Lanz' POV
Nakarating kame sa lugar ng pagprapraktisan namin mamaya na hingal na hingal.
"Bakit *inhale* ba tayo tumakbo kanina? May nakaaway ka ba Vlaire?" kunot-noong tanong ni Leslie saken.
"Hinde. Wala wala, Les.. Hinabol lang ako ng ex ko kanina." sagot ko.
"Ay nako bhest! Kahit kelan talaga.. Hulaan ko, si Jessarie yun noh?"
Nag-nod ako.
"Oh, ang aga nyo ah."
Sabay naming nilingon si Reden na naglapag ng bag sa may stage.
"Wala na kayong klase?"
"Nagcut ako." sagot ko. Pareho naman akong tinignan ni Reden at Les ng 'seryoso-ka-ba look'.
"Tol, wag ganun. Sayang yung klase mo. Di ka dapat nagkacut para lang dito. Priority mo pa rin dapat pag-aaral." sabi ni Reden.
"Ah hinde-hinde! Mali iniisip nyo. Nagcut lang talaga ko kase di ko na matagalan pang nandun ako. Wala naman yung kinalaman dito. Hahaha." sabay kamot ko sa ulo. Kasalanan nung ex ni Vlaire eh -.-
"Ahh ganun ba? Mabuti naman, tol. Alis muna ko saglit. Kunin ko lang speaker na gagamitin naten mamaya." sabi nya saka umalis.
*PAK*
"AAAH!" napangiwi ako sa sakit. Hinampas kase ko ni Leslie sa braso ng makapal na libro para sa hindi ko malamang dahilan.
"B-Baket?"
"BAT KA NAGCUT?! LOKO KA!" sabay bwelo na naman nya para hampasin yung kabila kong braso.
*PAK*
"ARAY!"
*PAK*
"LESLIE TAMA NA!"
*PAK*
Hindi ata talaga ko titigilan. Kaya yun, mabuti nalang nagawa ko pang tumakbo palayo ng konti sakanya kahit iika-ika na ko sa sakit ng katawan ko.
"Araaaay.." sobrang sakit ng hampas nya.
"Kelan ka pa natutong magcut, Vlaire Venida?!? KELAN PA?!" sabay taas nya ng book na hawak nya.
"WAG LESLIE! KAWAWA YUNG LIBRO!" kaso huli na ang lahat.
*woosh*
Nasalo ko naman yung libro bago yun tumama ng tuluyan sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
COLLIDE
FantasiaAfter an accident with his family, nagising si Lanz sa isang di pamilyar na lugar. He woke up alone. Wala ang kanyang mga magulang at ang kapatid. Sinubukan nyang magtanong sa iilang tao ngunit tila hindi sya naririnig at nakikita ng mga ito. Until...