Lanz's POV
"....mabuhay."
Napatigil ako sa sinabi ni Vlaire. Maya-maya pa, binato ko sya ng unan gamit syempre yung kakayanan kong magpalutang ng mga bagay-bagay.
*woosh*
"Aray!!! Ano ba?! >///< " reklamo nya.
"Drama mo kase bro. Parang kanina lang ang lapad ng ngiti mo tapos ngayon..."
"Kase namang buhay 'to eh -_- Dami-daming problemang dumadating. Ngayon pang minsan lang ako maging masaya tapos--"
*woosh*
"HOY! ANO BA! LANZ! KANINA KA PA! >/// <"
"Tigil mo na kase kadramahan mo pare. Gusto mo itulog mo nalang yan eh. Tutal anong oras na naman." sabi ko nalang.
Yung kunot na noo ni Vlaire biglang nawala dahil sa sinabi ko. Nakatingin sya saken ng ilang sandali bago nagsalita.
"Siguro nung buhay ka pa, wala kang problema."
Natahimik ako.
"Tss. Sino bang wala?" sagot ko.
"Sa pera?" tanong nya.
I paused again. Kung tutuusin wala naman kaming naging problema financially.
I shook my head to answer him no.
He bitterly smiled and said,
"Kita mo."
Unti-unti syang gumalaw sa pagkakaupo nya sa may pintuan at lumakad papuntang higaan.
Pagkahiga nya, tumitig sya ng matagal sa kisame.
Ano kayang iniisip ng lalaking 'to?
"Hoy Vlaire." sabi ko.
"Sshh.."
-__-
Malalim siguro iniisip nya. Siguro isa sa paraan para masolusyunan yung mga problema nya.
Minabuti ko nang di sya kausapin. Tumalikod lang ako saglit, maya-maya pa.. pag harap ko ulit sa kanya..
Ayon. Tulog na.
***
Tatlong linggo.
Tatlong linggo na pala ko sa ganitong anyo. Kaluluwa. Espirito.
Tatlong linggo na rin simula ng makilala ko si Vlaire na syang nag-iisang nakakakita saken.
Sa tatlong linggong yun, minsan naisip ko..
Bat kaya di nalang dumiretso agad kaluluwa ko sa langit?
O kaya naman, bakit kaya si Vlaire lang nakakakita saken?
O bakit kaya.. Tatlong linggo na ko dito pero di pa rin ako umaakyat sa langit? Gano katagal pa kaya ko dito?
O minsan naisip ko din, di kaya ako ginawang guardian angel ni Vlaire?
Na siguro,mission kong tulungan sya hanggang sa umunlad na sila ng mama nya?
Eh pano kaya ko? Makikita ko pa kaya sina Mama? Sina Seah? Niana? Niña? Si Dad? Yung mga tropa ko?
Makikita ko pa kaya sila bago man lang ako mawala ng tuluyan dito sa mundong 'to?
*heavy sigh*
Wala naman akong magagawa kundi maghintay lang ng tamang oras. Nang tamang oras ko..
So, ngayon? Mag-gagala na naman ako. As always.
BINABASA MO ANG
COLLIDE
FantasyAfter an accident with his family, nagising si Lanz sa isang di pamilyar na lugar. He woke up alone. Wala ang kanyang mga magulang at ang kapatid. Sinubukan nyang magtanong sa iilang tao ngunit tila hindi sya naririnig at nakikita ng mga ito. Until...