CHAPTER 8

7.6K 179 0
                                    

"Mabuti naman at meron ka na, Erebus," may halong galit ang boses ni Priela habang nakatingin sa lalaking kakapasok lamang ng store. Si Erebus, nakasuot ngayon ng kulay grey na t-shirt at maong na pantalon, ay hindi tumingin sa akin; kay Priela siya nakatingin ngayon.

Halos masapak na ni Priela ang lalake sa mukha, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero mukhang bad mood si Priela ngayon. Ayaw magpaawat ni Priela, kaya't halos dalawa na kami ni Marissa ang nakahawak kay Priela at pilit siyang nilalayo sa lalaki.

Si Erebus, prenteng nakatayo lang sa harap namin, walang kilos at walang bahid na emosyon sa guwapong mukha nito. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka at mag-ipon ng mga tanong sa aking isip.

"Ma'am Priela, huminahon ka, kakadating lang ni Sir Erebus," sabi ni Marissa.

"Hindi pa tapos, tandaan mo," mariing sambit ni Priela sa lalaki. Kalaunan, tumigil si Priela, tumalikod sa amin.

Tahimik kaming nagkatinginan ni Marissa, pareho naming iniisip ang bigat ng mga salitang binitiwan ni Priela. Sa bawat hakbang niya papalayo, ramdam namin ang tensyon na bumabalot sa buong silid. Si Erebus naman ay tahimik lang na nakatayo, tila nag-iisip ng malalim. Pero hindi na niya pinatagal pa at lumabas na ang lalaki sa store para lapitan ang mga kahon sa gilid at binuhat ang mga yon isa-isa para ipasok at ilagay sa silid.

"Anong nangyari?" bulong ko kay Marissa.

"Wala akong ideya, pero base sa kilos nilang dalawa noong wala ka at nagpapagaling, may alitan na silang namumuo," sagot niya.

Noong wala ako?

Ano bang naging away nila?

Habang pinagmamasdan ko ang pintong sinarhan ni Priela, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang susunod na mangyayari.

May iilang pumasok na customer na agad naman naming pinagsilbihan ni Marissa. Nang matapos ang pagsu-swipe sa barcode scanner, naupo ako sa gilid, tinanggal ang tali sa buhok, at hinayaang nakalugay ang hanggang siko kong buhok. Napalumbaba ako, iniisip ang mga nangyari kanina.

Napansin ko ang pagdating ni Erebus mula sa pintuan ng store. May mga hawak-hawak siyang nagpapatong na kahon at pilit niyang hinahawakan ang hawakan ng pinto. Nang makita kong nahihirapan siya, agad ko siyang nilapitan para ipagbuksan ng pinto. Inaasahan kong magpapasalamat siya, ngunit dumiretso lamang siya papasok sa silid at inilagay ang mga kahon. Tahimik ang buong paligid, at ang bawat kilos niya ay tila may bigat na dala-dala. Bumalik siya sa labas para kunin ulit ang iilang natira sa gilid. Hinayaan ko ng nakabukas ang pinto para malaya siyang makapasok sa loob. Pagkatapos, Bumalik ako sa counter at naupo.

Naramdaman ko ang paglapit ni Marissa sa tabi ko. May kung anong dala itong saya ngayon. "Yajin," tawag pansin niya sa akin. Lumingon ako at napansin ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Ano kasi... Gusto mo bang sumama sa amin ni Ma'am Priela sa birthday party?" maingat niyang tanong sa akin.

Birthday party?

"Birthday kasi ng kapatid ni Ma'am Priela at sa mismong bahay ng parents nila ang venue."

"May kapatid si Priela?" nagtatakang tanong ko kay Marissa. Agad naman siyang tumango. "Oo, batang kapatid, si Priscilla. Magtu-twenty years old na kasi siya."

Napa-isip ako. Hindi ko akalaing may kapatid si Priela. Ngunit naisip kong baka magandang pagkakataon ito para makilala sila nang mas mabuti. Pero sa kabila ng isip ko, sinasabi nito kung papayagan nga ba ako ni Officer Ramos sa imbitasyon ni Marissa at Priela.

"Pag-iisipan ko muna," tipid kong sagot kay Marissa.

"Bukas ng gabi magaganap iyon. Sana bukas nakapagpasya ka na dahil inaasahan ka ni Ma'am Priela na dadalo," sagot niya, may bahagyang pag-aalala sa boses.

Arrest Me, Officer [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now