(1): A Gadget

54 1 0
                                    

"So, ano balak mo ngayon, Dyth?" Tanong ni Moileen sa kabilang linya.

Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay umusog ako para makasandal sa dingding. Inabot ko ang isang maliit na unan at nilagay 'yon sa pagitan ng tiyan at binti ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko gamit ang kanang kamay kasabay ng pag patong ng baba ko sa pagitan ng mga tuhod at pag buntong hininga. Hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang cellphone na tinatapat ko sa kaliwang tainga.

"Hindi ko alam, Moi" pag-amin ko. "I'll hang up for now. Tatawag nalang ulit ako. I need time to think"

Rinig ko ang buntong hininga niya mula sa kabilang linya. Nai-imagine ko rin siyang napapailing. "Sige, hindi na muna kita kukulitin. Just don't do anything stupid, okay?"

"Yeah..."

"Alright then, bye. Call me, okay? I love you"

Nararamdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Iiyak na naman ba ako? Pero napangiti rin ako kahit papaano, dahil sa kabila ng lahat, nand'yan ang kaibigan kong si Moileen, may kasama ako.

"Thanks. I love you." And by that, I ended the call.

Ibinagsak ko ang kaliwang kamay ko sa kama at pumikit ng mariin. Napapitlag ako ng maramdaman kong nag vibrate ito. Itinaas ko naman ito para tingnan kung sino ang nag text.

From: Mama
Anak, malapit na mag bakasyon. Uuwi ka ba? O mag su-summer class ka?

Ang luhang kanina ko pang pinipigilan ay lumakbay na pababa ng pisngi ko. Sunod sunod na ang pag tulo ng mga ito habang nanginginig ang mga kamay ko sa pagta-type ng reply kay Mama.

To: Mama
Uuwi po ako, Ma. I miss you po.

Pagka-exit ko sa message ay nakita ko ang wallpaper ko at biglang kumirot ang puso ko. Agad kong pinalitan 'yon, dinelete ang number ng taong kasama ko doon pati narin ang mga litrato namin at kung ano ano pang naka-save sa cellphone ko. Lalo akong napahikbi.

Masyadong marami para isa-isahin. Mukhang kailangan ko ng bagong cellphone.

Pumikit muli ako ng mariin at nagpahid ng mga luha bago basahin ang reply ni Mama.

From: Mama
Sige, anak. Naku, excited ang mga kapatid mong umuwi ka. Miss na miss ka na. Miss narin kita, anak. Osige, magpahinga ka na diyan at baka pagod ka pa galing school. I love you, anak.

Hindi ko na napigilang humagulgol nang makita ang huling mensahe ni Mama.

"I love you, Ma" bulong ko sa garalgal kong boses dahil sa iyak ko. Wala na akong lakas para mag type kaya napahiga nalang din ako hanggang sa nakatulog na ako.

Unti-unti kong minulat ang mga mabibigat kong mga mata dahil sa pag tunog ng cellphone ko.

Napapikit pa ako ng mariin sa kagustuhan ko pang matulog.

"Ugh. Ka-aga aga, e." Reklamo ko habang kinakapa ang cellphone kong hindi ko alam kung nasaan hanggang sa makapa ko siya sa may bandang binti ko.

Moileen-ta Calling . . .

Napairap ako sa kawalan nang makita kung sino ang tumatawag. Parang linta talaga to sa pagiging clingy. Kaya Moileenta pangalan sa contacts ko, e.

"Oh?" Inaantok kong pag sagot sa tawag at humikab pa ako matapos no'n.

"Hoy!" Agad kong nilayo ang cellphone ko sa lakas ng boses niya "May pasok ka po ng 10:30, pinapaalala ko sa'yo. Tumayo ka na diyan at mag-ayos."

Your TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon