CHAPTER 20 ✓

8.2K 203 1
                                    

Ilang buwan ang nakalipas ay dumating ang araw na legal na ako. Hangang ngayon ay hindi  ko pa rin nakita ang kapatid ko. Sa tuwing tatanungin ko si Nanay ay palagi niya lang sasabihin tigilan ko nang paghahanap sa kanya. Habang tumatagal ay alam ko ng katutuhanan na hindi ko talaga sila totoong magulang. Sino ba naman kasing mga magulang na gawin 'yon sa sarili niya anak para pambayad ng utang?

Ngayong araw na ang graduation ko kaya pano ako maging masaya kung wala ang kapatid ko? Nagkapag decide na ako sa sarili ko na hindi muna ako mag college at humanap kaagad ng trabaho, para pamalit sa pera. Sinabi ko na 'yon nila Janine, alam kung tutul sila sa desisyon ko pero wala naman silang magagawa.

Valedictorian si Janine at Second Honourable Mention naman ako. Nagtataka ako kung bakit nasali si Orly sa top 10, baka dahil sa pangungupya niya ni Janine. Friends goals daw kuno..

"Congratulations Graduates!" Anito at sabay sabay naming hinagis pataas ang toga namin. Hindi ko alam kung bigla nalang bumagsak ang mga luha ko. Naingit kasi ako. Nakita ko ang ibang kaklase ko na niyayakap ang kanilang magulang, kapatid. Kung andito sana ni Lyza buo na ang buhay ko. Masaya ako dahil naka graduate na ako, pero hindi ako masaya dahil wala sa tabi ko ang kapatid ko.

Kanina, ang Dean lang namin ang nagsout ng medal ko. Ingit na ingit ako sa iba.

Lumapit si Janine at Orly sa'kin tsaka ako niyakap. Nakita ata nila akong umiyak mag-isa.

"Wag kang mawawalan ng pag-asa, mahahanap mo rin ang kapatid mo." Lungkot na sabi ni Janine. Palagi akong nagdadasal na sana nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Wala mangyaring masama sa kanya. Kaninang umaga tinanung ko 'yong Nanay kuno hindi niya alam kung saan si Lyza dinala. Ang importante okay na utang niya. Alam kung naiirita na siya sa'kin dahil tanong ako ng tanong.

Hindi ko na kaya..

Hindi ko na kayang bumalik sa bahay na 'yon.

"Tsk! Tara na nga pupunta na tayo!!" Sigaw ni Orly. Alam kung saan niya kami pupunta. Simula n'ung pumunta kami sa Bar ay bumalik balik na ako, pero hindi ako uminom ng alak, kumakain lang ako ng pulutan. At ngayon ay 18 na ako pwede ko ng laklakin ang lahat ng alak don. Wala naman din akong planong maging lasingera.

Nakalimutan ko palang saming tatlo si Janine lang hindi nakapunta ng Bar

"Oy oy oy bakit tayo nandito?" Natarantang sabi ni Janine, napangisi nalang si Orly sa reaksyon niya.

"Alam n'yo, kaka-graduate lang natin and tayong tatlo hindi na tayo minors!!! Let's go!!!" Sigaw nito.

Tinignan ko si Janine at tinanguan kaunti. "Pagbigyan mo na." Ani ko tsaka sumunod sa kanya. Paglingun ko ay nakita ko itong nakanganga, mukhang hindi makapaniwala na sinabi ko iyon. Sabay kaming pumasok si Janine, agad naman itong napatakip sa tainga niya. Napatawa ako dahil nakita ko si Orly na kumakaway na nasa sofa tsaka anlaki ng ngiti niya.

"Nag order na ako! Dyan kayo—ay hindi! Tabi tayo Janine!" Tumayo at tumabi kay Janine. Nasa harapan ko din sila. Kami lang ang pinakabata dito, para kaming nag-rebelde sa magulang.

Magulang...

Napabuntong hininga nalang ako.

Napanganga ako ng inilapag ng lalaki ang mga alak! Akala ko isa lang. Kita ko ang pagka excited sa mukha ni Orly.

"Sa wakas may kasama na akong mag-inom!!" Sigaw nito kaso kami lang ata ang nakarinig. Binigyan niya si Janine, tatangi sana ito kaso nagpumilit si Orly kasi celebration raw. Kaunti lang ang ininum ko, buti hindi ko nakatabi si Orly baka kung ano ano lang ang ipapa-inom sa'kin. Wala akong alam sa mga alak-alak dyan.

Hindi ko alam anong oras na, medyo nahihilo ako kaunti pero kaya pa naman. Nagpaalam muna ako sa dalawa na mag-cr. Nakita ko pa silang nagtawanan ang mga gaga. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.

Bigla nalang tumulo ang luha ko dahil naalala ko naman ang kapatid ko. Kamusta na kaya 'yon? Sana hindi siya umiyak ngayon. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Sana nasa mabuting lagay ito, kung sino man ang kumuha sana alagaan niya ng mabuti. Kung marami akong pera.. ipapahanap ko talaga ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang una kung gawin para mabawi 'yon.

Napayuko ako ng may bumanga sa akin at nag sorry naman agad. Hindi ko na nilingon.

Napahinto ako nang may nakita akong pitaka. Napalingon ako sa likod at gilid kung may nakakita sa'kin. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko ay dahan dahan ko itong nilapitan at kinuha tsaka normal lang lumakad papunta sa cr. Dali-dali kk namang ni lock ang pinto at napakapit sa dibdib. Teka.. anong ginagawa ko?! Binuksan ko kaagad ang pitaka kaya nanlaki ang mata ko andaming cash! Kinuha ko ito tsaka binilang at naabot ito sa trienta mil.

Pera lang ang kinuha ko at nilagay ko ito sa gilid ang pitaka tsaka lumabas na. Nasa akin na ang pera at kabado akong lumabas. Naramdaman ko nalang may nagmamasid sa'kin kaya mas lalo akong kinabahan baka may nakakita sa ginawa ko.

Follow/Comment/Vote

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon