(5): A Pact

19 1 0
                                    

Weeks have passed and I'm already 6 weeks pregnant. Sanay na rin si Moileen kay Shi.

"Seryoso ah, para mong boyfriend 'yong Shi na 'yan. Kung di ko lang talaga alam na hindi siya normal at Death ang pangalan niya ay aakalain kong may dumidiskarte sa'yo" kumento ni Moi nang makita akong nakangiti sa screen ng gadget.

I still talk to him like a normal person--except the fact that he knows what's happening around me. Nakakaaliw nga siya at lagi ako napapangiti. Imagine nalang na para akong high school girl na nahuhumaling sa textmate.

"Wait!" Mula sa screen ng TV ay ibinaling ni Moi ang atensyon niya sa'kin. "Don't tell me na..." Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi niya ipinagpatuloy agad ang sinasabi niya "Na.. Nahuhulog ka nga diyan sa tao na 'yan? Kung tao nga ba siya."

Napahalakhak akong umiiling sa sinabi ni Moi. "That's absurd, Moileen"

Tinitigan niya lang ako at bumuntong hininga bago ibinalik ang atensyon sa TV. "Pero, hindi nga? Hindi ka nahuhulog sa kaniya?" Pahabol niyang tanong habang tutok ang mata niya sa TV screen.

"Bakit mo ba kasi naiisip 'yan?"

"E, kasi... Para kayong high school students na naglalandian sa text, e. O chat. O kung ano man 'yan." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya "May pa 'Did you miss me?' Pa siyang nalalaman. At ikaw naman parang high school girl na kinikilig"

Humalakhak ulit ako. "Hindi nga, Moi. Hindi ako kinikilig. Natutuwa lang ako sa kaniya"

"Parang gano'n narin 'yon, e."

Natigil ang usapan namin ni Moi nang mag vibrate ang gadget.

Shi: Just to remind you... I can hear what you two are discussing about.

DyE: I know.

Shi: Hindi ka talaga kinikilig sa'kin? :(

"Hoy! Makatawa ka naman!" Suway sa'kin ng kaibigan ko

"E, 'yan kasi. Kung ano ano tinatanong mo sa'kin. Pati siya tuloy tinatanong narin ako ng kung anu-ano."

Hindi pinansin ni Moi ang sinabi ko at itinuon nalang ang atensyon sa pinapanuod.

Shi: Aww. Tinawanan lang ako.

DyE: Umayos ka nga!

Shi: Maayos naman, a. Ang tsundere mo >.

DyE: Huh? Ano 'yon?

Shi: Kunwari mataray pero kinikilig naman.

Shi: Tingnan mo nga mga reply mo sa'kin, oh. Laging may exclamation point at sinasabihan akong 'asa' o 'umayos ka'. Para namang di ko alam na tawa ka ng tawa. Minsan nga namumula ka pa.

DyE: Kailan naman daw ako namula? Aber.

Shi: No'ng sinabihan kita na ang cute mo.

Shi: No'ng sinabihan kitang mag-ingat ka kasi ayaw kong mapahamak ka.

Shi: No'ng ilang oras akong 'di nagpaparamdam tapos magtatanong ako bigla kung namiss mo ako.

Shi: No'ng sinabi ko h'wag ka basta basta maghuhubad kasi lagi akong nakatingin sa'yo. Hahaha.

DyE: Ang perv mo talaga!

Shi: No'ng sabi ko h'wag ka masyado magpaganda no'ng gumala kayo ni Moi kasi ayaw kong pinagtitinginan ka ng iba.

Shi: At ngayon.

Your TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon