Kabanata VIII: Ibong Malaya

49 44 1
                                    

Pagsapit ng umaga ay lumabas agad si Florencio para maglakad-lakad. Nakita niya si Ammirah.

"Magandang umaga binibini. Sumaiyo ang kapayapaan," wika ni Florencio.

"Magandang umaga rin ginoo. Sumaiyo rin," wika ni Ammirah.

"Pasensya sa narinig mo kagabi hindi ko intensyon na sabihin iyon," wika ni Florencio.

"Naiintidihan ko ginoo," wika ni Ammirah.

Nagpalipas ang dalawa ng oras sa hardin. Hindi sila masyadong nag-uusap. Nandoon lang sila para masaksihan ang haring araw.

Nakakapanibago kay Florencio dahil mas gusto niya ang dapit-hapon kaysa sa bukang-liwayway. Napaka seryoso ng sandali. Napapatingin si Ammirah kay Florencio.

Pananaw ni Ammirah.

Bakit sa katulad mong ginoo, ako'y naaakit? Ano bang meron sayo? Ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Ilang araw ka pa lang dito sa aming tahanan pero parang nahuhulog na ako sayo. Humahanga ako sa katapangang ipinakita mo sa pagligtas sa aking kapatid at sa pagtalo niyo sa mga espanyol. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Lumipas ang isang oras. Ipinatawag na ni Sultan ang bawat isa para mag-umagahan. Nagising na ang bawat isa at naghanda. Habang kumakain sila. Nagpasalamat ang pamilya ni Sultan Kudarat sa ginawa nila Florencio, Tomas, Manuel, at Juanito. Biglang nagsalita si Sultan Abdullah tungkol kay Florencio.

"Ginoong Florencio, mayroon ka na bang asawa?"

"Wala pa po, mahal na Sultan."

"Pumapayag ka ba na ikasal sa iyo ang aking anak, si Ammirah."

Nagulat ang lahat sa kanilang narinig. Naging seryoso ang usapan. Tumahimik ang lahat. Napatungo si Florencio sa kanyang narinig. 

Seryosong sinagot ni Florencio ang tanong, "Hindi ko po matatanggap ang kasal na inyong inaalok mahal na Sultan. Mayroon na pong nagmamay-ari ng aking puso. Sana po maintindihan nyo."

Nagulat ang lahat sa kanilang narinig.  Nalungkot si Ammirah sa kanyang narinig. Sumabat si Ahmed sa usapan.

"Pero ginoo, anong dahilan para tanggihan mo si Ammirah. Maraming mga lalaki ang nabibighani sa kanya at gusto siyang mapangasawa."

Hindi na sumagot si Florencio. Nagsalita ang Sultan, "Mahal kong anak, dapat nating irespeto ang desisyon niya."

"Naiintindihan ko po Ama."

Natapos ang kanilang almusal. Niligpit na ng mga katulong ang pinagkainan. Umalis na ang bawat isa sa hapag kainan. Bumalik na si Florencio sa kanyang kwarto para magpahinga. Nasa proseso pa rin siya ng pagpapagaling. Pumunta si Juanito sa kwarto ni Florencio. 

"Kuya, ako to si Juanito."

"Pumasok ka. Anong  iyong nais aking kapatid," wika ni Florencio.

"Kuya, sino ba tong nag mamay-ari ng iyong puso?"

"Interesado ka talaga Juanito?"

"Oo kuya, gusto ko po siyang makilala."

"Makikilala mo rin siya sa susunod. Mamaya na lang ulit Juanito. Matutulog muna ako," wika ni Florencio. 

"Makatulog ka po sanang mahimbing kuya. Tiyaka kuya tawagin mo lang po kami kapag may kailangan ka," nakangiting sinabi ni Juanito.

Lumipas ang oras. Sumapit na ang tanghali. Ipinatawag na ng Sultan ang bawat isa para magtanghalian. 

"Mayroon ba kayong gagawin mamaya pagkatapos ninyong magtanghalian?"

"Ama, pupunta po ako sa bukid," wika ni Ahmed.

GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon