My world seemed to sto--Hindi, joke lang. Hindi naman ito isang movie o teleserye sa TV na titigil ang mundo ng bida o kaya naman mag-i-i-slow motion ang mga basa paligid o kaya naman parang nag laho na ang mga tao o bagay na nakapalibot sa inyo tapos siya nalang ang nakikita mo. Ang exaggerated lang diba?
But when I saw a guy sitting in a cemented bench near the fountain, my heart skipped a beat but it seemed to beat faster at the same time. P'wede ba yon? He was wearing a short sleeve black henley, khaki shorts and a top sider. Simple yet breath taking. I don't want to exaggerate it pero gano'n kasi ang naramdaman ko. 'Yong parang hindi ako makahinga pero parang ang lakas lakas naman ng tibok ng puso ko. Medyo lagpas tainga 'yong buhok niya. 'Yong saktong haba lang para sa mga lalaki. Naka-eyeglasses din siya. I've never admired a guy who's wearing eyeglasses pero takte, ang pogi pogi niya!
He was looking at me, smiling, and he raised his hand and it waved at me. Confirmed. There's no doubt it's him, especially that he's wearing his cheeky grin. I blinked multiple times. Humugot muna ako ng hininga bago humakbang papalapit sa kaniya. Nakita ko naman siyang tumayo para salubungin ako.
"Hi" he said beaming at me
"Hi" I replied trying to sound casual.
"Drooling at me, huh?" Sabi niya nang nilagay niya ang mga kamay sa loob ng bulsa at pasimpleng nag-iwas tingin bago ibinalik ang tingin sa'kin at humalakhak siya nang makitang nakakunot ang noo ko, medyo naka-awang pa ang bibig.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at hinampas siya sa braso. Medyo FC. "Asa ka!" Hayag ko ng nakataas ang kilay.
He chuckled as he lifted his right hand and used the back of it to cover his mouth while he was chuckling. Takte, ang sexy naman ng tawa nito! "Kahit sa personal, ang tsundere mo" Umiling-iling pa siya.
"Tara na nga! Kain na tayo!" at naglakad na ako para lagpasan siya pero humakbang narin siya para sabayan ako.
"Ang ganda mo, lalo na pag sa personal", I gave my best shot at professing that I wasn't affected but I failed when my face reddened when he showed me the flower that I failed to notice that he was holding.
"Ano 'to?" I asked and he was about to answer but I spoke again "Alam kong bulaklak 'to ah, pero bakit may ganito pa?"
He just shrugged "Tanggapin mo na lang. Sus, pakipot pa, e"
"Tss. Papahirapan lang akong magbitbit, e." Tiningnan ko siya ulit no'ng muli niyang inilapit sa'kin ang bulaklak na hindi ko naman alam kung ano. "Akin na nga!" Sabay hablot ko ng bulaklak na may limang petals sa kaniya. "Ano ba 'to?" Kunot noo kong tanong sa kaniya
"Poppy"
"Puppy?"
He sniggered as he shook his head "Poppy. As in P-O-P-P-Y" He spelled out. "It means, peace" I nodded as I looked at the flower as he continued to speak "eternal sleep, and death"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at agad akong kinabahan. He snickered once again as he tapped my head "Easy, Dythalia" Ayan na naman siya sa pag sabi niya ng easy. Ang hilig niya do'n. "I gave you that for you to remember me. My name's Death remember?"
Pumasok kami sa isang restaurant at siya na ang nag sabi sa waiter ng orders namin. Makulit siya. Kung makulit siya sa YoTi Talk ay makulit din pala siya sa personal. Akala ko kasi, katulad sa iba, makulit lang sa cyber world pero napaka-tahimik at mahiyain naman sa personal.
I was observing his every move ever since. Hindi mo talaga akalaing may something sa kaniya. He looks like one of those guys na pinagnanasahan, pinapangarap o pinagpapantasyahan ng mga babae. Like a heart throb in a college university. Hindi ako mahilig sa heart throbs, rather hindi naman talaga ako mahilig sa mga gwapo dahil wala naman akong pakialam sa physical appearance pero takte, ang gwapo niya lang talaga. May crush na nga ako sa kaniya no'ng 'di pa kami nagkikita, e. Ano pa kaya ngayong nakita ko na siya at ang gwapo pala niya?
"Matunaw ako. Sige ka, ikaw rin makakamiss sa'kin" He teased but I didn't budge. I didn't even avert my gaze.
"I was just wondering... Mahilig ba sa gore, horror o something ang parents mo? Ang weird naman no'n. Sino bang mga magulang ang papangalanan ang anak nila ng Death?"
He smirked and shrugged. "I'm not normal. Remember?"
Yeah right. Umirap nalang ako at subukang inalis sa isip ko na hindi siya normal. Tae naman kasi. Magkakagusto nalang ako do'n pa sa hindi normal na nagte-take advantage sa kakayahan niya para mamboso. Now I'm doubting kung talaga bang hindi niya ako tinitingnan pag naliligo o nag bibihis ako.
"How do you do it? I mean, pano 'yon? Nag-i-invisible kayo? Or nakikita niyo ang gusto niyong makita?"
"The latter" he answered and our orders arrived.
Kumain kami ng breakfast at nagpatuloy sa pag chikkahan. Normal na mga bagay lang. Inilayo ko narin kasi ang usapan tungkol doon, kahit marami pa akong gustong itanong at malaman sa kaniya. Naisip ko kasi na I have all day to do it. Siguro naman i-enjoy ko muna 'yong oras at mamaya ko na siya bahain ng mga tanong.
We spent the day like having a normal date. Breakfast, strolling, chitchats, movie, arcade, lunch at kung ano ano pa. Hindi rin nawala 'yong pagiging mapresko niya na feeling niya talaga ay kinikilig ako sa kaniya--which is true, pero syempre hindi ako aamin. Buti nalang din talaga at hindi nakakabasa ng isip 'yon. Hindi niya rin ako tinatantanan sa pang-aasar at nakakainis dahil ang gwapo gwapo niya pag ginagawa niya 'yon at ang sexy lang talaga ng tawa niya. Asar, man! And screw his gestures! Nakakainis kasi paasa siya. 'Yon bang feeling mo may something siya sa'yo kasi kahit nang-aasar siya ang sweet sweet niya pati narin 'yong actions niya! Takte! Kaso siyempre ayaw ko namang umasa. Mamaya pala ay paasa lang talaga siya.
Dumating ang hapon at nag-aya siyang mag miryenda. Nasa isang dessert cafe kami dahil bigla akong nag crave ng sweets. "Please, h'wag kang mag coffee at baka mag suka ako" I pleaded because I feel giddy every time and it makes me wanna throw up.
Kaya asar na asar rin si Moi dahil kapag nagkakape siya ay kailangang 'yong di ko maamoy para di ako masuka.
This is gonna be our last agenda so I decided to continue the queries I wanted to ask him.
"Marami ba ang katulad mo?" I asked and he just shrugged so I had to ask again "Matagal mo na ba akong minamanmanan?"
Napalunok ako bigla nang feeling ko ay biglang nag-iba ang tingin ng mga mata niya. Niyaya muna niya ako na sa labas kami mag-usap habang naglalakad lakad. Kakatapos lang din kasi namin kaiinin ang icecream at cake. Dala dala namin ngayon ang sarili naming milk tea habang nag lalakad.
"That scar on your right arm..." he said and I arched my brows. Napahawak bigla ang kaliwang kamay ko sa kanang braso ko. Hindi naman kita ito since mahaba ang sleeves. "You got it in a car accident when you were 10. And that's when your father died"
Natahimik ako. Walang ni isang salitang lumabas sa bibig ko. Ang lakas narin ng kabog ng dibdib ko.
How the hell??!!!
BINABASA MO ANG
Your Time
Mystery / ThrillerA gadget. A weird application. A perplexing chatmate. A confab. A pact. A rendezvous. A love story? No.