CHAPTER 16 ✓

8.3K 209 2
                                    

Andito ako ngayon sa seven-eleven at nagta-trabaho bilang cashier. Alas tres ng madaling araw ang uwi ko at mamaya pa 'yon. Walang ibang tao dito kundi ako lang. Hindi naman ako na bored dito dahil may tv at may cp rin ako na pampalipas oras kung walang bibili.

Nanunuod ako sa mga video ng kapatid ko na sinend ni Anthonio habang naglalaro sila sa play ground at kumakain.

Palagi kung iniisip na malapit na akong maka-graduate.

Madaling araw na akong nakauwi sa bahay, may dala akong spare key para hindi na ako kakatok baka hahagisan pa ako ng itak ni Nanay. Nag-text din sa 'kin si Antonio na iyon na pinakain na niya ng hapunan si Lyza at tsaka hinatid na rin sa bahay kaya laking pasasalamat ko sa kanya don.

Mukha na siya tuloy kuya namin ni Lyza. Mas matanda pa kasi ito sa 'min. Nagbihis na ako para makatabi na kapatid ko, ang himbing ng tuloy niya, eh. Mukha ring pagod na pagod baka dinala naman ito ni Antonio sa mall. Wala naman problema sa 'kin 'yon. Mas lalong tumagal ay parang mas close pa sila kaysa sa 'kin.

Natulog na rin ako kasi may pasok pa kami bukas, maaga naman akong gumising para paglutuan sila.

"Ate gising na." Mahinang sabi sa kapatid ko.

Gusto ko pang matulog kaso hindi pwede. Parang isang minuto lang ako nakatulog. Bumangon ako at tinignan ang kapatid ko na mas nauna pang gumising kaysa sa 'kin.

Sabay kaming lumabas papasok sa kusina para paglutuan siya. Hindi pa gising sila Nanay at Tatay kaya nagluto din ako para sa kanila.

Ilang araw na rin silang hindi bumibili ng pagkain para sa 'min. Inaasa niya lang ang pera na sweldo ko. Minsan tinipid-tipid ko na lang ito. Malaking pasasalamat ko sa ugok na Antonio iyong dahil nabawas-bawasan din ang gastusin ko sa pang-araw-araw namin ni Lyza katulad ng pagkain nito.

Minsan nahihiya ako, sinabihan ko nasa kanya na sobra na ang ginawa niya sa 'min magkapatid pero sasabihin lang na marunong ka pa lang mahiya at tsaka hindi niya naman ako ang pinapakain niya, ang kapatid ko raw.

Baby pa daw kapatid ko kaya dapat i spoiled niya tapos ako gurang na dapat hindi na kasama sa budget. Parang gusto ko na siyang hampasin ng kawali dahil sa pinagsasabi niya sakin.

"Sabay na tayo maligo." Wika ko at tumango naman si Lyza. Tinakpan ko muna ang ulam para kila Nanay baka kainin pa 'yon ng pusa.

Nakaligo na kami at nakapagbihis, papasok na kami sa school at hanggang ngayon hindi pa gumising silang Nanay, kaya hindi na kami magpaalam. Wala naman akong lakas gisingin ang mga 'yon para pumasok sa school. Hindi nga 'yon gusto na mag-aral kami.

Nagpaalan na ang kapatid ko at pumunta na ako sa school. Wala naman kaming gaanong ginawa at nag test lang kami sa math kaya ayus stress na stress si Orly. May nag-substitute teacher kasi nilagnat iyong guro namin, ang nag sub naman sa 'min ay napaka strict kaya hindi naka-kopya si Orly.

Nagsitikiman ang bibig namin lahat ng biglang may pumasok na guro.

"You can go home now, may meeting lahat ang mga teachers." Anito at tumalikod na.

Nagsigawan namin kami dahil sa announcement. Sino naman ang hindi sasaya n'un? 2:09 pa nang hapon kaya may oras kaming makapag-gala.

"Tara kain tayo ng kwek-kwek may bagong nag-bebenta sa gilid ng school nila Lyza. Balita ko masarap daw d'on." Ani Janine.

