Kian is a friend
Naglalakad akong mag-isa papasok sa school. Hindi ko kasabay si Kyle dahil kahit anong gawin ko kanina ay hindi siya magising. Bahala na siyang ma-late.
Medyo malapit na ako sa school ng makita ko sa gilid ng kalsada si Lino at ang grupo na kaaway nila Kian. Nasa tindahan sila at tinuturo ako ng dalawang lalaki sa ibang kasama nila na tila hinahanap ako.
Wala sana akong balak pansinin sila pero biglang naghiyawan ang mga ito nang padaan na ako sa harap nila.
Ang grupo na ang bilang ay apat na lalaki ang maingay at tila tinutukso si Lino sa isang bagay samantalang sinusuway sila nito.
Mga abnormal.
Dumeretso ako sa paglalakad. Nang saktong katapat ko na talaga ang tindahan ay bigla nilang tinulak si Lino sa direksyon ko.
Nanlaki ang mata ko dahil saktong may mabilis na motor ang dadaan. Hinila ko si Lino palapit sakin bago siya mahagip ng motor.
Napasigaw ang apat na lalaki na kasama niya. Napasigaw hindi dahil sa muntik ng maaksidente si Lino kundi dahil napayakap siya sa akin ng hilain ko siya.
Agad kong chineck ang itsura nito. Baka kasi nahagip parin siya. Nang malaman ko na okay lang siya ay tsaka ko lang napansin na titig na titig ito sa akin.
"Are you hurt?" I ask him
Napakurap ito at biglang lumayo sakin.
Nakapagtataka dahil bigla nanaman namula ang mga pisngi niya."H-ha? A-ano yon?" Nauutal na tanong niya
"Ayos ka lang ba?"
"O-oo, salamat," sagot niya kaya tinanguhan ko na lang ito at naglakad na muli.
Nang makarating sa classroom, katulad ng dati ay umupo agad ako sa pwesto ko.
Mayamaya ay may biglang sumigaw na kaklase ko sa room namin. "Guys, mga dalaga at binata na tayo. Maging malinis na sana sa katawan para walang nangangamoy." Pagpaparinig nito
"Oo nga, maawa naman kayo sa nakakaamoy. Pag hindi kinaya baka mahimatay." Gatong pa ng isang kaklase ko
At sumunod na nagparinig pa ang ibang kaklase ko. Halatang ang gusto nilang paringgan ay yung may putok na pinaguusapan nila liptint girls at chismosa.
This is too childish. Kung ayaw pala nila sa amoy niya then why they don't talk to her? Wala naman mangyayari sa pagpaparinig nila. Kung kinausap nila at tinuruan kung paano mawala ang putok ng kung sino man na kaklase namin edi solve ang problema. Mga gunggong, puro reklamo tas walang gagawin na solusyon.
Nang dumating ang guro ay tumahimik na ang klase sa kakalait. Hindi pa nagtatagal ang klase ng may babaeng naluluha na nagpunta sa gilid ko.
Agad akong napatakip sa ilong. Grabe, ang lakas. Ayoko sanang takpan ang ilong ko kasi baka ma-offend siya pero no choice, hindi ko kaya ang amoy.
"P-pwede ba akong tumabi sayo? Ayaw kasi akong katabi ng iba." Naiiyak na tanong nito. Tumango na lang ako.
Nang makaupo siya ay agad ko itong binulungan, "Your smell is too bad."
Umiwas siya ng tingin, sobrang nahihiya. "P-pasensya na."
Napabuntong hininga ako. "Don't worry, I wont judge easily. I'm just being honest. Pero bakit ka ba kasi nagkaputok? You look clean naman. Sa amoy lang may problema."
"Malinis ako sa katawan. Tsaka hindi naman ako ganito dati, nangyari lang ito nung humiram ako ng damit. Yung pinahiram sakin na damit may putok yata ang may-ari."
BINABASA MO ANG
Manilenya
Teen FictionFeliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that everybody usually prays to have. Her life is fantastic and she is almost perfect, as others have sai...