Her Memories
Pagdating sa School ay badtrip ako. Masama kasi ang pakiramdam ko tapos usap-usapan pa ako sa school.
Nagkalat kasi yung tungkol sa akin at sa mga Santillan. Maraming nakakita ng eksena namin kahapon dito sa school at may video pa.
Buong klase tuloy ay sinisimangutan ko ang lahat. Nararamdaman ko rin ang laging pagsulyap sakin nila Lino at Kian pero hindi ko na pinansin.
Uwian sa tanghali ng umingay sa labas ng classroom, may ibang nagtilian pa.
Lalo tuloy nagkasalubong ang kilay ko. Kapag badtrip ako ay ayaw ko sa maingay.Pagkalabas ng pinto ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko?
Napakurap ako. Ilang segundo ay napagtanto kong tama ang nakikita.
My friends is here! Sila pala ang dahilan kung bakit nag-iingay ang mga estudyante.
Kumaway si Josh sa'kin, nginitian ako ni Charles na nakapamulsa lang at tumakbo palapit sakin si Kierra tsaka ako niyakap.
"Kayong tatlo! Bakit hindi kayo nagsabi?" Tanong ko ng makalapit sa kanila
"Because it is a surprise." Si Charles
"Surprise!" Sigaw ni Josh.
Awkward.
"Teka nga, bakit parang hindi ka masaya na nakita mo kami?" Si Kierra na humiwalay na sa akin "Hindi mo ba kami na miss?"
"Hindi," Sagot ko dahilan para mapatawa si Kyle sa likod ko kaya balingan ito ng tatlo.
"Nandiyan ka pala pare?" Gulat na ani Josh
"Duling ka ba? Kanina pa ako dito." Si Kyle
"Hindi, sadyang maliit ka lang kaya hindi kita nakita." Pang-aasar ni Josh. Hindi naman talaga maliit si Kyle, sadyang mas matangkad lang si Josh sa kanya.
"Ang pangit mo ka-bonding. Bumalik kana sa manila, nai-stress ako agad sa panget mong mukha." Rebatt ni Kyle
"Wow, coming from you?"
"Whats wrong with that? Look." Nilapit ni Kyle ang mukha niya sa mukha ni Josh. "I'm better than you in any aspect."
Ilalayo na sana ni Kyle ang mukha niya sa mukha ni Josh nang tinulak ko ang ulo niya. Ayon, nagkiss ang dalawang mayabang.
"YUCK!"
"DUGYOT!"
Natawa kami habang todo pahid ang dalawa sa labi nila.
"Manahimik na kayo, lalo sumasakit ang ulo ko sa inyo," Sabi ko
"Si Kyle kasi!"
"Bakit ako?!"
"Isa." Pagbibilang ko dahilan para tumigil agad sila. "Kapag kayo hindi talaga nag-tigil pareho ko kayong ipapatapon pabalik sa manila. Tara na!" Sabi ko at naunang umalis sa tapat ng pinto
Napailing nalang ako sa mga kilos ng istudyante habang naglalakad kami palabas. Napaka chismoso at chismosa naman ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Manilenya
Teen FictionFeliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that everybody usually prays to have. Her life is fantastic and she is almost perfect, as others have sai...