Four: FLOOR

27.9K 67 11
                                    

FLOOR. Yun ang tawag sa lugar sa call center kung saan all the call center agents do their work. Its where they take calls, this is where they do their business. It is also a place where you can find people from different walks of life.

TEAM DANICA 8:45 PM MONDAY


ANNIE'S POV:


This is our first day after our Baguio trip. Usually late ako dumadating or kaya sakto, buzzer beater ba? Hehe! Fairview pa kasi ako manggagaling and ang office namen nandito sa Libis. Pero not this time, tonight maaga akong pumasok, excited akong makita mga team mates ko...

Weh??? team mates ha? as in plural? baka team mate lang? baka si Paul Jake lang??? >_< 

Di nga...

Pero kanina pa nga talaga ako excited makita si Paul Jake...alam mo yun? yung feeling of excitement but at the same time I'm nervous, my heart was beating so fast habang papalapit ako sa building ng office...pabilis ng pabilis...yun tipong kinikilig ka pero kinakabahan ka kasi di mo alam kung pano mo sya haharapin?

I know that what we had back there in Baguio was special, kaso di ako sure if hanggang Baguio lang yun...what will happen to us now in Manila?

We held hands on our way down from Baguio right?

And he gave me a peck on the cheek before we part ways sa terminal. I was surprised kasi di naman talaga kame nag bebeso besong dalawa, kasi nga diba di naman kame close unlike yun iba kong team mates na beso beso lagi pag nagkikita at bago maghiwalay...first time kame nag beso, well actually its not just a beso...

it was a lingering kiss sa cheeks and i believed i blushed when he did that.

Eeeeeeh!!!! sigaw ng puso ko. >_<

Tonight maaga ako ng 15 minutes,congrats saken! hehe!!!

Andun na sa floor sina Clarisse and Apple, maya maya dumating na din yun iba namen team mates and we exchaged hugs and made beso-beso with one another.

From the corner of my eye I saw Paul Jake coming in...still with his shades on, he is walking confidently in his blue polo and black slacks... tall, dark and lean, oozing with sex appeal.

My Gawd! Ayan na sya, nag simula ng magsirko ang puso ko at parang may isang libong paru paru na gustong kumawala mula sa sikmura ko...ano ba yaaaan?!!! 0_0

OK Annie relax...take a deep breath...inhale...and then exhale....woooh! Kalma lang Annie,kalma lang... ayan na sya...act normal...

"Hi guys!" masayang bati ni Paul Jake sa lahat sabay lapag ng shades nya sa isang post. (post ang tawag sa mga work stations sa call center)

"Hi PJ!" bati ni Clang sabay lapit kay Paul Jake to give him a kiss sa cheeks and they quickly hugged each other.

"Hello, I miss you!" nakangiting sabi ni Apple. Lumapit naman dito si Paul Jake sabay kiss at yakap  din...

At di naka ligtas sakanya ang medyo matagal na pagkaka yakap ng dalawa...hmmm...

"Selos ka Annie?" tanong ng puso nya...

"Hindi noh!" mabilis na sagot ng utak nya.

Nang biglang bumaling sa kanya si Paul Jake, nahagip ng mata nya ang mga nakakalokong tingin at ngiti nila Clang at Apple.

"Hi Annie!" Bati saken ni Paul Jake sabay dahan dahang lumapit.

Parang tumigil ang mundo ko ng unti unting lumapat ang labi nya sa kanang pisngi ko.

I knew I was blushing...lalo ng nawindang ang puso ko ng yakapin nya ko ng mahigpit...shocks ano ba to?...i didn't know kung anong gagawin ko...until I realized that my head is already resting upon his chest and my arms wrapped around his waist....

"Ehemm! Ehem!!" sabay na sabi ni Clang at Apple. 

Bigla kameng nagbitiw ni Paul Jake. Sinimulan ko ng ayusin ang post ko, si Paul Jake naman bumalik sa post kung saan nilapag nya ang shades nya, then nagulat ako when Paul Jake transferred to the post next to mine...

"EEEeeehhh!" sigaw ng utak ko...kinilig na naman ako...kumabog ang puso ko, kulang nalang eh tumalon ang puso ko palabas sa suot kong damit...

"Anubey??? ano bang balak nitong Paul Jake na to...baka di ako maka concentrate sa pag ko-calls nito mamaya...haaay..." 

_

_

_

Lumipas pa ang mga araw and both Annie and Paul Jake became closer to each other...sabay na silang umuuwi sa umaga, nauuna nalang bumaba ng bus si Paul Jake para lumipat ng jeep pauwi sa kanila, di na kasi sya sumasakay ng bus na diretcho sa kanila para makasabay lang kay Annie pauwi. Sa gabi naman lagi na silang magkatabi ng posts...and kung nasaan yun isa andun din yun isa. 

FLOOR TEAM DANICA 8:10 PM

Nauna si Annie sa office. Sya palang ang tao sa area nila, halos wala pang tao sa buong floor.

"Maaga pa naman, maka idlip nga muna." sabi ni Annie sa sarili sabay yuko sa yakap na character pillow sa ibabaw ng post nya at pumikit. Paharap sa kaliwa ang pwesto nya patalikod sa entrance ng floor malapit sa kanan. 

Ilang minuto na sya sa ganong pwesto ng biglang...

"Tsuuup!" she felt a soft pair of lips pressing on her slightly parted lips. Aba! ang bilis naman nya makagawa ng tulog, kakapikit palang nya ah? In fairness ang ganda ng panaginip ko...his lips unto mine...

hot...

sweet...

soft...

I can also smell his perfume...grabe lagi talaga syang mabango...madalas daig pa ko...hehe!!!

Teka...nananaginip nga ba sya??? 

Unti- unti nyang iminulat ang mga antok na mata...and to her surprise, she saw a pair of beautiful eyes staring at her...and that naughty smile coming from those soft sweet lips...

"Hello." Paul Jake said to her smiling. :)

"Huh?!" naalipungatang usal ni Annie. Shocked. Tulala.Tingin sa paligid. Asan ba ko? Di pala ko nananaginip...sabi ng isip nya. 

Nakatayo na ngayon si Paul Jake sa katabing post nya, nag aayos ng mga gamit. Pasulyap sulyap sa kanya.

"Aahm...B-Bakit m--moko hinalikan sa lips?" pa inosenteng tanong ni Annie, in a soft shy voice.

"Bakit ayaw mo?" diretchong sagot ni Paul Jake na bahagya lang sumulyap sa kanya, tuloy pa din sa pag aayos ng post nya.

Napatigil si Annie at napa isip. Ayaw nga ba nya? O ito na ang matagal nyang hinihintay? 

This is it Annie, kalma ka lang...humugot sya ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot.

"Hindi." Diretcho ring sagot ni Annie sabay titig kay Paul Jake.

Nilingon sya ni Paul Jake at binigyan ng isang endearing smile.

Lumakad to papunta sa direksyon ng mga lockers ngunit bahagyang hinaplos muna ang pisngi nya pagtapat nito, bago ito nagpatuloy sa paglakad.

Di pa rin natitinag si Annie sa kanyang kinauupuan, iniisip pa rin nya ang halik na kakatapos lang.

That kiss.

That kiss started everything.

That kiss made it official.

I am Paul Jake's girl now...

A Stubborn Love (My Not-So-Ordinary Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon