CHAPTER 26 ✓

8K 206 10
                                    

Naka black dress ako ngayon, above the knee. Si Paxton naman ay naka pang-opisina niyang attire. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman siyang sinabi sa'kin. Para ako asong sunod ng sunod sa kanya. Pinapili niya ako kung sa hotel lang ba ako o sasama siya sa akin. Syempre sumama ako, ano na naman ang gagawin ko sa hotel tutunganga?

Tahimik lang kami sa sasakyan papunta sa liblib na lugar. Baka sa bahay lang ang meeting.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya kinuha ko'to sa bag ko. Napaikot nalang ang mata ko dahil sa nakita kung text.

Antonio de Kalabaw👹 ;

Farahh! Bakit wala ka sa condo mo?! Bumungad na naman sa'kin ang kaibigan mong ulol.

Tukoy nito kay Orly. Hangang ngayon ay hindi pa rin magkaintindihan ang dalawa. Tapos kami pa dalawa ni Janine ay mag-aawat pag nag-aaway ang dalawa.

Simula n'ung nawala si Lyza ay naging malapit kami no Antonio sa isa't-isa at palagi niya akong sinasabihan na okay lang ang kapatid ko. Paano niya masasabi 'yon eh hindi niya nga nakita ang kapatid ko tsaka ilang taon na rin 'yon. Lalong tumatagal ay lalong nawalan ako ng pag-asang mahanap ang kapatid ko.

Gusto kung mabuhay ng matagal dahil sa kapatid ko pero ngayon? Wala na ang kapatid ko. Anong silbi ng buhay ko ngayon?

Wala.

Kung pwede lang pumunta sa lugar kung saan ni-walang problema, matagal na akong pumunta don.

"Sino 'yan?" Biglang sabi Paxton. Sinilip pa nito ang cellphone ko tsaka nilayu ko naman kaagad at inismiran siya. Sumama naman ang mukha nito dahil sa ginawa ko.

"Secret." Sabay tinaasan ko ng kilay.

"Secret? Did you know na dilikado ang lugar na'to?" Inis na tono nito. Nakakunot naman ang noo ko.

"Oh? Anong connect don?"

"You need to tell me who texted you, so i can locate him/her or maybe sinundan nila tayo, I don't let that happen.." paliwanag nito tsaka tumango ako. May point rin naman siya tsaka hello? Mayaman po ang kasama ko ngayon baka kidnapin pa kami tas hihingan ng ransom.

Nag-iwas naman ito ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Ah ano boyfriend k-"

"What?!" Napatalon naman kaunti sa sigaw niya! Galit na may selos na hindi mapakali ang reaksyon niya ngayon pero hindi ko alam gan'un kasi ang nakikita ko. Lumayo naman ako kaunti sa kanya. Umusog naman ito papalapit sa'kin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo." Seryusong tono nito kaya medyo kabado ako. Ang bibiro lang naman ako ah! Tsaka si Antonio iyon! Malabong magkaroon kami ng relasyon sa isip bata na 'yon!

Tiningnan ko naman ito tsaka pilit ngumiti.

"J-joke lang tsaka ni Anthonio lang 'yon. Kaibigan kung ulol." Paliwanag ko. Pumikit muna ito parang pinakalmahan ang sarili at kinuha ang cellphone niya tsaka may tinext. Sumilip ako kaunti d'on pero nilayo niya kaagad iyon tsaka sinamaan ako ng tingin. Napangiwi nalang ako.

Ano bang paki niya kung may boyfriend ako tsk!

"Boss Paxton bakit gan'un reaksyon mo? Pakialam mo naman kung may boyfriend ako?" Daritsahan kung tanong. Napatigil naman ito sa pag-type at tinignan ako ng seryuso.

"Sa pagkaka-alam ko nasa kontrata 'yon na pinirmahan mo kagabi." Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Oo nga at meron siyang pina-pirmahan na kontrata raw kaya binasa ko at pinirmahan kaagad. Wala naman akong nabasang hindi pwedeng mag-boyfriend don. Agree naman ako sa lahat na nakasulat don ah! Kung makakita ako ng no boyfriend d'on syempre di ko pipirmahan!

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon