Kabanata XV: Hangganan

41 44 2
                                    

Inakit ni Mark si Renzo sa kanyang kaarawan. Sinabi rin ni Mark yung mga kasama. Pero alam na naman ni Renzo ito. Pumayag si Renzo. 

"Pero Mark pwede bang makautang paubos na rin kasi allowance," wika ni Renzo.

"Akong bahala sayo. Kahit i-date mo si Ana sa mamahaling restaurant sa Baguio," wika ni Mark.

"Baliw ka. Pero salamat Mark," wika ni Renzo.

"Ang drama mo talaga Renzo," wika ni Mark.

Naggayak na sila ng kanilang mga dadalhin at sa pagsapit ng madaling araw ay aalis na sila. Kaya natulog na muna sila Mark at Renzo. 

Sa kabilang banda ay hindi makatulog si Ana dahil siya ay excited sa araw na ito.

Sa pagsasalaysay ni Ana

Pagkatapos ng mga maraming gawain, sa wakas makakapagpahinga na rin. Makakasama ko pa si Renzo. Kailangan kong mag-ayos. Dapat maganda ako sa paningin ni Renzo. Sana magustuhan niya ako. Nangyari na ito sa nakaraan pero bakit ganoon pa rin yung aking nararamdaman. Pagdating sa kanya ako ay kinakabahan. Malapit na mag 1 o'clock hala hindi pa ako natutulog. Sa byahe na lang ako matutulog.

Sumapit na ang madaling araw at sinundo na ng tito ni Mark sila sa dormitory. Sinundo na rin nila ang ibang mga kasama. Kahuli-hulihang dinaanan nila ay ang bahay ni Ana. 

Pinapasok na kami ng kanyang nanay sa kanilang tirahan. 

"Magandang umaga po," wika ng lahat.

"Magandang umaga rin sa inyo," wika ng nanay ni Ana.

"Ikaw ba yung nag hatid kay Ana, noong nakaraan?" wika ng nanay ni Ana.

"Opo," wika ni Renzo.

Napatingin ako kay Mark. 

"Tita, siya po si Renzo kaibigan po namin ni Ana," wika ni Mark.

"Sige pasok na kayo sa loob. Mag-almusal na kayo," wika ng nanay ni Ana.

Katulad ng dati na hotseat na naman ako sa oras na ito. Mauulit at mauulit nga ang nakaraan. History repeats itself nga diba kaya hindi mo maiiwasan.

Nagluto pa yung nanay nya ng mga pagkain. Sa kanila na rin kami nag umagahan. Nakita ko na si Ana. Katulad pa rin ng dati. Sa kanya ako ay nararahuyo. Pumunta na kami sa hapag-kainan at kumain. Pagkatapos naming kumain ay nilagay na namin yung mga gamit namin sa sasakyan. Umalis na kami at nagtungo sa Baguio.

Nagpakilala sila Joshua at Karmina. Nakilala ko na rin sila sa nakaraan. Sa window seat umupo sila Karmina at Ana. Ganito rin yung sitwasyon namin dati. Wala pang isang oras ay nakatulog na si Ana.

Sumenyas si Mark na alalayan ko raw si Ana. Kaya sinandal ko siya sa balikat ko. Nadala na rin ako sa antok. Kaya nakatulog na rin ako. Nakatulog din sila Mark, Joshua, at Karmina. Nakarating na kami sa Bulacan. Nagising si Mark. Kinuhanan kami ni Mark ng litrato.

"Ang cute nila, perfect couple," wika ni Mark.

Pinatingin ni Mark kay Joshua at Karmina.

"Kaya nga," wika ni Joshua.

"Totoo," wika ni Karmina.

"Sila na ba Mark?" wika ni Joshua.

"Hindi pa yata," wika ni Mark.

"Sobrang dikit, diba bawal yan kapag walang label," wika ni Karmina.

"Hayaan mo na Karmina. Kaysa naman tumama yung ulo ni Ana sa bintana diba? Ikaw swerte ka kasi mayroon kang Joshua na pwede mong sandalan. Paano naman si Ana," wika ni Mark.

GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon