Seven

33 12 2
                                    

Santillan Family


Umaga nanaman. Malapit palang kami ni Kyle sa school ay nakikita na namin ang dalawang magarang kotse na nasa tapat ng school gate. Agaw pansin ito kaya naman marami ring napapatingin, yung iba pa ay titigil sa paglalakad o ginagawa para tignan at pag-aralan ito.

"Liza!" Sigaw ng isang babae bago pa man kami makapasok ni Kyle sa school gate. Napatigil ako tsaka kunot noong tinignan ang babae na nagmamadaling maglakad papunta sa akin habang inaalalayan siya ng lalaki, asawa yata. Naka heels kasi ito.

Pinagmasdan ko ang mga ito, pamilyar din. Mukhang nasa mid 40's na ang kanilang edad at base sa kasootan ay halatang may sinasabi rin sa buhay.

Nang makalapit ang babae sa akin ay agad akong dinamba ng yakap nito. "Anak ko!" Aniya

Nanlalaki ang mata na tinignan ko si Kyle, gulat din ang ekspresyon nito.

"E-excuse me?" Tanong ko sa babae na humihikbi na habang nakayakap sakin.

Hinawakan naman ng lalaki ang asawa tsaka dahan dahan itong pinalayo sa akin. Mabuti na lang. Hindi kasi ako kumportable sa babaeng ito.

Nang makalayo sa akin ang babae ay biglang sumulpot ang magkakapatid na Santillan sa likod nila. Parents yata nila itong babae at lalaki, magkaka-mukha eh.

"What is happening?" I asked again.

"Anak. " napatingin ako sa lalaking nagsalita. Ito yung umaalalay sa babae. Bahagya akong natigilan ng makitang parehong pareho kami ng mata. "Gusto ka namin makausap."

"Wait, why are you calling me anak?" Tanong ko dahilan para matigilan ang pamilyang Santillan.

Nagulat sila? Ano bang nakala gulat doon? Nagtatakang tinignan ko si Kyle na nagkibit balikat.

"Anak---"

"Ate Feliza!" Naputol ang gustong sabihin ng babae nang may grupo ng grade 7 ang lumapit samin. "P'wede po magpa picture?"

Napatingin ako sa babae at lalaki bago tumango sa mga bata. Pagkatapos magpapicture ng mga grade 7 ay nagulat nalang ako ng may sumunod. May sumunod nanaman pagkatapos. Hanggang sa dumami sila.

No choice, pumayag ako magpapicture. Iwas narin sa lalaki at babae na tinatawag akong anak. Sa katunayan kasi ay ayaw ko silang makausap sa hindi malamang dahilan.

Nang maubos ang mga nagpapapicture sa akin ay nadismaya ako ng hindi parin pala umalis ang mga Santillan.

"What do you need?" Malamig kong tanong sa kanila. Hindi ko alam pero hindi ko talaga sila gusto bukod kay Mateo.

"P'wede ka ba makausap?" Malambing na tanong ng babae

"Mawalang galang lang po pero may klase kami. Actually, were already late." Mukhang napansin ni Kyle na hindi ako kumportable kaya sumingit ito. "Excuse us po."

Aalis na sana kami ni Kyle ng hawakan ako ng babae sa kamay. "Anak, gusto ka namin makausap."

"Siguro po ay sa susunod nalang."

"Sa bahay, mag-usap tayo sa bahay namin mamaya, anak ko." Tatanggi na sana ako ng magdagdag pa siya. "Please." Halos lumuhod na ito sa harap ko.

Wala akong nagawa kundi tumango.

Late na kaming dumating sa classroom ni Kyle. Buti na lamang ay busy parin ang mga teacher sa event kaya walang klase.

Naabutan lang namin ang mga classmate namin na nag oopen forum pala.

Ilang beses akong napangiwi at napairap habang pinapanood kung paano sila umiyak at magplastikan.

Malapit na akong masuka sa ginagawa nila kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa mga ito. Dumapo ang tingin ko sa isang babae na tahimik lang. Eto yung babaeng maraming umamin sa kanya na hate siya ng mga kaklase namin.

ManilenyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon