CHAPTER 5

116 4 2
                                    

Ito na ang hinihintay niyo. Hehe. 

Enjoy, Mermaids! 

=========

LARISSA NATALIE Y. BRIONES

"Endorsing patient Vilisidad. Admitted September 1. Age 31 years old, male, Roman Catholic. Under the care of Dr.Maxum. Diagnosed with Severe Leptospirosis. Attachments are NGT and Foler Catheter. Fall and Aspiration Precaution. Strict MIO hourly and record, for complete bed rest. Ideally for HD pero nag refused ang patient, already with sighed waiver. Recent Vital signs: 38.1 temperature, 121 pulse rate, 100/60 Bp, and Respiration is assisted." Sabi ko kay Trixie. Siya ang day shift dito sa station na pinag ta-trabahuan ko.

"Thanks, Nat. Ito lang ba patients natin ngayon?" Tanong neto.

"Yes, Trix. Himala nga hindi hectic ang ICU ngayon." Sabi ko habang inaayos na ang bag ko.

Argh! Pauwian mo lang talaga ako, tulog agad ako.

Nilagay niya naman ang papel na pinang sulatan niya ng endorsement sa pocket ng scrubs niya. Nakangising tumingin ito sakin na ikinataka ko.

Anu nanaman ang iniisip ng babaeng 'to?

"Alam mo yung maganda?" tanong niya.

Oh no. Here we go again.

Sunod sunod ang iling ko. Tatalikuran ko na sana siya ng tumayo ito at hinawakan ang mag kabilang baraso ko, dahilan upang di ko maiwasan ang naka ngisi at nakakairitang mukha ni Trixie.

"Mag party ka!" Sigaw neto. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya.

"Shhh! Sana naman aware ka na nasa hospital tayo nu?" saad ko.

Minsan talaga si Trixie may pag ka loka loka din eh. Alam niya naman na bawal maingay sa station.

"At sana aware ka din na nasa ICU tayo. Half of our patients are unconscious." Sabat neto.

"And the other half are not." Sabat ko din.

Nakita ko naman ang pag rulyo ng mata ni Trixie. "Just listen, okay?" sabi neto.

Oh Gosh. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sigurado akong pipilitin niya nanaman akong mag party dahil,

"Diba naka off ka 3 days?" yun! Tompak! Bakit di ko ba kasi naisip na sobrang daldal ni Leo at pwede niyang sabihin kay Trixie ang pag off ko ng tatlong araw?

"Trix, ayokong mag part—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita agad ito.

"Larissa Natalie, pag ikaw hindi gumalaw hindi uusad yang love life mo! Anu kaba, labas na sa kalendaryo edad mo. Kailangan mo ng makatikim ng masarap, mah—" ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.

"Fine! Fine!" Sabi ko na agad niyang ikinatuwa. Minsan talaga kailangan mo na lang sumang-ayon sa gusto niya para tumigil siya eh.

"Perfect! Oh basta kung anu yung mangyari sayo, update mo kami ni Leo ha." Sabi niya.

As if naman may choice ako.

Si Leo ang kaibigan din namin ni Trixie, but unlike me, nasa day shift silang dalawa. Habang ako, ito, assigned sa nocturnal shift. Kaya nga hininge ko talaga ang 3 days off ko para maka pag pahinga ako. Straight din kasi ang duty ko netong nakaraang linggo.

"Oh sige na, babye na! Mag fe-feeding pa ako." Sabi ni Trixie bago ako binitawan at nag lakad na palabas ng station.

Napa tingin naman ako sakanya habang nag lalakad palayo sakin. I sighed. Kung alam lang nila.

One Of His BedmatesWhere stories live. Discover now