"Mas masarap ako Bhe." Singit ni Orly dahilan inukutan ito namin ng mata. Sampalin ko kaya ito.

Sabay kaming pumunta don. Mas maganda sigurong don kami pupunta para hindi na gaano kalayo ang lalakarin ko kung pupunta kami sa ibang lugar para mag-gala. Susunduin ko pa si Lyza.

Nag-kwentuhan lang kami at tawanan. Napatingin na lang ako ni Orly ng bigla n alang niya akong kinilabit. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Meron siyang ninguso sabay turo sa stick kaya tinignan ko naman ito.

"Tingnan mo naka mercedes maybach exelero putik, kahit ibenta ko pa ang dalawang kidney ko hindi pa rin kasya ang presyo d'yan sa sasakyan na iyan." Anito tsaka kumuha ng kwek-kwek ko tsaka sinubo, hindi ko na lang ito pinansin. Napatingin naman si Janine.

Tsaka wala naman akong alam sa mga sasakyan. Si Orly meron kasi may pagkahilig kasi siya sa sasakyan.

"Kanina pa iyan dyan, hindi naman bumaba ang may-ari." Wika nito.

Nakakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, baka may hinintay lang o di kaya isa sa sundo sa estudyante dito sa school nila Lyza, total maraming mga batang anak mayaman dito.

Magkasabay tumunog ang cellphone ni Janine at Orly. Sabay din nilang sinagot ito.

"Dad?" Orly.

"Kuya?" Janine.

"O-okay, I'll be there in a minute..."

"Nandyan ka? teka... papunta na..."

Sabay naman silang tumingin sa 'kin kaya tinaasan ko ito ng kilay. Si Orly problemado parang ayaw umuwi habang si Janine may mukhang nagmamadali.

"Farahh..." Sabay nilang sabi.

"Putik umalis na kayo pft, maghihintay pa ako kay Lyza." Sabi ko, yumakap muna sila bago nag-paalam.

"Paki regards ako sa Kuya mo Janine," rinig kung sabi ni Orly, babatukan sana ni Janine buti naka-ilag ito, napatawa na lang ako sa kanina. Kumaway naman sila sa 'kin bago tumakbo papaalis.

Naghintay ako sa labas ng school. May waitiing shed sa bandang kaliwa, wala namang umupo don kaya doon na lang ako naghintay. Pag-upo ko ay napansin kung umandar ang sasakyan na sinabi ni Orly kanina na ngayon ay malapit sa 'kin, sapong metro ata. Nasa kabilang daan ito. Putik ang creepy. May tao naman dito kaya hindi ako kinabahan. Napansin ko ring may CCTV na nakalagay.

Or baka assuming lang ako na sinundan ako. Eh, nakakahiya.

Humiling ako sandali at nagising na lang ako na umulan na. Nagulat naman ako ng nasa tabi ko na si Lyza habang may hawak na payong. Nakanguso naman itong tumingin sa 'kin at mukhang kanina pa naghihintay sa 'kin. Saan naman niya nakuha 'yon? Hindi ko naman siyang payong, ah.

"Ate gising ka na."

"Malamang nakabuka na ang mata ko." Sarkastiko kung sabi napanguso nalang ito. Ang cute ng bebe ko. "Bakit may payong ka?" Taka kung tanong.

"Bigay sa akin nang lalaki."

"Sino?" Nakakunot kung tanong.

"Yon oh!" Sabay turo nito sa sasakyan kanina na papaalis na. Agad naman akong tumilingin uli sa kanya ng nawala na ang sasakyan sa paningin namin. "Paglabas ko, nakita kitang natutulog tapos hindi muna kita ginising tapos bigla na lang umulan. Bigla na lang lumapit 'yong lalaki na naka sumbrero at naka mask, tsaka nilahad niya ang payong kaya tinangap ko naman." Paliwanag nito.

"Palagi ko din siya makikita ate, eh, kaya lang hindi ko talaga makita ang mukha niya," dugtong niya.


Follow/Comment/Vote

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon