Mendoza Family
Pagkagising ko ay nasa isang kwarto ako na hindi pamilyar. Pinag-aaralan ko ang kabuohan ng silid nang pumasok si Kyle.
"Oh, ano kumusta?" Tanong nito tsaka tumabi sakin
"Ayos lang, nasaan tayo?"
"Bahay ng mga Santillan," sagot niya. Hindi na ako sumagot.
Tahimik lang kaming dalawa ng bumuntong hininga ito. "Bakit?" Tanong ko
"Pinagalala mo ako. Ano ba kasing nangyayari sa 'yo?"
"Wala lang 'yon."
"Oo nga pala, tinawagan ko ang parents mo. Sinabi ko sa kanila ang kalagayan mo, ayon, papunta na raw sila dito."
Tumango nalang ako. Sanay na ako sa ganyan, sa tuwing may sakit ako ay inaasikaso nila akong mabuti. Hindi na ako magtataka na magmadali silang pumunta dito.
Noong nakaraan ay hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkakasakit ko sa kadahilanang mabilis talaga si mag-alala sa akin.
"Nagugutom na ako. May pagkain ka ba diyan?" Tanong ko kay Kyle na sasagot na sana ng may sumingit sa eksena
"Anak," Sumabat ang lalaki, ito yung nasa school kanina na tatay yata ng magkakapatid na Santillan, hindi ako sigurado. "Tara sa kusina," Aniya
Dahil nagugutom na ay walang pag aalinlangan akong sumama.
Pagkarating sa kusina ay may kumakain. Dalawang matanda, babae at lalaki na ka-edaran ko lang.
Gulat na tinignan ako ng mga ito, may nakalaglag pa ng kubyertos.Napatitig ako sa isang babae na kumakain. Siya yung nananakit sa 'kin sa panaginip ko noon.
Napakunot ang noo ko. Now, this is really weird.
"Huwag niyo titigan ang anak ko ng ganyan. Hindi siya kumportable" suway ng lalaki sa mga ito kaya umiwas ng tingin ang iba
Umupo na kami ni Kyle at agad naman kami pinaghandaan ng pagkain. Tumikhim ang lalaking matanda. "Sino ang batang ito, Marco? Anak mo nanaman ba sa labas?" Seryosong tanong nito. Nakakapangilabot ang kalaliman ng boses niya.
"Si Liza ito, pa. At hindi ko siya anak sa labas. Tunay namin siyang anak ni Felicia" Nagpapa intinding sabi ni Marco raw habang nasa likod ko at inaayos ang buhok ko
Wala naman masama sa kilos niyang iyon pero naiirita ako
Muli nanaman nagulat ang mga nasa mesa ng dahil sa sinabi ni Marco.
"Ano?!" Napahawak ang lalaking matanda sa dibdib niya, tila aatakin. Agad siyang dinaluhan ng mga kaedad ko na babae at lalaki.
"Pa-paanong?" Hindi alam ng matanda ang salitang sasabihin niya kaya sinamantala ko ng mag-salita
"Excuse me? Please stop claiming that I am your daughter because this is making me uncomfortable." Seryoso na ring sabi ko. Napatingin sa akin ang lahat.
"Ano raw?" Rinig kong bulong ng babae. Ito yung nasa panaginip ko.
"Hindi ko rin naintindihan" kumakamot sa ulong sabi naman ng lalaki na ka-edaran ko rin.
BINABASA MO ANG
Manilenya
Teen FictionFeliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that everybody usually prays to have. Her life is fantastic and she is almost perfect, as others have sai...