Chapter 11 - Making Decisions

178 6 5
                                    

 (---> Meg's photo on the right side)

Vlaire's POV

"Oh nanalo ka diba?! Sabi naman sayo eh!" sabay akbay ni Louis saken.

"Manlilibre na yan.." sabi naman ni Niall.

"Niall! Kanina ka pa ah. Kita nang kelangan ni Vlaire ng pera eh." saway naman ni Liam sakanya.

Napangiti naman ako sa kanila.

"De sige,ililibre ko na kayo." sabi ko.

Sila ---> O__O

Huminto ko sa paglalakad.

"Ano ba namang mga mukha yan? Ayaw nyo? Bahala kayo ah." sabay lakad ko ulit.

"YEEEEEEEEEEEES!!! MANLILIBRE SYA! WOOOOOH!!!" at nagtatalon sa tuwa si Niall pati na rin yung apat.

At gaya nga ng sinabi nila, napanalo ko yung contest at nakuha ko agad yung 10k. Medyo ninerbyos lang ako kanina nung nag-aannounce sila ng nanalo. Nahirapan daw kase yung judges kase halos mag-tie na yung points namin nung isang sumali.

"Pre,san ba tayo kakaen? May alam ako banda dun sa---"

"Excuse me. Ikaw ba si Vlaire?" hindi na natapos ni Zayn yung sasabihin nya ng may sumulpot na babae sa harap nya at sya yung tinatanong.

"Ah hinde ako. Sya." sabay hila ni Zayn sa braso ko at ako ang pinaharap sa babae.

"Oh, sorry. You must be Vlaire? Ikaw yung nanalo kani-kanina lang diba?" tanong ng babae saken na nakangiti.

Siguro mas matanda lang ako dito ng one year o baka magka-age lang kame. Hanggang balikat ko lang sya eh. Tas yung suot nya aakalain mong dancer din gaya ko.. I mean gaya ni Lanz. Dancer :D

"Oo, ako yun. Bakit miss?"

"Napanood ko kase yung performance mo kanina. It was impressive. You got the talent." sabi nya na parang kumikinang mga mata nya.

Ngumiti na lang ako.

Haaay. Kung alam nyo lang, di ako yung sumasayaw kanina kundi si Lanz na nasa katawan ko.

"Thanks." sabi ko.

"Pre, matagal pa ba yan? Nagugutom na ko." bulong ni Niall sa likod ko.

"Oo nga. Ako rin gutom na." sabi naman ni Harry.

"Sabi ko nga tara na eh." sagot ko sabay harap ulit sa babae.

"Miss, thanks sa compliment ah. Pwedeng mauna na kame kase gutom na 'tong mga kasama ko eh. Bye." then naglakad na ko at ganun din yung limang unggoy na kasama ko.

COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon