CHAPTER 6

8.2K 198 1
                                    

Nagising ako nang maramdaman ang humahaplos na pagdampi ng mainit na sikat ng araw sa aking binti. Iminulat ko ang aking mga mata at napagtanto kong kalahati na lamang ng aking katawan ang nakokoberan ng itim na kumot. Pagtingin ko sa kanang gilid, ang malaking transparent wall ng building ay nagpakawala ng liwanag, sumisilip na roon ang sikat ng araw, nagbibigay ng banayad na init.

Nang mapatingin ako sa suot ko, napagtanto kong iba na ang suot ko ngayon, malaki ang t-shirt na kulay itim na parang naging oversized na sa akin. Sa pang-ibabang suot naman ay ang cycling short na hanggang hita.

Nasaan ang damit ko kahapon?

Luminga-linga ang tingin ko sa paligid, inaasahang makikita ko ang damit na pinagpalitan ko sa bawat sulok, pero nabigo ako nang walang mahagilap.

7:15 o'clock na nang taimtim akong tumingin sa bed side table. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga, tinanggal ang natitirang kumot sa aking katawan, at tinungo ang transparent wall. Mula roon, tanaw ko ang abalang mga tao sa ibaba, at ang dumadaan na sasakyan.

Ang tubig mula sa banyo ang nakaagaw ng aking pansin—si Officer Ramos. Alam kong palatandaan ito na maliligo na siya bago pumasok sa trabaho, ngunit nabigla ako nang paglabas niya sa banyo, nakausot siya ng kulay itim na sleeveless shirt na lumilita ang tattoo nito sa leeg at short pants sa pang-ibaba, at sinabi ang katagang, "I can't leave you here." na nagpahina sa aking tuhod.

Napatulala ako sa sinabi niya, hindi inaasahang lalabas iyon mula sa kanyang bibig. Bumukas ang aking bibig upang sumagot, ngunit agad itong naisara nang hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Nagpatuloy siya, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Nilapitan niya ako habang pinupunasan ang basang buhok nito, "Masakit pa ba?" Halos maputulan ang hininga ko sa kanyang tanong, habang pumapasok sa pakiramdam ko ang kanyang maingat, malambing, at baritono na boses. Idagdag pa ang mabangong amoy at nakakalusaw nitong titig. Sinampay niya sa kanyang balikat ang kulay itim nitong tuwalya.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang kaguwapuhan, tila ba napapahipnotismo ako, lalo na sa kanyang mga mapupulang labi na nakapag-pabagay sa kanyang kutis na puti. "A-ayos na ang pakiramdam ko, k-kailangan ko lang magpahinga ng kaunti at papasok na ako mamaya sa trabaho—"

"You can't go out after what happened yesterday, Kailangan mo muna ang magpahinga kahit Isa o dalawang araw, " walang nasabi kundi ang pagtanggap sa kanyang sinabi, tila ba sumuko na lamang ako.

Sa paglakad niya patungo sa kusina, hindi ko mapigilang sundan siya ng aking mga mata. Nakita ko siyang naglagay ng itim na apron sa kanyang katawan, pagkatapos niyang ilapag ang tuwalya nito sa gilid na malapit sa refrigerator. Doon ko lamang napansin na may mga malulusog siyang muscle sa malaking kalamnan sa itaas na braso, dahil sa suot niyang sleeves shirt. Nasanay ako sa suot niyang may sleeves kaya bihira kong nakikita ang itaas na braso niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na magtanong sa aking isip kung nag-g-gym ba siya. Masyado kaseng build ang katawan niya, hindi naman masiyado, pero sakto lang sa kaniya. Nagmumukha tuloy siyang pigura ng isang artista sa ibang bansa.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit parang may hinihila sa akin na lumapit at masilayan ang bawat galaw niya.

Nag-aagawan ang isip at damdamin, nagtutunggali sa kung ano ang tama at mali. Bakit ba ganito? Police Officer siya, magnanakaw ako. Sa kanyang mga kamay, naaresto at nakulong, at naging biktima ng kanyang kapangyarihan. Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na hindi kami para sa isa't isa.

Pero bakit, sa kabila ng lahat, ang puso ay nagtutol at nagsasabing may iba sa nararamdaman ko? Iba na ito. Iba ang init ng damdamin na dumadampi sa akin.

Napapailing ako sa mga kahibangang pumapaloob sa aking isipan.

Napagtanto ko bigla na nakatingin na pala sa akin si Officer Ramos. Nagtatanong ang kanyang mga mata, at walang nagawa ang aking mga paa kundi umupo sa isang upuan habang nasa harap ko siya.

Arrest Me, Officer [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now