CHAPTER 3

9.4K 221 13
                                    

Nasa living room kami ni Officer Ramos. Prente siyang nakaupo sa kulay itim na sofa, may hawak na mga papel, at nakikipag-usap sa akin. Ang kanyang tsokolateng mata ay napapaligiran ng rectangular-frame na eyeglasses na nagdagdag sa kanyang distingidong hitsura. Habang nagsasalita siya, parang slow motion sa akin ang paggalaw ng kanyang mga labi na tila nang-aakit sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa tattoo sa kanyang leeg na bahagyang nakikita. Biglang tumikhim si Officer Ramos na ikinagulat ko.

"Ha?" ang sabi ko, gulat na gulat ang mga matang nakatingin sa kanya. Mukhang nagtagal ang mga titig ko sa kanya at hindi ko man lang namalayan na huminto na pala siya sa pagsasalita.

"You can start working at 7-eleven tomorrow as a cashier. Kilala ko ang isang babae doon na mapagkakatiwalaan mo, siya na ang bahala sa'yo bukas, ituturo niya naman sa'yo kung ano ang gagawin ng isang cashier." aniya, nakatitig sa akin. Inilapag niya ang mga papel sa mesa at inayos sa isang brown envelope. Maingat ang bawat galaw niya, at hindi ko mapigilang mapatingin sa kanyang mga kilos.

Bago ko tuluyang mawala ang aking atensyon sa kanya, napansin ko ang muskuloso niyang braso, na nagpapakita ng kanyang ugat. Ang kanyang kombinasyon ng awtoridad at misteryo ay nag-iwan sa akin ng pagtataka.

"Salamat," tipid kong sabi.

Tumango si Officer Ramos, may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi bago tumayo. Habang lumalayo siya, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa likod ng kanyang tattoo, at ang kakaibang halo ng kapangyarihan at misteryo na bumabalot sa kanya.

Nakatayo akong tahimik sa living room habang siya'y nasa kusina. Malinaw ang salamin kaya kitang-kita ko siya roon. Tama ang sinabi niya, eksaktong 11 o'clock siyang umuwi sa kanyang apartment. Wala akong ginawa kundi mag-relax sa bathtub at alisin ang kirot sa pagitan ng aking hita.

Nakaramdam ako ng amoy ng niluluto niya sa kusina. Hindi ko alam kung ano iyon, ngunit mukhang masarap base sa amoy. Sa ilang sandali, tinawag niya ako nang lumabas siya ng kusina, dala ang hawak na plato at saka pumasok ulit sa kusina at inilapag sa gitna ng mesa ang hawak niya. Lumapit ako at nakita ko ang pagkain na hindi pamilyar sa akin. Mukhang sosyal at hindi pamilyar ang luto para sa akin. Napansin ni Officer Ramos ang pagkamangha ko kaya sinagot niya ang tanong sa isip ko.

"It's a pan-seared steak in butter sauce," simpleng tugon niya, na ikinagulat ko.

"It does not have a specific origin story but rather evolved over time through various culinary traditions and practices." Dagdag pa niya na mas lalo kong ikinamangha.

Hindi lang siya isang police officer, kundi magaling din siya magluto sa kusina.

"This typically takes around 10-15 minutes, depending on the thickness of the steak. Let's eat shall we?" sabi niya habang inaanyayahan ako na umupo sa dulo ng mesa. Bago siya umupo sa kanyang upuan, inilagay niya ang babasaging plato sa harap ko, kasama ang maliit na kutsilyo, tinidor, at kutsara na nakaayos na may kasamang napkin.

Dahan-dahang kumuha siya ng kanin sa kaldero at ng ulam mula sa plato at isinalang sa aking plato, ang kanyang galaw ay mahinahon at maingat, na kung kaya naman ay hindi ko maiwasang mapansin ang bawat ikinikilos niya.

Pagkatapos nito, umupo na siya sa dulo ng mesa, kaharap ko, at sabay kaming nag-umpisang kumain ng tanghalian.

Pagkatapos naming kumain, si Officer Ramos na ang naghugas ng mga pinagkainan, hindi niya ako hinayaang paghugasin dahil ayaw niya. Wala naman akong magawa kundi ang maupo sa sofa sa living room habang nakatingin sa kanya mula sa transparent na kusina niya, kung saan nandoon siya at naghuhugas.

Nasa harapan ko ang remote ng malaking TV na nasa harapan ko, walang pag-alinlangang dinampot iyon at pinindot ang button "ON" nito. Nagkaroon ng buhay ang screen ng TV, unang bumungad sa akin ang cartoon network; LARVA ang panood. Pinalitan ko ang channel nito ng sunod-sunod hanggang sa nahinto ako sa Isang balita na naka-agaw ng aking pansin.

Isang lalake ang naroon habang nakasuot ito ng kulay kahel na t-shirt at nakaposas pa ito sa kama. May mga taong nakapaligid sa kaniya at tila nagkakagulo ang nasa background nito, tila ini- interview ang lalaki.

"Sir, paano mo nagawa ito?"

"Sir, ano po ang intensyon niyo sa mga pinatay niyong mga inosenteng babae na yon?"

"Anong organisasyong mayroon kayo?"

Gumuhit ang nakakatakot na ngisi ng isang lalaki na kalbo, idagdag ang mga tattoo nito, pero isa lamang ang napansin ko sa mga tattoo nito...Ang hugis Ahas na may koronang tinik. Maiitim ang ilang mga ngipin nito at namumula ang mga mata ng umangat ang tingin nito sa harap ng nagvivideo sa kanya. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa kanya. May kung anong sinasabi sa aking loob na ang taong ito ay mapanganib.

Ang lalaki ay tahimik na tumitig sa camera bago nagsalita ng may kakaibang tindig na boses, "Hindi ako dapat nandito. Pero wala na akong magagawa. Ang aking misyon ay tapos na. Hindi ako magsasalita sa hukuman kahit patayin pa ako!"

Nabagabag ako sa kanyang mga salita at hindi ko alam kung anong klaseng misyon ang tinutukoy niya.

"Pinatay ko ang mga inosenteng babae dahil gusto ko, dahil-"

"You shouldn't watch that," hindi ko namalayan nasa likuran ko na pala si Officer Ramos. Sa sobrang pokus ko sa harapan, nakalimutan kong may kasama pala akong lalaki sa apartment na ito.

Naiba na ang nasa screen ng TV, isa na itong animated na panood at ang title nito ay HOTEL TRANSYLVANIA 3.

"Ano ang meron sa lalaking 'yon?" Hindi ko maiwasang magtanong habang nakatingin sa kanya na nvayon ay nakupo na sa gilid ng sofa, nagde-kwatro ang mga paa nito at saka nilagay ang mga kamay nito sa gilid ng sofa.

"He's a member of the organization called-" hindi ko maintindihan ang sunod niyang sinabi, tila ba para akong nabingi bigla. "They formed it to expand their organization—whether young or old, drug addicts, beautiful women upang mang-akit ng mga biktima—any kind of person, they recruit them and pay them 100 thousands, upang pumatay ng kahit sino. And it's been 15 years, at matagal na silang nasa lists namin. We are currently investigating their cases, kaya hanggang ngayon hindi pa nareresolba ang mga ginagawa nila. Buwan-buwan, may mga insidente ng pagkawala at pagpatay. Nagtatago sila, kaya napapatagal. Pero the more na tumatagal, the more na madaming tao ang nabibiktima nila." Kwento niya at saka nilipat ang panood na nasa screen ng TV.

May kakaibang kurot sa aking damdamin ang kanyang babala, isang paalala na "dapat tayong mag-ingat sa mga panganib na nasa paligid natin."

"Mabuti at may kakilala akong babae sa trabahong mapapasukan mo, her name is Priela Santos. Tapat siyang kaibigan kaya mataas ang tiwala ko sa taong 'yon." Putol niya sa aking isipan.

Tinignan ko siya sa seryosong mukha niya, na pokus parin ang tingin nito sa screen ng TV. Alam kong naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya na may bahid na takot, kaya tumaas ang makapal niyang kilay na tila nagtatanong.

"What?" Tanong niya, pokus parin ang tingin sa harapan. "If you are wondering kung saan ka uuwi after ng shift mo, dito sa Apartment ko... mismo."

Arrest Me, Officer [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now