7 o'clock ng umaga nang makarating kami ni Officer Ramos sa harapan ng 7-Eleven store na malapit lamang sa gasoline station. Busy ang mga sasakyan sa highway. At may mga nakakalat na pulubi sa gilid-gilid na may hawak na maliit na baso kung saan doon inihuhulog ang barya na kanilang nalilimos.
Pumasok kami ni Officer Ramos sa loob ng store pagkatapos akong ipagbuksan ng pintuan ng kanyang sasakyan na Aston Martin na kulay puti.
Pagpasok namin, bumungad agad ang malamig na hangin mula sa aircon ng store. Napansin ko agad ang payat, makinis, at maputing babae na may shorthair at bangs na nasa loob ng counter. Nakasuot siya ng uniporme ng store at mukhang abala sa paglilinis sa sahig. Nang mapansin niyang may tao sa harapan, agad siyang tumingala upang tignan kami.
Ngumiti siya kay Officer Ramos at magalang na bumati, "Magandang umaga po, Officer."
Tumango si Officer Ramos bilang tugon. "Where's Priela?" Malamig na tanong ni Officer sa babae.
Natigil sa paglilinis sa sahig ang babae, "Naku, Sir. Lumabas po siya kanina, nag-ayos lang po ng mga basurahan kasi mamaya may truck na dadating para kunin ang mga basura. Pero babalik po iyon agad,"
Ilang sandali pa ay tumunog ang bell ng pintuan ng 7-Eleven store at bumungad roon ang isang babae na naka-gloves na sa tingin ko nasa 20 years old pataas ito. Mahaba ang buhok niya na hanggang kili-kili, may nunal siya malapit sa bibig, maamo ang mukha, at halatang mabait ito. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nasa counter ng store, at ngumiti siya nang makita kami ni Officer Ramos.
"Good morning, Officer!" Mabilis niyang nilapitan si Officer Ramos at pagkatapos niyakap nito ang katawan. Hindi gumanti ng yakap si Officer Ramos, bagkus tinapik lamang nito ng dalawang beses ang balikat ng babae.
"Napa-aga ang dating niyo," tumingin ito sa akin matapos masambit iyon.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko, mainit ang palad niya na para bang safe na safe ako roon.
"Ako si Yajin Liegal," sagot ko, nakita ko sa gilid ng mata ko na naglakad si Officer Ramos sa mga nakadisplay. May kung anong nilabas na itim na bagay sa kanyang pants, at idinikit niya iyon sa wall at pagkatapos bumalik sa tabi ko na parang walang nangyari.
"Nice to meet you Yajin! Ako naman si Priela Santos! 25 years old" Masayang sambit nito saka tinignan ang katabi ko. "Oh! Ilang taon ka na pala? Pasensya na hindi ko alam ang ibang background information mo,"
"23 years old ako, Ate," nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata, hindi inaasahan ang edad ko, kung kaya naman sa kanyang gulat napatingin ito kay Officer Ramos at saka bumalik ang tingin nito sa akin.
"Naku, tanggalin mo ang "Ate" haha," makaraan ang ilang sandaling katahimikan, napatikhim ito. "Ako na ang bahala sa kaniya, Maari mo na kami iwan, Sanzo," sa huling sambit ng babaeng si Priela, tila nabingi ako sa sinabi nito.
Sanzo, iyon ba ang pangalan ni Officer Ramos?
Naramdaman kong bumagsak ang tsokolateng mga mata ni Officer Ramos sakin kahit na nasa gilid lang ako nito, ay ramdam ko.
Tinignan ko siya sa tabi ko at hinuli ang tsokolateng mga mata nito, nginitian ko na lamang ito upang mawala sa isip niya ang pagtataka ko.
"Salamat Officer sa paghatid sa akin," iyon na lamang ang sinabi ko at pagkatapos tinalikuran niya ako at lumabas na ng 7-Eleven store. Napansin ko ang mahinang tawa ng babaeng si Priela, na ikinaagaw ng aking atensyon.
"Pagpasensyahan mo ang behavior niya, ganon talaga siya," Pagtataka ang gumuhit sa aking mukha. Nabasa niya ang mukha ko kung kaya naman ay mas lalo siyang tumawa. "Charot lang," nag-peace sign siya. Tinaas pa nito ang dalawang kamay para lang makita ko iyon. "Hindi siya ganon, pero mabait siya pag nakilala mo ng husto," pangungumbinsi niya sakin.
YOU ARE READING
Arrest Me, Officer [UNDER REVISION]
RomanceAfter a desperate act of theft lands young Yajin in jail, her life takes an unexpected turn. Officer Ramos, a stern yet kind-hearted man, sees potential in her and offers a lifeline: a job and a place to stay in his apartment. But as days turn into...