Holly's POV (expected na yan)
letche mukhang wala na naman akong pahinga pagdating sa mga POV na'to ah.
si author kasi abusado kung umasta.
basta.... let's get this started.
this prologue is all about my other bestfriend named Rubylisa Gaudiano or Lisa for short. isa siya sa mga taong palagi kung nakakasama ever since college. pano ba naman kasi, parehas lang kami ng school at kompanyang pinagtatrabahuan.
Lisa ang I were walking patungo sa isang cafe malapit sa kompanyang pinagtatrabahuan namin. it was our break at feel namin ang weather para umalis sa office at layasan ang imbyernang lugar na yun.
habang nglalakad, napansin kami ng iba naming mga kasamahan or sabihin nating mga under na empleyado namin dun. mga grupo ata sila.
"hi miss lisa." bati ng isa.
"hello." nakangiti namang sagot ni lisa. hay ang bait talaga niya.
"ang ganda nyo ho talaga sa trademark nyong red." empleyado.
"thanks." si lisa.
patuloy sila sa pambobola kay lisa samantalang ito namang isa parang tanga na naniwala naman sa kanila. pero kahit naman siguro mapansin ng gaga ang mga pambobola, she won't say anything. ganyan kabait si lisa.
hiyang-hiya naman ako sa kanya kasi sa kabaitan ng gaga. nung nagsaboy ata ng kabaitan si god sa mundo, nasalo nya lahat samantalang ako ni katiting wala.
mag pa sa hanggang ngayon kasi, matagal nang nawala ang salitang kabaitan sa bokabularyo ko.
pero mas hiyang-hiya naman ako sa mga lokong to. halata kasing dinedma ang ganda ko. syet lang ha, porket di mabait, di nalang papansin. ni isa kasi sa kanila walang bumati ng hi sa akin.
well, di naman sa mamamatay ako pag walang nag hi sa akin, pero iba pa rin ang salitang respeto. kahit na plastic at halatang pilit, okay lang sana....pero deadmahin ka ba naman. nakakaimbyerna talaga.
"hala sige, mag-chismisan lang kayo diyan." -ako. halata namang napatigil sila sa pagsasalita.
"hiyang-hiya naman ang ganda ko sa inyo, di nyo man lang pinansin."
it was obvious na parang nahiya nga sila. akalain ba namang ang ganda kong babae na mas maganda pa nga kay Lisa pero di man lang nila pinansin.
"u-ummm....hi miss Holly..." awkward na pagkasabi ng isa.
"wag na. para kang tanga." -ako.
natahimik silang lahat. pati nga yang si Lisa natahimik rin pero di na niya ako pinigilan. tutal naman, matagal na nyang alam ang paliguy-ligoy ng utak ko.
"s-sorry po." sabi ng iba.
di ko na lang sila pinansin at tinalikuran sila. nainis ha. sinabayan na ako ni Lisa sa paglalakad nang marinig ko ang isa na may sinabi.
"maldita talaga." mahina lang yun pero iba ang dating sa akin ng mga trash talk about me. parang nakamega-phone yon kaya kahit gaano pa kalayo ang tao, dinig na dinig ko pa rin yon.
kaya heto ako at hinarap sila na nakataas ang noo.
"nakakaimbyerna ka naman." pagmamaldita kong sabi.
kung nagtataka kayo kung bakit di ko dinenay na maldita ako, well, totoo naman na maldita ako. there's no point in hiding the truth at ayokong magsinungaling dahil baka tuluyan na ngang di ako makapasok sa langit nyan. maldita na nga ako, magsisinungaling pa? pano nalang si san pedro.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About LOVE
HumorThis is a story about love, mawawala ba yan.??? True friendship..... Family and faith. Follow on how eight different world living in the same cirque could survive the strong currents of life.... please read, comment, follow, vote and support...