Upuan..
Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang kabuoan ng bagong bahay. Ilang araw ko na 'tong pinagmamasdan, pilit pinapatanggap sa sarili ko na ito na nga! Ito na ang bahay mo! Kahit siguro buong araw ko 'tong titigan hindi ko parin mapapagtanto na ito na ang bagong tirahan namin. Nakakalungkot lang isipin na kinailangan naming iwan ang tahanan kung saan nabuo ang mga ala-ala namin kasama si papa, para lang makalimutan ang isang napakasakit na pangayayari sa buhay namin.
Kahit ayaw ko sa bahay na'to kasi parang may iba akong nararamdaman, pero wala akong magagawa kasi sabi ni mama ito lang daw ang mura sa lahat ng mga binibentang bahay, tapos malapit pa daw sa magiging bagong paaralan namin.
'Bagong buhay' ika nga ni mama. As if namang sa paglipat ng bagong tirahan, makakalimutan na namin ang trahedyang nangyari kay papa. Pero sige nalang. Kesa naman araw-araw makarinig kami ng mga bulungan mula sa mga kapitbahay na magpapaalala lang sa'min sa masaklap na nangyari kay papa. Mabuti pang lumayo. Sa lugar na walang nakakakilala sa'min.
Napatingin ako sa local news na binabalita sa TV. Tungkol iyon sa natagpuang bangkay kahapon sa pabrika ng Garossa. Na nagpaalala sa akin sa dinatnan kong pangyayari noong namatay si papa.
"Nasa taas ang kwarto mo Jasmine. Pinaayos ko na." Nabaling ang atensyon ko kay mama.
Nginitian ko lang si mama atsaka tinanguan. Tatlong araw na kasing sa sala kami natutulog ng kapatid ko kasi di pa nalilinis ang kwarto namin.
Inakyat ko ang hagdanan para magtungo sa kwarto ko. Sa totoo lang, masiyadong malaki ang bahay para sa aming tatlo. Ang tahimik pa.
Creepy..
Nakatagpo ko si Roxanne sa taas. Kakalabas niya lang sa kwarto niya.
"Ate, ayoko magsolo ng kwarto! Ang creepy dito! Nafe-feel mo ba?" Naghy-hysterical na naman ang bruha. "Basta feel ko lang may kung anong bad energy dito."
"Baliw! Tumahimik ka nga. Ang laki-laki mo na dapat may sarili ka ng kwarto."
"Eh basta! Ayoko!" Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Isip bata parin talaga ang kapatid ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ko. Hindi ko alam bakit pero bigla akong kinilabutan. Malaki ang kwarto, siguro dahil wala pa ito masiyadong gamit. Pumasok ako sa loob at pinagmasdang mabuti ang silid. Malaki ang kama. May vanity mirror, tapos may study table rin. Sa tabi ng vanity mirror may malaking closet na pastel yellow ang kulay. Binuksan ko ang closet. At nakita kong inayos na rin pala ni mama ang mga damit ko.
Naka tiles ang sahig, tapos ang wall ay nakapintura ng light blue. Hindi na ata binago ni mama ang kwartong 'to, kasi mukhang bago pa naman.
Umupo ako sa kama.
Mahirap pa rin talaga tanggapin na hindi ito ang kinalakihan kong bahay.
"Okay lang yan Jas! New house, new school, new friends, new life!" sabi ko sa sarili ko.
Tinanggal ko ang tali na nasa pulsohan ko para sana itali ang buhok ko kaya lang nahulog ito sa sahig at gumulong papunta sa ilalim ng kama. Inis!
Dumapa ako at kinapa ang ilalim ng kama. Kapa ako ng kapa hanggang sa may nahawakan akong parang notebook. Kinuha ko ito. Isa nga itong notebook. Diary ata. May lock eh.
At tapos kinapa ko ulit ang tali ko at buti nalang nakapa ko rin sa huli. Tinignan ko ang diary. Leather ang cover nito at kulay dilaw. Sa may bandang kanan, sa pinakababa, ay may nakaukit ng pahilig na pangalan. Pangalan siguro ng may-ari.
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Misterio / SuspensoWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...