CHAPTER 27 ✓

7.6K 223 8
                                    

Mukhang wala naman atang meeting na ibang pupuntahan si Paxton kaya niyaya kung gumala. Pumayag naman ito.

"Tara! don tayo!" Sigaw ko. Ang bagal-bagal kasing lumakad, 'kala mo naman fashion show 'tong nilalakaran niyang buhangin. Well, marami namang audience na nakatingin sa kanya. Naka shorts at polo na nakabukas kasi kaya ayun pinagsisilioan ng mga babae ang katawan niya.

Bahala siya sa buhay niya.

"Hoy! Bilisan mo!" Irita akong lumapit sa kanya tsaka hinawakan ang kamay at kinaladkad ito papasok sa Seafoods House. "Ang bagal mong mag-lakad, mabigat bang itlog mo ha?" Tsaka pina-upo ko ito sa harapan, umupo na rin ako at kinuha ang menu na nasa lemesa na.

"What?" Rinig kung sagot niya.

Tinignan ko ang lahat ng pagkain na nasa menu lahat sila masasarap pero mahal naman.

"Ako ang mago-order tapos ikaw magbabayad, okay?" Hindi ko na ito pinasagot dahil alam kung aangal ito. Ang yaman-yaman niya tapos seafood di niya kaya akong malibre? Diba? "Ate! Dito po!" Sigaw ko at lumapit naman ito. Marami kasing tao kaya medyo maingay.

"Ano po sa inyo ma'am?"

Binalingan ko naman ng tingin si Paxton na nakangiting tumingin sa'kin tapos bigla nalang nawala, tumikhim pa ito. Anong nangyari sa kanya? Day dream? Tsk. Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Sir ano gusto mo?" Bigla niya lang akong iniripan.

"You can order whatever you want." Walang pakialam nito. Napangisi naman ako sa sinabi niya.

Whatever you want raw...

"Ate ano pong pinakamahal na menu niyo dito?"

"Ma'am may unlimited seafoods kami, lahat ng seafoods ay matitikman mo like kingcrab, shrimp, etc."

"Sge iyon nalang po salamat." Tumango naman ito at nagpaalam. Bumalik ito kaagad ay may dalang cellophane tsaka gloves para sa'min. Para pala kaming mag bo-boddle nito. May sinuot pa kaming parang apron na cellphane na nakatatak na crab. Tinignan ko si Paxton na irita sa sout niya. Nahihirapan pa itong magsout ng gloves kaya tinulungan ko ito.

"First time mo 'to no?" Nag-concentrate ako sa pagsout niya ng gloves. Hindi ito nagsalita sa tanong ko kaya tinignan ko ito. Nagulat nalang ako dahil ang lapit-lapit ng mukha namin kaya kitang-kita ko ang mistiso niyang mukha at magagandang labi. Kita ko sa kanya ang tulalang reaksyon.

"Hoy!" Pukaw ko rito, kumurap raman ito.

"Anong nangyari sa'yo?" Aniko.

"N-nothing, ang lapit mo kasi." Bumalik na ako sa upuan ko at tinignan siya, bigla nalang itong nag-iwas tingin.

"Bakit mabaho bang hininga ko?" Tinignan naman ako nito at umiling.

"No, amoy babana que ang hininga mo." Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya, kumain kasi muna ako ng banana que n'ung papunta na kami dito. Sinamaan ko ito ng tingin ng bigla itong ngumiti atleast hindi amoy imbornal diba?

Napalakpak nalang ako ng dumating na ang order namin. Una kung nakita ang galamay ng king crab.

Kumain lang ako ng kumain, walng nagsalita sa amin, pwera nalang sa nakapaligid namin ang ingay-ingay pero di ko na 'yon pinansin. Napansin ko ring panay lagay ni Paxton sa plato ko nang shrimp na binalatan niya, pero minsan kumakain din naman ito. Para akong patay gutom kasi ansarap ng pagkain eh! Isang beses lang ako nakapunta at naranasan ang ganito kaya dapat sulitin na, dahil hindi natin alam kung makakabalik pa ba ako rito o hindi.

Pumikit ako ng matapos akong kumain. Parang hindi na ako makatayo dahil busog na busog ako. Napatingin ako sa kasama ko na nakatingin rin sa 'kin tsaka tinarayan ko ito ng tingin.

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon