(4): A Confab

23 1 0
                                    

Shi: Good morning, Dythalia. :)

Pag mulat ko ng mga mata ko 'yon agad ang nabasa ko. Napangiti naman ako. Makapag goodmorning naman 'to at makagamit ng smiley emoticon, akala mo normal siya, e.

DyE: Good morning, uhh.. What shall I call you?

Shi: Shi.

Shi: You can call me Death if you want. ;)

Agad naman akong napasimangot. Pinaalala mo pa.

Shi: Just kidding. Stop frowning, please.

"Hoy, ano ang binubungisngis mo diyan?" Pag sita ni Moileen na nakatayo sa pintuan na may hawak pang spatula. "Bumangon ka na diyan at maligo"

Shi: Bangon na raw.

Napairap ako sa kawalan at humalakhak ng mahina. Inaamin ko, kinikilabutan talaga ako no'ng una. Sobrang takot ako at sobrang nawi-weirduhan. Pero ngayon, ewan ko kung bakit pero medyo natutuwa ako. Naaaliw ako sa thought na may nakakausap akong alam ang mga kilos ko. Ang galing.

DyE: Ito na nga po oh, babangon na.

Shi: Ligo well. ;)

Napataas ang kilay ko nang makita anh reply niya at bigla kong naalala na parang nakikita pala ako nito.

DyE: Pwede h'wag mo muna gamitin 'yang powers mo? Parang hindi naman ako makakaligo niyan dahil may nakatingin sa'kin.

Shi: Hahaha! Hindi mo naman ako nakikita, e. Kunwari nalang ay 'di mo alam. Kalimutan mo muna ako ng panandalian.

DyE: Perv!!

"Dythalia! Hindi ka pa talaga babangon?!"

Umupo na ako galing sa pagkakahiga ko

"Ito na po, Nay oh. Maliligo na nga rin ako. Ito oh, punta na akong banyo". Ngumisi pa ako ng matamis sa kaniya nang madaanan ko siya no'ng lumabas ako ng kwarto. Inirapan naman niya ako.

Shi: Good mood ka ata ngayon? Hindi mawala ngiti mo. Dahil ba 'yan sa'kin? :)

Napahalakhak na naman ako. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ngang ang aliwalas ng mukha ko.

DyE: Asa ka, a! Maliligo na ako, h'wag kang manuod, please!

Shi: Oo, hindi na.

DyE: Sure ba 'yan?

Shi: Maybe.

DyE: Ano ba!

Shi: Haha. Ang cute mong mag dabog.

DyE: O, e'di nakatingin ka nga. Hindi na nga ako maliligo. :(

Shi: Sige na, hindi na talaga. Maligo ka na. :)

DyE: Totoo na ba 'yan?

Shi: Yes. Don't worry.

Agad kong binaba ang gadget sa gilid ng lababo. Nag-alinlangan pa akong mag hubad. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko habang hawak ko na ang laylayan ng damit ko. Walang nag vibrate na gadget. Hindi nga siguro siya tumitingin, hindi pinansin ang reaction ko.

Matapos kong maghubad ay dumeretso na ako ng shower para maligo. Magta-tatlumpong minuto na nang matapos ako. Bumalik ako ng kwarto para mag bihis at sinabihan pa ako ni Moi na kumilos ng mabilis para makakain na.

DyE: I'm done.

Lumabas ako ng kwarto na basa pa ang buhok ko at hawak ko ang gadget. Umupo ako sa hapag, katapat ni Moi, para kumain. Nag simula na siyang mag lagay ng kanin sa pinggan niya at tumusok naman ako sa bacon. Agad niyang hinampas ang kamay kong may hawak na tinidor.

Your TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon