"I was there"
"What?!"
Namilog ang mga mata ko. Feeling ko rin ay may bumabara sa lalamunan ko. Ang hirap lumunok. Ang hirap ding huminga. Nanghihina narin ang mga tuhod ko pero hindi kami tumitigil sa paglalakad.
Paanong nandoon siya no'ng na-aksidente kami?
"When you were in 6th grade, you were about to cross the road but you were hit by a ball. You were so pissed off. But it actually saved your life" Napa-awang naman ang bibig ko "If you weren't hit by that ball and you crossed the street, you'd be hit by a speeding car instead--which you failed to notice because you were so angry"
Takte! Paano niya alam 'to! Ibig sabihin ba mula pagkabata ako ay minamanmanan niya na ako? Ano ba ang nangyayari?
"When you were in second year high school, nagbabalak kayo ng mga pinsan mong mag ghost hunting sa isang lumang mansyon pero napaupo sa isang marupok na upuan ang lolo niyo at nabalian ito ng buto kaya hindi na kayo tumuloy. Kung tinuloy niyo 'yon ay nabagsakan ka ng mga lumang gamit do'n, mawawalan ng malay at hindi ka na makita ng mga pinsan mo. Iiwan ka nila at dahil takot silang sabihin na nag punta kayo sa mansyong 'yon ay ilang araw pa madidiskubre na nandoon ang katawan mo, pero huli na ang lahat."
"Stop" I mustered some strength to say. I was breathing heavily and my eyes were teary.
"Marami na ang pagkakataong nalagay ka sa kapahamakan at muntik na mamatay, Dythalia" I bit my lips forming a thin straight line as listening to what he's saying. "But you didn't know... I was there."
"Ikaw ang gumawa ng mga 'yon? You let the ball hit me so I wouldn't be hit by a car? You made my grandpa broke his bone so we wouldn't be able to go to that mansion?" I hissed, still breathing heavily.
He shrugged.
"Stop! Enough with that shrugging!"
Naloloka na ako! Akala ko mag ge-get to know each other lang kami, bakit ang pinag-uusapan na namin ngayon ay ang mga pagkakataong mamatay dapat ako?
"You know when you were in 4th year high school... That guy, your suitor. What was his name again? Je--Ji-Oh! Yeah, Jander! Jander, right?" I gulped and nodded "Remember when he asked you on a date the day after your graduation?
"Ano na naman?!" I hissed "H'wag mong sabihin na papatayin dapat ako ni Jander?!"
He smirked. Ang dumobleng bilis ng heartbeat ko ay ngayo'y naging 4x na. Pero si Jander? No! Imposible! He was good guy!
"Alam niyang wala siyang chance sa'yo. Magma-migrate sila ng pamilya niya and he was thinking na baka hindi na rin kayo magkikita after that."
"So? Ano'ng meron?!" I angrily queried.
"Kahit kailan ay hindi ka naging kaniya, kahit man lang daw sana'y matikman ka niya"
"What?! That's just absurd!" I shouted
"He was planning to rape you after dinner pero nakasalubong niyo ang ninong mong pulis and he chickened out."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata "What would have happened?"
"Tatakas ka kay Jander after the raping incident at may magre-rape ulit sa'yo, isang middle aged man, sa isang madilim na iskinita bago ka patayin"
"Look. These are all nonsensical. Too preposterous." I yelled and turned my back
"You think I'm being ludicrous, huh?"
Pinihit ko ang sarili para humarap sa kaniya. I'm shuddering and my lips are trembling.
"If you're not, then explain." Nakatingin lang siya sa'kin ng tagusan "What do you mean by you were at the accident? Walang katao tao do'n maliban sa'min. Ikaw ba ang dahilan kung bakit namatay si Papa?" Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya. Hindi parin nag babago ang tingin niya pero mukhang naaaliw siya. "I-ikaw ba ang pumatay kay Papa?" I asked with a quavering voice.
Naramdaman ko ang pag pa-pawis ng mga kamay ko at pamumuo ng luha sa mga mata ko nang makita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang bibig. He's smirking again!
"I told you, Dyth. I don't have the ability to hurt someone"
"Yes, directly. But you could've done something to hurt someone indirectly. You might be the reason why the ball hit me, pero hindi ikaw ang bumato. Baka ikaw rin ang nagparupok ng upuan para mabalian si lolo, hindi ikaw 'yong nagpahulog sa kaniya."
He's simpering and he's looking at me with mirth in his eyes.
"What's so amusing?"
"You"
I clenched my fist. Nadunot narin 'yong container ng milk tea dahil sa ginawa ko.
"Stop making a fool out of me" Mahina pero mariin kong sabi.
"Alam mo, Dythalia..." Bigla akong kinilabutan sa pagtawag niya ng pangalan ko. It causes me angst. "I saved your life, multiple times. You should just thank me for that"
I feel so frustrated. Hindi ko na alam ang nangyayari. Wala na akong naiintindihan. Sabog na 'yong utak ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Nanghihina mga tuhod ko. Gusto ko maiyak sa frustration. Everything is so exasperating. Gusto ko mag wala.
"W-w-why?" I faltered.
"Because it's not your time yet"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko mag mura. "Tang ***! Sino ka ba talaga?" I bursted. Naghahabol na naman ako ng hininga.
"It's so unusual of you to cuss" He chuckled
Tinapon ko sa kaniya ang milk tea at ang bulaklak na bigay niya kanina pero humalakhak lang siya at pinulot ulit ang bulaklak.
"Ano ba ang gusto mo? Ano ba talaga intensyon mo?" My voice cracked as a tear fell which I wiped hastily.
Takte kasi! Alam mo 'yong excited kang ma-meet ang isang tao? 'Yong feeling na parang mami-meet mo sa personal ang hinahangaan mong artista na crush na crush mo o kaya naman 'yong mag mi-meet kayo ng ultimate crush mo sa school. Then mag ge-get to know each other kayo at umaasa kang sana start na 'yon ng another love story.
Huh! A love story? No.
Ano ba kasing ka-bullsh*tan ang sumapi sa'kin at talagang naaliw ako sa taong 'to. Kung tao nga ba siya. Ewan ko na!
"Alam mo, kung balak mo sirain ang buhay ko o balak mong baliwin ako, please tama na! Nagiging effective, e! At habang maaga at maaagapan pa, tigilan mo na ako!" Nanginginig ang boses kong sumigaw at tinalikuran siya para tumawid.
Muntik na tumigil ang puso ko nang biglang may yumakap sa'kin galing sa likod na pumigil sa'kin sa pag tawid at nang makita ko ang bus, just inches away from me, na mabilis ang pagpapatakbo sa tapat ko.
Naramdaman kong naging jelly ang mga tuhod ko. Halos mapaluhod na ako sa panghihinga. Basang basa na ako ng pawis. Tumulo narin ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay tatakasan na ako ng kaluluwa ko dahil sobrang lamig ko. Hingal na hingal ako at halos hindi makahinga.
I almost died!
"It's not your time yet, Dythalia"
------
May last chapter pa po after this. :)
BINABASA MO ANG
Your Time
Mystery / ThrillerA gadget. A weird application. A perplexing chatmate. A confab. A pact. A rendezvous. A love story? No.