CHAPTER 24 ✓

7.7K 219 10
                                    

Naglagay rin ako ng madaming tissue, buti tinulungan ako ng isang staff sa pagtulak ng cart.

"Ma'am sa counter 8 ko na lang ito ilalagay ang cart tapos d'on ko din babantayan, medyo marami-rami kasi ang pinamili mo para hindi ka na rin mahirapan." Suhestiyon nito. Nakangiti naman akong tumango rito.

"Ah, sge po! Salamat po talaga!" ningitian naman ako nito.

Tulak na nito ang cart na puno na, at kumuha na rin ako ng panibago. Hindi naman ako nag-alala sa bayarin dahil hindi naman sa 'kin ang pera na gagamitin. Wew! Kahit siguro bibili ako ng full set nang computer dala printer at scanner okay lang kay Bos—Paxton pala, pero syempre hindi ko gagawin 'yon.

Kaunti lang ang nag-glocery ngayon. Marami kasing malalaking glocery store dito kaya marami din sila kakompitensya. Kaya alagang-alaga lahat ng staff dito ang customer nila. Meron kasing ibang stores na wala silang pakialam tapos iba naman pabingi-bingi kung tatanungin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, wala naman gaanong tao tsaka na bored ako. Nilagay ko ang isang paa ko sa bakal sa baba ng cart at ayun para lang ako nag-skate board. Nanlaki ang mata ko nang may nabanga ako dahilan nagkawatak-watak ang dala nito.

"Hala sorry po! Teka, pasensya na po talaga hindi ko sinasadya..." tinulungan ko itong makatayo. Medyo nakahinga ako ng kunti ng nakita ko itong ngumiti konti ang umiling. Ako talaga ang dahilan kung mag-iskandalo ito.

"Okay, lang ihja nako." Anito, pinagpagan naman nito ang sarili kaya tinulungan ko ito. Tinignan niya ako ang ningitian habang ang mukha ko ay nag-alala na baka pagalitan ako!

"Pasensya na po talaga!" Pabalik-balik akong tumingi ng tawad sa kanya kaya paulit-ulit din itong sinabing okay lang.

"Hindi mo naman sinadya, ihja." Binigyan ko naman ito ng pasensyang tingin.

"Pasensya na po talaga ulit, teka po pupulitin ko muna buti walang nasira." Isa-isa ko itong pinulot at binigay sa kanya. "Ah, Tita, dito na lang niyo ilagay sa cart ko, para hindi ka po mahirapan sa pag-bitbit." Alok ko sa kanya. Mukhang madami din kasi ito at sigurado akong mahihirapan ito sa pagbitbit. Buti pumayag ito sa alok ko.

Nagtanong ako kung saan siya pupunta, kukuha daw ito ng karne kaya tamang-tama kailangan ko ring kumuha ng karne. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob kung makasama siya. May pa Tita pa akong nalalaman e kesa naman tawagin kung Manang!

Ang ganda-ganda niya tapos tatawagin kung manang? Para siyang pusa ni Taylor Swift tapos ako naman 'yong kuto. Buti pumayag naman itong tawaging Tita. Tita Catherine. Ang ganda din ng pangalan nita.

"Tita Cath, sana po hindi ka ma offend o ano sa tanong ko ha? Uhm, ilang taon na po kayo?" kuryos kung tanong dito. Natawa naman ito konti dahil sa tanong ko.

"Akala ko naman kung ano ang tanong mo. 45 na ako." Sagot naman nito.

Napakamot naman ako sa batok. "Ang ganda niyo po kasi, parang magkapatid lang po tayo, ako 'yong panganay tapos ikaw naman 'yong bunso." Ani ko. Nakita ko naman itong namumula habang tumawa. Hehe, natutuwa ako na gan'un ang reaksyon niya.

"Ikaw bata ka! Ang bolera mo..."

"Totoo naman kasi. Ano po skin routine niyo?" Padagdag ko. Natawa tuloy ako sa sagot niya.

"Safeguard lang gamit ko... tara na nga!" Nakangiting sabi nito. Wala naman akong ibang kukunin dahil kompleto na lahat. Mukhang tapos na rin siya sa paghahanap ng bibilhin niya.

Nagulat pa nga ito nang sinabi ko aa kanya na sa 'kin ang cart na nasa counter eight. Andami ko ring pinamili. Sinagot ko naman itong inutusan lang sa amo ko kaya tumango naman ito. Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil may gagawin rin ito.

The Billionaire's New MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon