CHAPTER 12

53 0 0
                                    

LARISSA NATALIE Y. BRIONES 

Hindi ko alam. 

Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito. 

Akala ko meron pang ibang sasabihin si Sebastian, wala naman pala. Akala ko talaga sobrang importante dahil pinuntahan talaga ako ni Gage sa hospital eh. Gusto lang pala niya akong makita. 

I heaved a sigh before leaning my back in the wall. Nandito lang ako sa labas ng office ni Sebastian. I decided na dito na lang ako mag hintay kay Gage dahil sa sobrang laki ng mansyon ni Sebastian, ay baka maligaw ako pag nag ikot ako o pag sinubukan kong pumunta sa labas.  

Hindi ko naman mapigilan ang hindi isipin kung anu ang  pinag-uusapan nila ni Gage at Sebastian ngayon. 

May kinalaman ba yun sakin? 

I mean, hindi naman sa pagiging assumera pero kasi pinatawag ako dito eh. Tapos nung nandito na ako 'tsaka kakausapin ni Sebastian si Gage. Hindi ba pwedeng kausapin na lang ni Sebastian si Gage kahit hindi niya pa ako nakikita? 

Also, who is Sebastian? 

I asked Gage a while ago, kung tatay niya ba si Sebastian at sinabi niya na hindi niya naman Tatay. I mean, seriously, Sino si Sebastian? Bakit ganun na lang yung pagka-concern niya sakin? Sa kay Gage?  Sa sitwasyon naming dalawa? 

If Sebastian is not the father of Gage, then who is he? 

Tumingala na lang ako at pinikit ang mga mata ko. Sobrang pagod ako ngayon. Galing pa naman ako sa trabaho, tapos medyo hectic pa yung shift namin kanina. Maliban kasi sa nag Code Blue kami ay sobrang dami pang orders sa pasyente namin. Sobrang gusto ko na lang umuwi at humiga sa kama ko at matulog. 

Seryoso, pag nakauwi ako matutulog talaga ako agad. 8 hours! Sige, matutulog ako ng 8 hours! 

Iniisip ko pa lang na ganun kahaba yung tulog ko ay napapangiti na ako. I'll be like a princess once I wake up from that 8-hour sleep.  

Kailan ba kasi ang huli kong 8 hour sleep? Mukhang nung istudyente pa yata ako eh. Kahit naman kasi may day off ako, minsan hindi din ako nakakatulog ng ganun kahaba. Kung hindi kasi sa may gagawin ako, o pupuntahan na importante. Ay minsan nagigising lang din ako dahil sa masamang panaginip. 

Pero sana naman mamaya makatulog ako ng mahaba nu, deserve ko naman yun. 

Dahil sa iniisip ko ay napa-hikab ako. Gustong gusto na ng likod kong maramdaman yung malambot kong kama. 

Minulat ko ang mga mata ko at agad na nagulat ng may isang lalakeng sa harapan ko at nakatingin sakin. 

"You must be tired. Galing kaba sa work?" He asked. 

Teka, ito yung lalake kanina sa living room nung dumating kami ni Gage. Mahaba ang buhok niya at malaki ang pangangatawan. 

I didn't get his name though. Wait, mukhang hindi naman siya nag pakilala at hindi din siya pinakilala ni Gage. 

Tama ba? Jusko. Sa sobrang pagod ko, nagiging lutang na ako. 

Umayos na lang ako ng pag kakatayo bago tumango. "Ah, Oo." Tanging sagot ko. 

Bakit ba nakaka intimidate to? Kahit mukhang mabait siya, ay mararamdaman mo pa rin yung aura niya na nakakatakot. Yung katulad kay Sebastian at Gage...

I don't know why but their aura shouts for danger. It scares me. Sino ba naman kasi ang hindi?

Ngumiti naman ito. "Let's go, I'll give you some coffee." Sabi niya bago naunang nag lakad. 

One Of His BedmatesWhere stories live. Discover now