Araw-araw pumupunta si Anastacia sa paraiso. Alam niyang pinapatay ng mga ito si Lorenzo Jantar. Alam niya ang mga nangyari, alam niya kung gaano kasama ang mga maharlika. Mula sa kanilang tahanan ay nakita niya sa malayuan ang mga sundalong ito at ang kanyang tatay. Labis ang kanyang pagsisisi dahil hindi niya naipaglaban ang taong gusto niya. Tahimik lang si Anastacia pero labis ang galit niya sa kanyang ama at sa ibang maharlika.
Noong sandaling iyon, mas pinili niyang magpatuloy. Plano niyang labanan ang mga maharlika at ang mga espanyol. May mga nakahanda na rin siyang plano sa hinaharap.
Taong 1837, ikinasal si Anastacia Reyes kay Francisco de Leon. Pinagkasundong ikasal ng mga maharlika ang kanilang mga anak. Hindi gusto ni Anastacia na ikasal ngunit ito ay utos ng kanyang ama.
Sa kaparehas na taon, ika-9 ng Marso. Isinilang ni Anastacia ang batang lalaki na si Julio de Leon. Katulad ng pagpapalaki ng nanay ni Anastacia sa kanya ganito rin ang ginawa niya sa kanyang anak. Pinalaki niya si Julio ng may labis na pagmamahal. Lumaki itong magalang sa kanyang kapwa. Pinaunawa niya sa kanyang anak na dapat irespeto ang kanyang mga kapwa maging mahirap o mayaman.
Taong 1843, kinupkop ni Anastacia sila Esperanza Flores at Leonora Flores. Ang edad ni Esperanza ay 20 at ang edad ni Leonora ay 16. Ang dalawang ito ay biktima ng mga espanyol sa kanilang pang-aabuso. Nakita niya itong dalawa sa kalsada namamalimos ng pagkain. Kinuha niya itong mga katulong sa kanilang bahay at tinuring niya itong kapamilya.
Taong 1845, nakita ni Anastacia si Emilia Santos at ang kanyang tatay. Nang hihingi ng tulong ang kanyang tatay pang pagamot sa asawa nito. Lumuhod na ang tatay ni Emilia, ginawa niya ang lahat para siya ay tulungan kaso hindi ito pinagbigyan ng pari. Sa halip ay pinagsasalitaan ito ng masasakit na salita ng pari. Ito raw tatay ni Emilia ay demonyo. Hindi nakapagpigil ang tatay ni Emilia at sinagot ang pari. Binalik niya ito sa pari. Sinabi ng tatay ni Emilia na ang mga espanyol daw ay ang totoong demonyo. Inutos agad ng pari sa kanyang mga sundalo na barilin ang lalaki. Tinutok na rin ng mga sundalo kay Emilia ang baril ngunit biglang tumakbo si Anastacia at pinigilan ito. Niyakap niya agad si Emilia.
"Huwag na nating idamay ang bata wala naman siyang kasalanan. Padre, hindi rin po sila demonyo bagkus ay nangangailangan lang sila." kitang-kita sa mata ni Anastacia ang galit.
"Huwag kang mag-alala munting binibini. Po-protektahan kita," sabi ni Anastacia. Hindi mapigilang lumabas ang luha ni Emilia.
Pinatira ni Anastacia si Emilia sa kanilang tahanan. Ginawa niya itong katulong pero sila ni Esperanza at Leonora ang nagsisilbing nanay ni Emilia. Tinuring din ni Anastacia si Emilia na parang anak niya dahil kasing edad lang ito ni Julio.
Nakarating ang mga ito sa tatay ni Anastacia. Pinagalitan niya ito at pinalampas ang nangyari. Tinanggap naman ng tatay at asawa niya si Emilia. Humingi ng pasensya ang tatay niya sa pari. Pinatawad naman ito ng pari at sinabing hindi naman daw ito malaking problema. Ito raw ay maliit na hindi pagkakaintindihan na hindi na dapat pinapalaki. Humingi rin ito ng tawad ang pari sa gobernador heneral at baka raw nagulat o na bigla lang si Anastacia sa nangyari.
Nabulag si Anastacia pero malinaw parin ang kanyang mithiin na maghiganti. Nagpapasama siya kay Julio, Emilia, Esperanza, at Leonora. Para kay Anastacia ito ang kanyang pamilya. Palagi silang pumupunta sa paraiso na magkakasama. Kinukwento niya sa mga ito ang kaharian ng prinsipe.
Sa huling sandali. Iniwanan ni Anastacia ang mga salita kay Julio na iabot ang kanyang mga kamay sa mga nangangailangan ng tulong. Nangako si Julio sa kanyang ina.
Taong 1850, namatay si Anastacia sa kadahilanang huminto ang pagtibok ng kanyang puso at hindi na siya nagising. Inakala nilang namatay ito sa bangungot. Inilibing si Anastacia sa libingan ng mga maharlika.
BINABASA MO ANG
Gunita
RandomIto ay kwento ng isang lalaki na hindi kayang kalimutan ang kanyang mga alaala. Ito ay biyaya na binigay ni Bathala. Katulad natin, siya ay patuloy na naglalakbay. Maraming katanungan sa kanyang isipan, kaya hinahanap niya ang mga kasagutan.