Dalawang araw ang lumipas bago ako nakalabas mula sa apartment ni Officer Ramos. Wala naman kaming ginawa kundi ang paglutuan niya ako ng masasarap na pagkain na pakiramdam ko tuloy nadagdagan ang taba ko sa katawan. Nanood kami sa living room magdamag, nagkwentuhan tungkol sa pamumuhay, at binigyan niya ako ng mga maisusuot na damit na ikinasasalamat ko dahil sa wakas may matino na akong damit.
Pero ang lahat ng iyon ay hindi ang ikinababahala ko kundi si Officer Ramos mismo.
Ano bang meron sa lalaking iyon? Kung makatingin siya sa akin, mag-alala sa akin, at ang paghalik niya—halik na hindi ko matanggal sa isip ko.
Bakit ba tila may iba sa mga kilos at galaw niya? Parang may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko maintindihan.
Ano nga ba talaga yon?
Napailing ako sa mga naiisip.
Kasalukuyan akong nagwawalis sa harap ng 7-Eleven habang sina Priela at Marissa ay abalang nagpupunas at nagmomop sa sahig, si Erebus? Wala siya ngayong umaga, kagaya ng kaniyang nakasanayan; gabi lamang siya pumapasok base sa sinabi nila Priela.
Umagang-umaga pa lang pero pinagpapawisan na ako dahil sa init na unipormeng suot ko. Matapos ang ginagawa, napagpasyahan kong iligpit ang walis at tambo sa loob at pumuwesto na sa counter. Inayos ko roon ang mga barya at ang naglalakihang salapi sa lagayan.
"Bwisit na lalaki 'yon, akala niya maiisahan niya ako," narinig kong bulong ni Priela sa sarili pagkatapos iligpit ang hawak na mop sa loob ng silid. Nakita ko pa ang pagsalubong ng kanyang kilay.
Nakita ko ang pagsunod ni Marissa ng tingin kay Priela nang makalapit ito sa aking tabi.
"Naku, Yajin, hayaan mo muna si Ma'am Priela kung nagkakaganyan siya ngayon. Hindi kasi naging maganda ang gabi niya kagabi," nahihiya niyang paliwanag pagkatapos kunin ang Samsung SPH-i300 na cellphone niya mula sa bag, at inabala niya na ang sarili.
Tatanungin ko pa sana siya kung anong nangyari sa dalawang araw na wala ako, nang mapansin kong abala na ito sa harap ng cellphone niya. Nahuhuli ko pa siyang umiiling-iling at maya-maya ay ngingiti siya. Napabuntong-hininga ako at saka itinali pataas ang kulay tansong buhok ko, pagkatapos isara ang lagayan ng pera at naupo sa gilid habang naghihintay ng mga customer.
Habang nakaupo, hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Officer Ramos at sa mga nangyari sa nakalipas na dalawang araw. Bakit ba niya ginagawa ang mga iyon sa akin? Ano ba ang tunay na intensyon niya? Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong magtaka at mag-alala. Hindi na ito maganda.
Nakita ko si Marissa na papalapit sa akin mula sa gilid ng mata ko, dala pa rin ang cellphone niya. "Yajin, mukhang malalim ang iniisip mo ah. Okay ka lang ba?" tanong niya. Napansin ko itong napatingin sa leeg ko, tila may tinitignan roon.
Pero agad itong tumingin sa aking mga mata ng tinignan ko siya, ngumiti ako nang bahagya at tumango. "Oo, okay lang."
Umupo siya sa tabi ko at pansamantalang inilapag ang cellphone niya. "Kung may problema ka, nandito lang kami ni Priela para makinig, ha. Alam ko namang may pinagdadaanan ka rin."
"Salamat, Marissa," tipid kong sagot.
Ang totoo niyan, hindi ko pwedeng sabihin ang problema na hindi naman big deal. Damdamin ko ito at tanging ako lamang ang makakalutas nito. Kailangan kong alamin itong nararamdaman na ito sa madaling panahon.
Habang nakaupo at nag-iisip, napansin kong may isang matangkad na lalaking papalapit sa store. Mayroon siyang nakakatakot na aura—at parang may bigat ang bawat hakbang niya. Nakasuot siya ng itim at malaking coat na nakasabit sa magkabilang balikat niya, at sa loob ng kaniyang suot ay itim rin na kulay, mukhang business suit ito. Idagdag pa ang hinihithit nitong tobacco na may kapal na usok na binubuga sa kaniyang aura. Naka-suot siya ng tinted na eyeglass kaya hindi ko matukoy kung anong buong hitsura niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/271590821-288-k737955.jpg)
YOU ARE READING
Arrest Me, Officer [UNDER REVISION]
RomanceAfter a desperate act of theft lands young Yajin in jail, her life takes an unexpected turn. Officer Ramos, a stern yet kind-hearted man, sees potential in her and offers a lifeline: a job and a place to stay in his apartment. But as days turn into...