Chapter 27

7 2 0
                                    


Jesse's POV ( Part 2 )

"Elyse, pasalubong namin pag balik mo!" Bati ng mga lalaking tambay sa isang malaking tindahan malapit kila Elyse. Matatandang lalaki, binata at pati bata. May ilang mga matatandang babae din naman. 

Uncomfortable yung feeling para sakin at pansin ko na ganon din sa iba naming mga kasama.

Lumapit sa kanila si Elyse. "Sige pag balik ko. Kayo ho munang bahala dito ah. Alam niyo na yon." Sabi pa ni Elyse.

"Walang problema Elyse, babantayan namin ang mama mo at si Chan." tugon nila.

"Aasahan ko yan ah, ano ba gusto niyong paslubong? Isang case ba ng kwatro?" Nakangising tanong ni Elyse.

"Ayun oh! hahaha!" tuwang-tuwang bulalas nila. "Eh sino ba dyan Elyse?" Tanong ng isang matandang lalaki at may ibinulong habang kay Dain nakatingin.

"Bossing ko ang mga yan, sisimulan niyo na naman akong asarin." Natatawang sabi ni Elyse at tumawa na lang din naman sila. "Sige na, aalis na kami. Yung usapan natin ah, kayo na bahala."

"Oo, wag ka na masyadong mag alala at mag enjoy ka sa pupuntahan mo." Wika ng isang matandang lalaki. "Mag iingat ho kayo," sabi niya pa sa amin at yumuko pa bilang pag galang.

"Salamat po," tugon ni Dain at gumaya naman kami.

You can't really judge people based on their appearance. They showed how much they respect Elyse.

Naglakad kami papunta sa kung saan naka park ang van.

"Ganyan lang po ang mga yan pero sobrang babait po ng mga tao dito. Para na naming tatay ang mga yon. At si Elyse, masyado po yang mahal ng mga tao dito pwede nga pong kumandidato yan eh." Natatawang kwento ni Gwen.

"Binebenta mo na naman ako," usal ni Elyse at natawa naman kami.

Pag sakay namin ng van ay lumakad na din. Mahaba pa ang byahe namin papuntang Baler Aurora kung saan kami nakapag book ng beach front private house. Perfect ang place at maganda talaga.

Habang nasa byahe ay panay ang kwentuhan namin. Sa may likod namin pumwesto si Elyse, solo siya don habang si Gwen naman ay nasa may kalagitnaan at panay ang chikahan namin. First time namin makasama si Elyse kaya we understand naman na hindi pa siya ganoong ka comfortable pero kahit ganoon ay nakikipag kwentuhan pa din naman siya samin.

Kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Dianne, kung manhid ang iba sa inaasta niya, ako naman ay ramdam na ramdam ko ang masama niyang timpla simula nang makarating kami sa bahay nila Elyse. Lalo na at walang ibang ginawa si Dain kundi ang panoodin si Elyse.

Wala naman akong problema kay Dianne kung in the end sila ni Dain ang mag katuluyan I will be happy for them. Ang ayoko lang ay yung mga actions niya pag hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Saan ba kasi kayo galing kagabi?" Tanong ni Julia.

"Ah may binili kasi itong si Elyse, ang tagal bago kami nakapag decide kung anong dapat niyang bilhin tapos may ginawa pa kami after makauwi. Pero syempre secret lang yon kung ano." nakangising sagot ni Gwen.  Saglit siyang nag tapon ng tingin kay Dianne at muling bumaling ng tingin kay Julia. "Buti nga at bumuti agad ang pakiramdam ko kahapon sayang lang at hindi ako nakasama kila Sir Dain nang mamili sila kahapon."

"Nabalitaan ko nga din yon but good thing na nakasama si Elyse sa kanila." Nakangiting tugon ni Julia at tumingin kay Dain.

"Oh? Edi para palang double---" bulalas ni Vin at siniko naman siya ni Julia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tales Of The Heart ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon