Five

39 12 3
                                    

Lino is a Savior

"Pahingi," Sabi ko kay Kyle na kanina pa kain ng kain habang naglalakad kami papunta sa building namin.

"Wala na eh, paubos na," Aniya tsaka dahan dahang lumayo sa akin.

"Anong paubos na? 'Yan oh! Nandiyan sa bulsa mo!" Ani ko tsaka tinuro ang mga iba't ibang klase ng pagkain na sa bulsa niya.

"Kaya nga sinabi kung paubos palang kasi mayroon pa'ng nasa bulsa ko."

"Hangal ka! Mukha bang paubos na yan?! Eh ang dami dami niyan."

"Tigilan mo ako Exel, walang kaibigan kaibigan pag-dating sa pagkain."

"'Yan ang sabihin mo! Madamot ka lang talaga!" Inis na sabi ko sa kanya tsaka mas binilisan ang lakad at nauna ng pumasok sa classroom.

Pagpasok sa classroom ay bumungad sa akin ang mga classmate ko na cleaners at nag-aaway. Base sa naririnig ko ay pinag-aagawan nila ang magandang walis.

Nang makaupo kami sa pwesto namin ay nagawa pa akong painamin ng katabi ko na si Kyle. Sinamaam ko ito ng tingin sa ginagawa pero nilabas lang niya ang kanyang dila at pinakita sakin, nang-aasar.

"Umagang umaga kung ano-ano ang kinakain mo tapos ipagdadamot mo pa. Kapag sumakit ang tiyan mo, huwag kang lumapit saking hayop ka," Sabi ko sa kanya na hindi niya pinansin at nag-enjoy lang sa pagkain.

Kainis, hindi talaga ako binigyan ng animal.

Hindi na namin naituloy ang pagbabangayan ng dumating na ang guro namin.

Inutusan kami ng teacher na pumunta sa mga ka-grupo kaya nagkasama sama nanaman kami nila Lino at grupo nila Kian. Si Kyle naman ay iba ang ka-grupo pero malapit lang sa akin ang pwesto nito.

Saglit lang pinaliwanag ni ma'am ang gagawin sa activity tapos nag-umpisa na kami. Tahimik, seryoso ang lahat sa paggawa ng activity ng may marinig kaming ingay.

Ingay ng pwet, bwisit, may umutot.

Napatingin ang lahat sa grupo nila Kyle dahil doon galing ang tunog.
Biglang tumayo si Kyle tsaka hinarap si ma'am.

"Patawarin niyo ako sa aking kasalanan, payagan niyo sana akong makaalis at magbanyo para hindi na madagdagan pa. Ito'y para rin sa inyong kapakanan." Sabi ni Kyle kay ma'am

Napaiwas ako ng tingin dahil pwet niya pala ang nag-ingay. 'Yan ang napapala ng kadamutan niya. Ako tuloy ang nahihiya para sa kanya.

Nang tumango ang guro ay agad tumakbo si Kyle palabas. Gusto ko nalang lumayas sa room ng mangamoy ang utot ni Kyle, nakakahiya talaga!

Napahawak ako sa noo ko. Parang lalong sumakit ang ulo ko. Masama kasi ang pakiramdam ko kaninang umaga palang, tapos may masama pang pangyayari na ganito, sasamain talaga sakin si Kyle mamaya.

"Diba kaibigan mo 'yon?" Tanong ni Renato sakin, Isa sa ka-grupo ni Kian. Nalaman ko na ang pangalan nito nung nakaraan.

"Hindi ko kilala 'yon." Tanging sagot ko tsaka umubob sa desk. Pumikit ako saglit bago bumangon ulit.

Gusto ko matulog. Sobrang inaantok ako.

Habang ginagawa ang part ko sa activity ay hindi ko na talaga mapigilan ang antok ko. Pumipikit pikit na ako.

ManilenyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon