Dianne's POVEver since na dumating ang Elyse na yan, nag bago si Dain.
Parang lahat ng bagay na may kinalaman kay Elyse gusto niya nandon siya. Noong photoshoot ni Jerald, iyon ang unang beses na pagalitan niya ako sa harap pa ng lahat.
Although aaminin ko naman na sinadya ko talaga na hindi siya sabihan dahil sobrang naiinis ako sa inaasta niya pero sinusubukan kong hindi ipahalata sa kanilang lahat.
Kumukulo ang dugo ko sa Elyse na yon! Lalo na nang barahin niya si Jerald at mapahiya ako sa harap ng lahat. At anong sinasabi niyang may rason ako sa pag reject ko? Anong alam niya sakin?! Hindi niya ako kilala! Masyado siyang pabida!!
Tapos ngayon, pati ba naman sa outing namin ay kasama pa siya?! Nasa plano na talaga nila dahil gusto nila mapag lapit si Dain at Elyse, bagay na ayaw na ayaw ko naman.
Alam kong rejected na ako kay Dain matagal na, pero hindi ako nawalan ng pag asa na isang araw makikita niya din ako that way. Hindi ko naisip na sukuan ang nararamdaman ko para sa kanya dahil hindi ako nasuko sa idea na maybe one day, he'll come around.
But when he met Elyse.
The girl who caught his attention and interest, all of a sudden I am more out of the picture now.
He has a crush on her and he already admitted that to us.
Sobrang nadurog ako. Sobrang nasaktan. Kahit pa sabihin niyang wala pa naman sa puntong gugustuhin niya mag level up sa nararamdaman niya.
Pero dun na din ang punta non! At iyon ang sobrang ikinagagalit ko.
Gusto ko ding magalit kay Gwen dahil siya ang nag dala sa Elyse na yon dito! Okay ang lahat bago siya dumating!
I hate her!!! I hate her so much!!
Dumating ako sa company at natanaw ko ang motor ni Elyse sa parking area. At nang luminga ako sa paligid ay nakita ko siya sa guard quarters.
"What is she doing there?" Takang usal ko.
Sumilip ako at kausap niya ang mga guard. Nag kukwentuhan sila at nag tatawanan.
'the hell! How can she stand being around with those men?!
"Ms. Dianne, good morning po!" Bati ni Aura kasama ang dalawa niyang friend. And I know, their circle is one of the mean ones.
'perfect timing!
"Good morning," nakangiting bati ko sa kanila.
"Bakit po kayo nandito Ma'am?" Tanong nila.
"Well, I was just wondering what Elyse is doing there. It seems like they are having fun." Usal ko and in the back of my mind, nakangisi na ako dahil alam kong gagawan nila ito ng kwento at ikakalat sa company hanggang sa makarating kay Dain.
"Omg! That's her type?! What a low life?!" Bulalas ni Aura.
"I don't think so, maybe she likes being around them. Malimit ko siyang makita dyan eh." Saad ko at mas lalo naman silang nagulat. "I have to go, may mga kailangan pa kasi akong gawin eh. Kayo din, pumasok na kayo." Paalam ko.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart ( ON GOING )
RomanceHave you ever experience love? Love that has been left you broken everytime? Love that brokes your trust a lot of times? That the only thing that love gave you was pain and suffering. Can someone with big trust issues can be open to love once again...