Taong 1860, ika-9 ng Hulyo. Ikinulong si Dr. Jose Rizal sa Fort Santiago.
Nakabalik na si Florencio sa kaniyang tahanan.
"Magandang gabi mga ginoo. Sumainyo ang kapayapaan," wika ni Florencio.
Nagulat sila Juanito,Tomas, at Manuel. Napalingon nang marinig ang boses ni Florencio.
"Magandang gabi rin po kuya. Sumainyo rin po ang kapayapaan," pagbati nilang tatlo na nakangiti. Niyakap nila si Florencio.
"Kumusta kayo aking mga kapatid?"
"Maayos naman kaming lahat kuya Florencio," wika ni Juanito.
"Tayo na po kuya. Naghanda na po si inay ng pagkain," wika ni Manuel.
"Tara na, siguradong papagalitan ako ni inay," wika ni Florencio.
Natagpuan ko si Juanito sa nasusunog na bahay. Sinunog ng mga espanyol ang mga bahay nila. Nasa ika-20 taong gulang na siya ngayon.
Natagpuan ko si Tomas na binubugbog ng mga sundalong espanyol dahil nanghihingi siya ng tulong para ipagamot ang kanyang ina. Hindi nagustuhan ng mga sundalo ang ginawa ni Tomas dahil hindi siya tumitigil. Nasa ika-20 taong gulang na siya ngayon.
Natagpuan ko si Manuel na duguan sa isang gubat. Ayon sa kanyang kwento pinagsasaksak daw siya ng mga sundalong espanyol dahil sa nagnakaw siya ng pagkain. Nasa ika-22 taong gulang na siya. Siya ang pinakamatanda sa tatlo pero tinatawag nya akong kuya.
Pinatuloy ko sila sa bahay. Inampon sila sa ngalan ng aming pamilya. Kagaya ng ginawa ko kay Emilia. Tinuring naming magkakapatid ang bawat isa. Darating ang araw na makukumpleto rin kami.
Nang makuha ko ang gintong susi ay pinapunta ko sila sa Espanya para mag-aral. Si Tomas ay nagtapos sa kursong Pilosopiya. Si Manuel ay nagtapos sa kursong Abogasya. Si Juanito ay nagtapos ng Medisina. Ang mga ito ay nagsasanay makipaglaban. Palagi silang nag eensayo araw-araw.
"Magandang gabi aking anak. Sumaiyo ang kapayapaan," wika ni Teresita.
"Magandang gabi rin po aking ina. Sumaiyo rin po," wika ni Florencio.
"Maghugas na ng mga kamay at umupo na kayo rito. Kakain na tayo," wika ni Teresita.
Nag hugas na ng kamay ang bawat isa. Umupo narin sila sa kanilang mga pwesto. Napag kwentuhan nila Florencio at ng kanyang pamilya si Emilia. Kinumusta nila ang isa't-isa. Ano ang mga nangyari o naganap sa kanilang mga buhay. Naging masaya ang gabing iyon. Isang pamilya na nagsasalo-salo.
Pagkatapos ng hapunan ay lumabas sila Florencio, Juanito, Tomas, at Manuel para magpahangin at mag-usap. Naging seryoso na ang lahat ng itanong ni Florencio ang nangyari kay Dr. Jose Rizal.
"Alam ko na kahit hawak ko ang gintong susi ay hindi ko maliligtas si Dr. Jose Rizal. Sigurado rin ako na sisiklab ang isang malaking apoy sa mga Pilipino katulad noong mamatay ang tatlong pari," wika ni Florencio.
Sinabi ni Florencio ang kanyang mga plano sa kanyang mga kapatid. Nakapagpasya na siya na mangalap ng mga armas na gagamitin sa paparating na digmaan. Bago siya maglakbay ay binisita ni Florencio si Dr. Rizal sa Fort Santiago.
"Magandang umaga ginoo. Sumaiyo ang kapayapaan," wika ni Florencio.
"Magandang umaga rin ginoo. Sumaiyo rin," wika ni Rizal.
"Ako po si Dr. Florencio Romero."
"Naririnig ko ang iyong pangalan. Masaya akong makita ka Dr. Romero."
"Kumusta ka po?", wika ni Florencio.
"Maayos naman ako ginoo. Ano ang iyong layunin naparito ka ba para palayain ang ibong nakakulong sa hawla?", tugon ni Rizal.
BINABASA MO ANG
Gunita
RandomIto ay kwento ng isang lalaki na hindi kayang kalimutan ang kanyang mga alaala. Ito ay biyaya na binigay ni Bathala. Katulad natin, siya ay patuloy na naglalakbay. Maraming katanungan sa kanyang isipan, kaya hinahanap niya ang mga kasagutan.