Naka titig siya ng madilim sa puntod ng lolo ko na para bang sinusumpa niya ito. Na kahit ang kamatayan ay hindi sapat para sa kaniya.
Naka leather jacket, mahaba ang buhok , kayumanggi ang kulay at mahaba rin ang buhok niya. Bakas ang galit sa kaniyang mga mata. Wala akong nakikitang pagamahal at awa. Hindi niya ako nakikita dahil nasa loob na ako ng sasakyan ako.
Nagbago na siya. Binago siya ng sakit at galit. Hindi na siya ang Sebastian na kilala ko.
Lumingon siya sa kinaroroonan ko. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin kahit alam kung hindi niya ako nakikita parang alam niya na nasa loob ako. Mabilis ang tibok ng puso ko bakit ko ito nararamdaman. Natatakot ba ko?
Alam kung kayang kaya niya akong saktan, galit siya sa lolo ko, galit din naman ako sa ginawa ni lolo sa pamilya niya pero alam kung sa puso ko kaya kung patawarin ang lolo ko. Pero siya, kinamumuhian niya ako, alam kung gaganti siya.
Hindi ko kailangang matakot. Hnada akong harapin siya.
Bumaba ako ng sasakyan at buong tapang na linapitan siya. Nakutuon din ang atensyon niya sa akin at kung anuman ang nararamdaman ko ng dumapo ang mata niya sa aking mukha ay binalewala ko lang.
Hindi ako masyadong lumapit sa kaniya sapat lang ang distansiyang namamagitan sa amin para lapitan siya.
"How are you?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin. Ngiting may pag-mamahal at pangungulila.
Hindi ko siya sinagot at lumingon na lang sa putod ng lolo.
"Mahirap matulog sa bahay lalo at ini- isip ko lang ang pamilya ko kaya umalis ako. Ang hirap hirap Crystal ang hinrap makalimot. How can I get a justice for them if the justice that I want is buried into the grave"
Gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kaniya na nandito ako pero hindi ako makagalaw.
"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ganito Crystal"
Humarap ako sa kaniya at handa ng punasan ang maga luhang dumadaloy sa mata niya.
Pero sa pagka-harap ko tinakpan niya ng panyo ang aking bibig at unti- unti ng dumilim ang aking paningin.
sa huling sandali ng aking pagpikit narinig ko siya.
"Patawarin mo 'ko kung hindi ko kayang patawarin ang pamilya mo"
Nagising ako sa madilim na kwatro. Alam kong nasa mga kamay niya ako. Pero wala ako sa kwarto niya. I am not familiar in this room.
Nakatali ako at hindi ako maka- galaw.
"Hayop ka Sebastian, pakawalan mo 'ko"
Sigaw ako ng sigaw at natatakot na ako.
"Sebastian walang hiya ka"
Paos na ako kaka banggit ng pangalang niya.
Hanggang bumukas abg pinto. Tumambad sa akin ang hubad niya oang itaas. Maraming tattoo sa katawan niya.
Kung kanina na- aawa ako sa kaniya. Ngayong ay diring diri na ako sa presensiya niya. Kung bakit ko pa kasi siya nilapitan.
"Walang tutulong sayo rito. Nasa gitna tayo ng gubat, walang makakarinig sayo kahit sumigaw ka pa".
"Gusto mong gumanti tama ba?" Tumawa ako ng mapaiit para sabihin sa kaniya na hindi niya ako matatakot.
Tinitigan niya ako kung kanina ang titig niya ay may pagmamahal ngayon wala na. It fades and it hurts.