Prologue

27 2 0
                                    


"Manong, sure po ba kayong shortcut 'to papuntang street namin? Ba't parang ang tagal kong dumating?"

Dumungaw ako sa labas ng cab at pinagmasdan ang paligid. Hindi ako pamilyar sa buong lugar kasi ilang araw palang kami dito sa lugar na ito, pero iba talaga kutob ko. Pa'no pag biglang dalhin ako ni manong driver sa isang liblib na lugar, tapos doon niya ako huhubadan, tapos--HEP! Ang nega ko talaga!

"Iha, ilang taon na akong drayber dito. Mas alam ko ang mga daan kesa sa'yo."

"Sorry naman, manong. Kinabahan lang."

Kanina pa kasi text ng text si mama kung nasaan na daw ako. Ako kasi inutusang mamalengke, eh alam naman niyang kung saan-saan napupunta atensyon ko. Natagalan ako sa pamamalengke kasi may nanakawan ng pera sa isa sa mga tindera sa wet market. At heto akong si epal, nagpresentang hahanapin ko ang magnanakaw.

Buti nalang talaga nalaman ko kaagad na iyong anak lang pala niya ang kumuha ng pera. So 'yon, nakalibre pa ako ng gulay. Tas napalo pa iyong anak, hayst.

Mabilis kong ipinasok ulit ang nakadungaw kong ulo ko sa loob ng cab noong dumaan sa gilid ang isang police car. Napahawak ako sa dibdib ko. Talagang naramdaman ko pa ang hangin sa mukha ko sa sobrang bilis ng takbo nito. Ang lakas pa ng sirena.

Muntikan na akong mawalan ng ulo do'n ah?

"Anong meron?" tanong ko kay manong kahit alam kong pareho naman kaming walang alam.

"Baka may aksidente," sagot ni manong driver. "Pero teka, sa pabrika ng mga Garossa? Matagal na 'yang inabandona ah?"

Pinahinto ko si manong sa sinasabi niyang pabrika para makiusisa sa nangyayari. Pero pag baba ko sa cab, nanlamig ako bigla sa nadatnan kong pangyayari.

Pamilyar sa akin ang ganitong eksena.

Mga reporter. Mga pulis. Nagbubulungang mga tao. At ang tunog ng sirena ng police.

Sumikip bigla ang dibdib ko.

Hindi.. hindi..

"Pa! Pa!"

Nagsisiunahan sa pagtulo ang mga luha ko habang sinusubukan kong makiraan sa gitna ng nagkukumpulang mga tao.

"Pa.."

May papalabas na dalawang pulis mula sa sirang gusali at may binubuhat silang patay na katawan sa stretcher na may balot na tela.

"Pa! Pa!"

Pinilit kong makalapit sa binubuhat nilang katawan pero may pumigil sa aking pulis. "Iha, hindi ka pwedeng lumapit."

"Sir! Sir! Ang papa ko po!" Pinilit kong makawala sa hawak ng pulis. "Papa ko po ang biktima!" Iyak ako ng iyak. Nagmamakaawa na palapitin ako sa binubuhat na bangkay.

"Nagkakamali ka, iha." Napatingin ako sa pulis dahil sa sinabi niya. "Babae ang natagpuan naming bangkay."

Napaupo ako sa lupa noong napagtanto ko ang nangyayari. Minasahe ko ang sumisikip kong dibdib.

Kahit pala subukan, hinding-hindi ko na mabubura sa ala-ala ko ang araw na iyon.

Mga reporter, mga pulis, mga nagbubulungang kapit-bahay. Ito ang nadatnan ko isang hapon sa labas ng bahay namin. Ang mga 'to ay nagpapaalala sa akin sa pagkamatay ng papa ko. Noong nakita ko ang walang buhay na katawan ni papa, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.

Naramdaman kong umikot ang paningin ko kasabay ng pagkawala ng aking pandinig. Ipinikit ko ang aking mga mata. At noong binuksan ko ang mga iyon ay nasa loob na ako ng ospital.

"Anong nangyare?" naguguluhan kong tanong noong nakita ko si mama sa paanan ng kama. "Ah!" Bigla ba naman akong sinapak.

"Kung sa'n-sa'n ka kasi nagpupunta. Pinamalengke kita Jasmine, ba't sa ospital ka biglang napunta?"

So 'yon. Ang caring ni mama. Hinimatay na nga anak niya, pinagalitan pa.

"Oh? Nagising ka? Sana tinuloy-tuloy mo na tulog mo."

Napatingin ako sa kakapasok na bruha.

Oh diba? Ang sweet nila.

Hello KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon