Chapter 2 - They Met

597 12 10
                                    

A/N: Hi, eblibadi! Second chapter palang ng Collide at nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba 'tong story na 'to o wag nalang. Can you help me to decide?? Ganto nalang, read this chappie first tas i-comment nyo nalang kung itutuloy ko ba ito o mas mabuting wag na kase panget sya. Haha. GAME NA? Taraaaaaaa ^_______^

-------------------------------------------------------------

Vlaire's POV

Nagmamadali kong umuwi samen. Para kaseng may di magandang mangyayari mamaya pagkauwi ko sa bahay. Ewan ko ba pero yan yung sinasabi ng instinct ko. Sa bilis kong maglakad, maya-maya eh nasa tapat na ko ng gate namin. Wala ngang kakaiba dito sa labas eh.

Tahimik naman kaso nga lang pagpasok ko sa loob...

O______O

Teka...

O______O ! ! !

ANO 'TO?! Bakit nandito yung may-ari nang bahay na si Mrs. Chi? Tapos si Mama.. BAT SYA NAKALUHOD SA HARAP NYA?!

"Ma!!!" sabay pasok ko sa pinto at lumapit ako agad kay Mama para patayuin sya.

"Anak..." tumayo naman si Mama pagkakita saken.

"Bakit ka nakaluhod? Anong problema dito??" sabi ko.

"Hoy, Vlad!" sabat nung matabang singkit na si Mrs. Chi.

VLAD?! Watdapak. Sinong kausap nya?! O____O

"Vlad?? Vlaire ho, mam." sabi ko nalang. Lakas mambiro ni Mrs. Chi -.-

"Vlaire ba? Ah e wala pala kong pakialam! Gusto mong malaman ang problema diba?!" nagtaas pa ng kilay si Mrs. Chi tas nakakunot pa yung noo nya. Lumalabas tuloy yung "7 signs of aging" sa mukha nya. Ahahaha! :D

Pero eto seryoso na..

"Ma, ano nga po bang problema?" tanong ko kay Mama.

"Ahm anak.. Kase ano eh..." di pa tapos magsalita si Mama nang sumabat ulit ni Mrs. Chi.

"EH KASE ANG NANAY MO HINDI PA NAKAKABAYAD NG UPA SA 3 BUWANG PANINIRAHAN NYO DITO SA BAHAY NA 'TO. SINISINGIL KO SYA NGAYON PERO HANGGANG NGAYON WALA PARING PAMBAYAD. KAYA NAMAN NGAYON..." di pa nakakatapos magsalita si Mrs. Chi nang si Mama naman yung pumutol ng sasabihin nya.

"Ah eh, Mrs. Chi.. Parang awa nyo na. Bukas na bukas din magbabayad na ko. Ibibigay ko ng buong-buo yung bayad sa upa para sa tatlong buwan. Nakikiusap ako, Mrs. Chi... Kami nalang pong dalawang mag-ina ang magkasama sa buhay. Wala po kaming ibang matutuluyan..." maya-maya eh lumuluhod na naman si Mama sa harap nya.

"Ma.. Wag ka nga pong lumuhod." pilit kong pinapatayo si Mama kaso ayaw nya. Tapos nagsalita na naman si Mrs.Chi

"AH HINDE! Ayoko, ayoko! Ilang beses mo ng sinasabi yan! Pinapaasa mo lang ako! Hinihintay ko ng buong puso ang sinasabi mong bayad sa upa noon pero ano?! Anong napala ko sa paghihintay sa loob ng tatlong buwan?! WALA! WALA! WALA!" napatingin kaming pareho ni Mama kay Mrs.Chi.

San bang teleserye nya kinuha yang mga pinagsasabi nya ngayon? o___O

Nang mapansin nyang nakatingin kaming pareho ni Mama sakanya, sumeryoso ang mukha nya. Naging mala-witch uli yung dating. Witch na mataba. Naiimagine nyo ba? Bwahaha XD

"HINDE MO NA KO MAPAPAPAYAG, MARA. PINAPAALIS KO NA KAYO DITO SA BAHAY NA 'TO. NGAYON DIN!" bigla syang umakyat sa kwarto. Paglabas nya, dala-dalal na nya yung mga damit ni Mama.

COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon