Sa bawat araw na lumilipas hindi ako mapakali. Kung pwede ko lang sanang hilahin ang oras ay ginawa ko na.
"Bakit lagi kang nakatingin sa kalendaryo, Dyth? Excited umuwi?" Tanong ni Moi.
Nasa sala kami ngayon. Nakahiga ako sa pahabang sofa at siya naman ay nakaupo do'n sa pang-isahan lang pero nakapatong rin ang paa.
"Huh? Wala. Guni-guni mo lang 'yon"
"Guni-guni ko nga lang siguro na nakikita kitang tumitingin sa kalendaryo every 3 minutes. Guni-guni ko nga lang." Sakristo niyang sabi.
Shi: Gusto mo na ako makita, ano?
I mentally rolled my eyes.
DyE: Asa.
Another day has passed and I was restlessly waiting for that day to finally come. Every single day that passes by makes me more and more jittery.
I don't want to make it evident, though. Especially to him which made me act cold and taciturn towards him.
"Moi..." simangot ko at bumaling naman siya sa'kin nang nakataas ang kaliwang kilay
"Cravings?" she queried and I nodded to respond.
"Gusto ko ng maalat"
Bumuntong hininga siya at kinuha ang cardigan niya.
"Lock the door. Text me when you need something else, okay? Balik ako agad" She said as she kissed my forehead.
Kung lalaki 'tong best friend ko ay baka sa kaniya pa ako na in love. And I won't mind kung siya pa 'yong nakabuntis sa'kin. Kumunto naman ang noo ko sa thought na 'yon. But seriously, girlfriend material talaga 'yong best friend ko. She's quite nosy but she respects decisions. Manenermon siya pero su-suportahan ka parin sa desisyon mo. Maaalalahin at sobrang maalaga. Hindi ko nga lang siya best friend, e. Sister, mother and boyfriend pa. O, diba? Kung 'yong kape ay 3 in 1 lang ang best friend ko naman ay 4 in 1, isama mo na ang schoolmate at pagiging partner namin. O, edi 6 in 1 pa?
Naramdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko. Ang hirap naman ng buntis, napaka-emosyonal. Bumuntong hininga ako dahil ang sikip sikip na ng dibdib ko. Nakakalungkot lang kasi na kailangan ko munang tumigil sa pag-aaral dahil sa pag bubuntis ko. Pangarap kasi namin ni Moi na grumaduate ng sabay tapos ay maging mag partners kami sa trabaho. Engineer at architect. Partners. Best friends.
Kinabukasan ng hapon ay nag crave na naman ako and as usual, it was Moileen who did the errand. Habang kumakain ako ng cravings ko ay napatingin ako kay Moi na mukhang pagod na pagod sa pag-aalaga sa akin. Naalala ko bigla ang mga naisip ko kahapon at nag simula na naman akong maluha.
"Nako! I'm sure! Tayo ang magiging best partners sa pagiging engineer at architect pag nagkataon!" I remembered her dreamingly said and a tear suddenly escaped.
"Dyth?!" Agad akong dinaluhan ni Moi na siyang nagpa-panic "Dyth?! Anong nangyari?! May masakit ba sa'yo?! Ano?! Bakit ka umiiyak?!" I sniffed as I shook my head.
"Moi?..."
Pinunasan niya ang mga luhang lumakbay at pumirmi ang mga kamay niya sa tigkabilang pisngi ko habang nakatingin ng malalim sa aking mga mata. Nakaupo ako sa sofa at siya naman ay nakaluhod sa sahig.
"Bakit, Dyth? Ano 'yon? Anong problema?" Ang lambing ng boses niya at lalo akong naiiyak. Takte, bakit ba nagiging emosyonal mga buntis?
"May gusto ba sa'yo si Cloud?" Lumaki ang mga mata niya sa tanong ko. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Nahihiya siyang tumango at yumuko. "Gusto mo rin ba siya?" Agad niya akong tiningnan ng nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Your Time
Mystery / ThrillerA gadget. A weird application. A perplexing chatmate. A confab. A pact. A rendezvous. A love story? No.