Sumainyo ang kapayapan.
Ako nga pala si Eduard Kapili. Ako ang nasa likod ng kwentong ito. Palagi ko itong napapaginipan. Kaya aking sinulat at ibinahagi. Pakiramdam ko sa tuwing mapupunta ako sa panaginip na ito ay ako sila sa nakaraang buhay.
Siguro nga ang bawat isa sa atin ay nabuhay sa nakaraan. Pero tandaan dapat tayong magpatuloy na humakbang papunta sa hinaharap. Hindi ring masamang lumingon sa pinanggalingan pero ito ay alaala na lang. Maging masaya ka at pasalamatan ito.
Sa ngayon ako'y patuloy na maglalakbay. Kung gusto mong sumabay, pwede naman. Kung sakaling mayroong nadapa, hindi naman masama ang mag abot ng kamay. Matutong makipagkapwa-tao. Pare-parehas lang tayo may problema. Bakit hindi natin tulungan ang isa't-isa diba?
Nandito ako ngayon sa aking lola. Binisita ko siya sa Laguna. Kakatapos lang ng school year kaya nandito na rin ako para magbakasyon. Ang kanyang edad ay 100 taong gulang.
Ngayon lang ulit kami nagkita ni lola. Noong huli raw naming punta rito ay nasa edad 3 taong gulang palamang ako.
Na-ikwento sakin ni lola ang paraiso at ang prinsipe. Nagulat ako kasi yan ang laman ng aking panaginip. Nagkita kami ng aking pinsan at pinasyal niya ako rito sa lugar. Malapit lang sa tahanan ni lola. May nakita kaming lawa at maraming puno. Makikita mo rin dito ang lungsod. Naligo kami ng aking pinsan.
Nasilayan namin ang dapit-hapon. Bumalik na kami sa bahay ni lola.
"Nakita nyo ba ang prinsipe sa paraiso?" wika ng aking lola.
"Hindi po la," tugon ko sa kanya.
"Nandoon siya kaninang dapit-hapon," wika ng aking lola.
Inutusan ako ng aking nanay na kunin ang gamot ni lola sa kanyang kwarto. Pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko ang mga litrato ng kanyang magulang. Nakalagay din dito ang kanilang pangalan. Ang kanyang tatay ay si Julio de Leon at ang kanyang nanay ay si Emilia Santos Romero.
BINABASA MO ANG
Gunita
RandomIto ay kwento ng isang lalaki na hindi kayang kalimutan ang kanyang mga alaala. Ito ay biyaya na binigay ni Bathala. Katulad natin, siya ay patuloy na naglalakbay. Maraming katanungan sa kanyang isipan, kaya hinahanap niya ang mga kasagutan.