Binigyan ni Bathala ng biyaya ang mag-asawa na sila Dolores Jantar at Gabriel Jantar. Taong 1815, ika- 3 ng Marso ang aking pagdating sa mundong ito.
Lorenzo Jantar ang aking pangalan. Pinanganak sa Calamba, Laguna. Ang aking mga magulang ay nagtatrabaho sa mga espanyol. Ang aking nanay ay katulong sa bahay ng gobernador heneral. Ang aking tatay ay isang karpintero.
Ako ay nagtatrabaho sa bukid, pandagdag tulong sa aking pamilya. Paulit-ulit lang ang buhay. Ihahatid ko ang aking nanay sa kanyang trabaho dahil si tatay ay sa ibang direksyon patungo. Pagkatapos ay pupunta na ako sa bukid.
Mahigpit ang mga espanyol, malaki ang galit sa mga pilipino. Sobra kung magpatrabaho, pero maliit ang sahod. Kailangan natin itong tiisin at tanggapin, para mabuhay. Oras na magreklamo ka sa kanilang pamamalakad, kamatayan ang magiging sagot. Tayo ay alipin sa sarili nating bayan.
Ano kaya ang buhay natin sa hinaharap?
"Lorenzo, mukhang malalim ang iyong iniisip", sabi ng aking kasama
"Hindi naman", sabi ko sa kanya
"Tayo na, pinapauwi na nila tayo"
Naglakad na kami pabalik sa aming mga tahanan. Bago ako umuwi palagi ako pumupunta sa isang lawa para mag-isip at patayin ang oras. Kasi susunduin ko ang aking nanay bago lumubog ang araw. Pagkatapos ng nakakapagod na araw, ako ay magpapahinga rito. Ito ang paboritong kong lugar. Tahimik, at sobrang ganda. Sa lugar na ito nakikita ko ang kapayapaan.
Dumating ka at ginulo mo ang mapayapa kong mundo. Nagulat ako dahil nakasuot ka ng magarang kasuotan. Siguro, galing ka sa maharlika na pamilya.
Sa sandaling ito, ako'y nararahuyo sa iyo.
"Magandang hapon binibini. Sumaiyo ang kapayapaan", sabi ko sa kanya
"Magandang hapon din ginoo. Sumaiyo rin", ang kanyang tugon
Totoo ba ang lahat ng ito. Akala ko ang mga anghel ay matatagpuan lang sa mga alamat. Ako'y nagkamali dahil pinatunayan mo ito.
"Naliligaw ka ba binibini?"
"Hindi ginoo. Pumunta talaga ako rito."
"Pasensya na po kung ako ay nakakaabala. Ako po ay aalis na."
Sa totoo lang, ang mga katulad namin ay hindi nababagay sa mga maharlika. Kung anong taas ng langit, ganoon din kababa ang lupa. Sa mga mata ng maharlika, kami ay alipin. Sa madaling salita, mahirap makipagkapwa tao sa kanila.
"Pwede kanamang manatili ginoo. Hindi kaba sanay na may kasama o dahil isa akong maharlika?"
Tumingin na lang ako sa kanya at sinubukan kong manatili sa paboritong kong lugar kasama ang maharlika. Malayo kami sa isa't-isa. Parehas lang siguro kami ng layunin, ang pagmasdan ang munting paraiso. Mayroon ditong maraming puno, may lawa, at iba't-ibang klase ng halaman. Ang pinaka espesyal sa lugar na ito ay makikita mo rito ang lungsod.
Parehas naming nasilayan ang dapit-hapon.
"Paalam ginoo."
"Mag-iingat ka po binibini."
Sa kanyang pag-alis, ako ay sumunod para subaybayan siya. Baka kung anong mangyari sa kanya o baka mapahamak siya. Nang makalabas siya sa gubat ay bigla na lang siyang nawala.
Sinakop na ng dilim ang kalangitan.
Papunta na ako sa aking nanay para sunduin siya. Sobrang natagalan ako, kanina pa si nanay naghihintay.
"Magandang gabi inay. Sumaiyo ang kapayapaan."
Nagmano ako sa kanya.
"Magandang gabi rin. Sumaiyo rin," tugon ni nanay.
BINABASA MO ANG
Gunita
RandomIto ay kwento ng isang lalaki na hindi kayang kalimutan ang kanyang mga alaala. Ito ay biyaya na binigay ni Bathala. Katulad natin, siya ay patuloy na naglalakbay. Maraming katanungan sa kanyang isipan, kaya hinahanap niya ang mga kasagutan.