CHAPTER 36 ✓

7.5K 189 2
                                    

Bandang alas kwatro na ng madaling araw ay bumangon ako. Narinig ko sa sala na ingay kaya dahan-dahan akong tumayo. Inayus ko muna ang kumot ni Lyza bago sumilip sa pinto kung anong nangyari sa sala. Nakita kung maraming kalalakihan na may dalang mga baril at kung ano-ano pa.

Nahagip ko ng tingin si Rux nilagyan ng bakal na panakip para sa kamay braso niyang may benda, habang tinutulungan ito ni Anthony.

"Sir, anong oras susugod?"

"Hindi tayo pwede maaga pupunta don dahil siguradong marami ang magbabantay..." Boses 'yon ni Rux, "...bandang alas otso ng gabi na tayo pupunta, tapos alas sais dapat nasa pang sampong kanto na tayong lahat para-iisa na tayo susugod. May magback-up kung ano man ang mangyari."

"Paano sila Farahh at Lyza dito? Sinong magbabantay sa kanila?" Tanong ni Anthony kay Rux.

"Don't worry may magbabantay din sa kanila dito. Lalong-lalo na si Farahh, kailangan pa 'yon bantayan ng maigi. Napakatigas pa naman ang ulo n'un." Narinig kung tumawa pa si Anthonio, bwes't! Kung pwede palang akong magpakita ngayon din kanina ko pa sila sinapak.

Tinawag ni Rux at kasamahan nila at nagtipon-tipon silang lahat. May pinakita itong blue print sa bahay ni Mr. Wang. Nandun nakalagay kung saan nila tinago si Paxton. Dalwang araw ng nakalipas simula n'ung kinuha siya kaya kinabahan ako. Paano kung may nangyari sa kanya don? O baka 'di namin siya maabutan?

Wag naman sana...

Hindi pa ako nagpapasalamat ng lubos sa buong buhay niyang ginawa sa 'kin at sa kapatid ko.

At... Ayaw ko ring mawalan ng asawa.

Lintik na lalaking 'yon! Di pa 'yon pwedeng mamatay dahil sasapakin ko pa 'yon dahil pinaperma niya ako ng marriage contract ni hindi ko alam! Sinabi sa 'kin ni Anthony na plano niyang pakasalan ako magpakilala sa 'kin n'ung nag-legal na ako kaso sumingit ang Mr. Wang na 'yon.

Naalala ko n'ung pumunta sa resort si Anthonio sa 'min tapos sinabi kung may pinermahan akong kontrata, kaya pala tawa siya ng tawa dahil marriage contract pala 'yon! Ang tanga tanga ko raw.

Nang matapos sila sa meeting nila ay nagsilabasan na ito, dala dala ang mga armas na kailangan. Bumalik na rin ako sa kama. Nakunot ang noo ko dahil nakita ko si Lyza na sa sahig na natutulog. Tinignan ko ang oras at malapit ng mag-alas syete. Lumapit ako kay Lyza at tinignan ang mukha nito, napangiti ako ng nakita kung at mga mata nito ay gumagalae habang pumikit.

Nagpapangap na tulog ang kapatid ko. Kanina pa kaya ito gising? Hindi ko nalang ito inisturbo sa pagpapangap niyang tulog. Napangiwi ako ng binuhat ko ito pabalik sa kama. Mas lalo kasi itong bumigat. Tumalikod pa ito sa gawi ko kaya pinilit kung hindi matawa. Kailan pa siya natutung magpanggap na natutulog.

Ngayon ata.

Hinalikan ko muna ang noo nito bago pumunta sa kusina at ihanda ang pagkain. Kailangan ko ring maghanda para mamaya. Hindi ko alam kung bakit wala akong ibang nakikitang babae dito. Kami lang ba ni Lyza?

"Good morning." Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Anthony.

"Ikaw, bantayan mo muna 'to."

Sumama naman ang mukha nito, "Baka masunog 'yan." Iniripan ko lang ito. Pumasok naman si Rux sa kusina kaya iniripan ko din ito. Mukhang nagtataka rin kung bakit ko 'yon ginawa.

"Ikaw!" Turo ko kay Rux. "...bantayan mong niluto ko, kukunin ko muna ang kapatid ko." Magre-reklamo sana ito kaso hindi ko na hinintay. Dali-dali akong pumunta sa kwarto at nakita ko ang kapatid ko na natutulog ulit. Iyong tulog na hindi talaga nagpapangap na tulog. Natawa nalang ako ng naalala kanina kaya dahan-dahan ko itong ginising. Binuhat ko nalang ito dahil mukhang inaantok pa.

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon