(2): A Weird Application

31 1 0
                                    

Nagpatawag ako ng taxi kanina. Ngayon nakaupo lang ako at hawak 'tong cellphone na 'to. Ang weird. Wala itong kahit na ano--camera, gallery, messages, settings at kung ano ano pa--maliban sa isang application.

YoTi Talk?

Muntik ko na mabitawan ang cellphone nang biglang may lumabas na message. Ano to? Parang Viber, WeChat at KakaoTalk? Gano'n?

Shi: Hi!

Kumunot lang ang noo ko pero di ko ito pinansin. Bakit naman kasi ako makikipag usap sa hindi ko kakilala 'di ba?

Bigla akong nakarinig ng busina at hudyay na 'yon na nasa labas na amg taxi. Sinigurado ko munang naka-lock ang apartment bago ako sumakay ng taxi at nagpahatid sa school.

Habang nasa biyahe ay nag vibrate ang cellphone--kung cellphone mga bang matatawag 'yon--basta gadget.

Shi: Snob?

Hindi ko parin pinansin 'yon nang biglang nag message ulit.

Shi: Tawagan mo ang kaibigan mo at sabihin mo ang plate number ng taxing sinasakyan mo.

Biglang lumakas tibok ng puso ko. Alam niyang nasa taxi ako? Baka nanti-trip lang at nagkataong nasa taxi ako.

Babalewalain ako sana ang sinabi niya nang makaramdam ako ng malagkit na tingin galing sa driver. Nakita ko ang pabalikbalik niyang tingin sa'kin mula sa rear view mirror. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas at kinabahan ako nang mapansin kong parang iba na ang dinadaanan ng taxi.

Agad kong tinawagan si Moi para sabihing papunta na akong school, sinabi ko rin ang plate number ng taxi at nakita kong biglang nag-iba ang tingin ng driver.

Tinanong ni Moi ang pangalan ng driver at nakita ko ang I.D. nito na nakasabit mula sa rear view mirror, kaya agad kong sinabi kay Moi ang pangalan.

Napahinga ako ng maluwag nang mapansin ko na familiar na ulit ang dinadaanan namin.

Shi: Now you're safe.

Napakunot na naman ang noo ko. Pero salamat nga sa kaniya at ligtas na ako sa kung ano mang binabalak ng driver kanina.

Nag type ako ng username sa chat, DyE.

DyE: Sino ka ba?

Shi: Wala man lang thank you dahil napagsabihan kita at nailayo sa kapahamakan kanina?

DyE: O, e'di thank you. Sino ka?

Shi: Pilit naman 'yan.

Umirap nalang ako sa kawalan at bumaba na ng taxi nang makarating ito sa school.

May konting oras pa ako para tumambay at pinuntahan ko si Moi sa usual place namin.

"Boo!" Gulat ko sa kaniya at tumawa habang siya naman ay inis na inis.

"Takte ka! Prituhin kita, e."

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi bago umupo sa harap niya.

"Plate?" Nakataas kong kilay na tanong nang makita ko ang cartolina, unipin at T-square sa mesa.

Umirap naman siya sa kawalan kasabay ng pag tango "Due today."

Napangiwi naman ako. "Magiging busy na nga pala tayo next month, ano? Magfa-finals na."

Ramdam ko ang titig niya sa'kin kahit nakayuko ako.

"Ba't ka nakasimangot diyan?"

Napatingin ako sa kaniya at nag pakita ng hilaw na ngiti "Hindi tayo sabay ga-graduate" bakas sa boses ko ang lungkot.

Your TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon