Yearbook..
"Are you guys hungry?" tanong ni Sir Castro, aming gwapong Math teacher.
"Yes sir! Lunch na sir!" sigaw ng mga pasaway na kaklase.
"So para hindi na magutom ang Fortitude, I'll feed you with another set of problems."
Sabay-sabay kaming nagreklamo, pero tumawa lang si sir. Fortitude ang pangalan ng section namin.
"You still have 10 minutes before bell. Kapag hindi niyo natapos, it's okay. Your class president can collect your papers and submit them to me before the lunch break is over. Okay?"
Kung sa ibang guro siguro ito, grabe na magreklamo iyong mga girls Pero dahil si Sir Castro 'to, syimpre, nakangiti sila at agree lang ng agree.
Noong nakalabas si Sir sa classroom, ay nakipag staring competition ako sa problems sa board. So 'yon natalo ako.
Lumapit ako sa upuan ni Nick at sumilip sa mga sagot niya. Pero napansin niya pala ako kaya nilingon niya ako. Umasta naman akong hindi sumilip at nag stretch pa ng kamay. Parang tanga.
Pinaningkitan lang ako ng mata ng loko.
"Tapos ka na magsagot?" tanong niya.
"Oo," agaran kong sagot.
"Patingin."
Kaagad kong tinago sa likod ko ang math notebook ko.
Napailing lang siya. "Tatapusin ko lang 'to, tuturuan kita."
Napangiti na ako. "Thank you tutor!"
Tinakpan niya kaagad ang bibig ko, "Wag kang maingay. Pag narinig ka ng iba magpapaturo din ang mga 'yan sa'kin. Ayoko. Nakakapagod."
Natawa ako. "Napaka-choosy mo naman sa pagtulong," pang-aasar ko. "Very exclusive. Not universal."
"Exclusive talaga. Ipagpatuloy mo 'yan at baka di mo na ma-avail ang exclusivity."
Napatakip ako sa bibig. "Grabe! Ang pikon naman. Joke lang eh."
Inantay ko siyang magsagot sa mga math problems. Umupo ako sa upuang nasa likod niya at nagmuni-muni tungkol sa pagkamatay ni Angel.
"Pero pa'no nga kung nagsisinungaling si Simon Tejeros?" biglang pangungulit ko na naman. Kahit kasi natanong ko na ang mga kaklase ni Simon Tejeros, gusto ko paring makasigurado bago namin siya tuluyang bitawan bilang suspect.
Sumampa ako sa sandalan ng upuan niya.
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Nickle at patuloy lang siya sa pagsagot ng Math. "Pakiramdam ko hindi. Kita mo naman ang isang 'yon diba? 'Di no'n kaya pumatay."
"Pa'no ka naman nakakasiguro na tama 'yang pakiramdam mo?"
Bigla siyang huminto sa ginagawa at nilingon ako.
"Sa lahat ng bagay dito sa mundo, sa damdamin ko lang ako sigurado."
Naiatras ko ang ulo kong nakadungaw ng konti sa upuan niya.
Oh edi siya na! Siya na!
"Nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan niya at sabi nila, torpe daw itong si Simon. Nahihiyang lumapit. No'ng nagdala siya ng bulaklak, ay 'yon daw ang unang beses na kakausapin niya sana si Angel."
Tumango ako,
"Atsaka kung siya talaga si S.T., edi dapat wala siya sa school no'ng time na 'yon. Dapat absent siya kasi may date sila diba?" dagdag ni Nick.
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Mystère / ThrillerWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...