"Ako din po mommy, pag nag smile ka po, masaya ako." Sabi niya. "But mommy only shows her true smile to me and nang-nang." Dugsong niya.
"Syempre, kasi ikaw at si nang-nang ang pinaka mahalaga sakin. Tsaka si lola." Tugon ko.
Tumango siya at akala mo nag iisip. "How about tito Jaxx?" Tanong niya.
Nagitla naman ako sa tanong niya. "Bakit naman napasama siya sa usapan?" Tanong ko.
"I don't know, I just remembered him. Hindi ka rin nag smile sa kanya ng true so that means hindi siya mahalaga?" Saad niya.
"He's just a friend," sabi ko.
"How about daddy?" Tanong niya.
Hindi ako nakasalita. Parang may tumarak sa dibdib ko. "He's your daddy so I care for him." Tugon ko.
"Sa lahat, kay daddy mo hindi pinaka magawa mag smile." Saad niya.
"Chan, do you want us to be together as a whole family?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at animo'y nag iisip ulit. "Alam mo bang gagawin ko ang lahat basta pag sinabi mo?"
"Hmm.. no mommy, I am okay that he's my daddy. Pero mommy and daddy when together are always fighting, mommy is always crying because daddy always hurts you mommy. I don't want that. Sabi ni nang-nang, pag mahal ka hindi ka sasaktan. Gagawin lahat para sayo, parang ikaw sakin mommy. Kaya gusto ko, kung may makakasama ka man mommy, yung kagaya mo magmahal at mag alaga. Kasi ako masaya sa pag mamahal at pag aalaga mo, pag may gumawa din non sayo, makikita na kitang masaya." Saad niya.
'putek?! Bata ba talaga 'to?! Kay daming alam ah! Hindi naman ako matalino, bakit nabiyayaan ako ng batang ganito katalino?
"Wow! Ang daming alam ng baby ko ah, baka naman maunahan mo pa ako mag boyfriend niyan!" biro ko at kiniliti ko siya.
"Hahahahahahahahaha! Hindi po mommy!" Malakas na halakhak niya.
Tumigil naman ako at baka ubuhin naman siya sa sobrang pagtawa.
"Aba'y dapat lang, mag 6 ka palang kaya baby pa rin kita." Sabi ko at niyakap ko siya ulit.
Nang makita kong nakatulog na siya ulit ay lumabas na muna ako sa sala. Pumunta ako sa ref at kinuha ang vodka lemonade na naroon.
Tumingala ako sa kisame habang nainom at nag lalayag ang isip ko sa kawalan.
'tagal ni Gwen ah, ano kayang klaseng panenermon ang inabot ni Jaxx?
Nasa kalagitnaan ako ng pag inom nang dumating si Gwen.
"Oh? Bakit gising ka pa? At may pag inom ka pa dyan ng vodka, nag redhorse ka na don kanina eh. Tamang senti lang?" Bulalas niya.
'ang babaeng 'to, isang sitwasyon napaka daming reaksyon. Parang manok, daming putak.
"Hindi ako makatulog," tugon ko.
"Gawa ng birthday ni Chan, next week na kasi. Nalalapit na yung oras na mag haharap na naman kayo ni Jake at nang mga magulang niya na ubod ng kulit at tikal ng mukha." Saad ni Gwen.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart ( ON GOING )
RomanceHave you ever experience love? Love that has been left you broken everytime? Love that brokes your trust a lot of times? That the only thing that love gave you was pain and suffering. Can someone with big trust issues can be open to love once again...