CHAPTER 9

53 0 0
                                    

LARISSA NATALIE Y. BRIONES 

Hindi ko alam kung ilang oras na ako nag hihintay dito sa Coffee shop. Nandito kasi ako ngayon sa condo ni Gage at hinihintay siyang makalabas. I'm literally just waiting for him to go down from his place. Kahit naman alam ko kung anu yung unit niya, hindi naman ako pwedeng pumunta lang dun kung kailan ko gusto. 

Last time though ginawa ko 'yun, pero nagalit naman siya at 'di rin ako pinansin. 

5 minutes lang naman ang hinihinge ko eh! Ayaw pa akong pagbigyan. 

Uminom na lamang ako ulit sa Ice Americano ko. Ahmm! Heaven! 

Gustong gusto ko talaga ang purong kape lang. I really don't like to put cream or milk sa coffee ko. I prefer hot coffee pero ngayon nag Ice ako kasi ang init masyado.

"Wala pa din." Sabi ko sa sarili ko ng 'di ko pa rin nakikita ang anino ni Gage na lumalabas.

Mabuti na lang talaga alam ko yung plate number ng sasakyan niya, kaya alam kong nasa labas naka park yun ngayon. 

Pag dating ko kasi kanina dito ay namataan ko yung kotse niya sa labas. Sa parking lot ko talaga siya dapat hihintayin ngayon, pero nung makita kong sa labas siya naka park nag decide na lang ako na mag hintay sa loob ng coffee shop. Tanaw ko din kasi mula sa pwesto ko ang kotse niya eh.

Galing pa actually ako ng duty ngayon. Straight yung duty ko 3 days na, at ngayon kagagaling ko lang sa 12 hours shift at dito agad ako dumeritso. 

I really want to talk to him... 

5 minutes lang kasi ng oras ni Gage ang hinihinge ko, hindi niya pa maibigay. 

Tumingin ako ulit sa entrance ng building at agad naman akong nagulat ng makita ko siya na lumabas na mula dun. I immediately stand from my sit and run towards him. 

Ang tangkad pa naman neto! 'Di ko maaabutan pag di ako tumakbo. 

Mabuti na lang din na sanay ako sa pagtakbo dahil na  din sa trabaho ko, kaya kahit pagod ako ay kaya ko pa ding takbuhin si Gage.

"Gage!" Sigaw ko na naging dahilan para huminto siya sa paglalakad. 

Mabuti na lang talaga na huminto siya kasi malapit na siya sa sasakyan niya eh.

Agad ko naman siyang nakitang sumimangot ng makita ako. "You again?" Naiinis na tanong niya. 

"5 minutes lang kasi. Let's talk. Hear me out." I said. 

Nahihingal pa ako dahil tumakbo ako para lang maabutan siya. 

Nakita kong umirap ito. "Look, Woman. I know that I'm not the father of your unborn child. So please, do yourself a favor and get the fuck out of here." He said before turning his back at me. 

Agad ko naman hinawakan ang kamay niya para pahintuin siya. 

Hindi pwedeng 'di kami mag usap! Straight pa ako sa duty at dito ako dumeritso, imbes na mag pahinga. Kaya dapat kausapin niya ako 'nu! 

"Look, Gage. I know you don't believe me. Pero kaya nga humihinge ako ng 5 minutes ng oras mo, para maipaliwanag ko sayo ang nangyari." I said. 

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng na-explain 'to kay Gage. Pero kahit paulit ulit ko namang sabihin 'yun, ay di niya pa rin ako pinapansin.

He smirked. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang bagay dahil sa ginawa niya. 

Alam kong hindi ito importante ngayon pero I really can't deny it. Grabe ang dating ni Gage. Ibang iba talaga ang aura niya sa tuwing nakikita ko siya. 

One Of His BedmatesWhere stories live. Discover now