Guhit..
Pagkatapos kong i-scan ang fingerprint ko sa biometrics sa may gate, ay pumasok na ako.
"Jas!"
Napalingon ako noong may tumawag sa pangalan ko.
"Nick!" Lumapit ako sa kaniya na nakatambay sa may pathway, malapit kung nasaan ang general bulletin ng school. Maaga rin pala pumasok ang mokong. Isang oras pa bago ang start ng classes eh, kaya nga wala pa masiyadong tao sa school.
Pasekreto ko siyang pinasadahan ng tingin mula sa clean-cut niyang hairstyle, sa plantsadong-plantsado na uniform, pababa sa makintab niyang black shoes. Hindi ko alam kung ako lang 'to, pero kahit naka-uniporme lang si Nickle, para parin siyang model tignan pag nakatayo. Siguro dahil sa tangkad niyang taglay. Tapos ang poker pa ng mukha.
"Anong ginagawa mo dito?"
Sasagot na sana siya pero parang bigla siyang may nakitang kung ano. Nang hindi ako sinasagot, hinawakan niya ako sa may braso at bigla nalang akong kinaladkad.
"Sa'n ba tayo pupunta?" inis kong sabi at inalis ang pagkakahawak niya.
"Simon Tejeros," mahinang sabi niya at may nginuso.
Sinundan ko kung saan siya nakanguso, at si Simon Tejeros nga. Mukhang kakarating lang nito sa school. Tulad kahapon, may suot siyang salamin, may bitbit siyang isang parang sketchpad at tapos nakasuot ng itim na bag.
Tahimik kaming sumunod sa kaniya.
Pumasok siya sa Highschool Building at akala ko ay didiretso siya sa third floor kung nasaan ang mga rooms ng grade 9 students, pero nanatili siya sa first floor at dumiretso sa pinakahuling room sa corridor ng first floor.
"Ah!" hiyaw ko noong nabunggo ko ang basurahan na nasa labas ng isang classroom.
"Shhh.." tinakpan kaagad ni Nick ang bibig ko. Wala kaming mapagtataguan. Alam ni Nick iyon kaya naman itinulak niya ako sa may pader at kaagad siyang pumwesto sa gilid ko at tinakpan niya ako mula kay Simon Tejeros.
Nakaharap ang likod niya sa may direksyon ni Simon Tejeros, at nakaharap siya sa'kin. Tapos inabot niya ang door knob ng room na nasa may gilid ko. Kaya para tuloy siyang nakayakap sa akin.
Pero alam niyo 'yon? Ang lapit-lapit namin sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo?" mahina pero madiin kong tanong.
"Hindi ko rin alam," bulong niya. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng classroom para siguro doon kami magtago, pero naka-lock ito kaya inalis na niya ang kamay niya sa may harapan ko.
Wew... saka lang ako nakahinga ng maayos. Ba't naman kasi may paabot-abot pa siya sa door knob, ang awkward tuloy.
"Eh ba't ka naka-ano diyan?"
"Eh ikaw 'tong hindi nag-iingat eh. Ba't mo binunggo ang basurahan? Pag nakita ka niya maghihinala 'yang sinusundan natin."
Sinabi ko kasi sa kaniya na sinundan ko kahapon si Simon Tejeros. Pag nakita niya ako ulit baka takbuhan niya kami.
Inirapan ko nalang siya."Andyan pa?" biglang tanong niya kaya itinaas ko ang ulo ko para tignan siya.
Pero nakakainis kasi nakadukmo pala siya sa'kin. Muntik tuloy kaming mag-ano-- bwisit! Ano ba 'tong posisyon namin.
Sinilip ko kung nasa'n si Simon Tejeros, at nakita ko siyang pumasok sa panghuling room.
"Wala na," imporma ko at kaagad na tinulak si Nickle palayo.
Inayos naman niya ang uniporme niyang nagusot ko ng konti at sinamaan ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Mystery / ThrillerWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...